KABANATA 6: AngerSinamahan ako ni Rocky umuwi ng Gregoria. Nalaman niya lang ang nangyari sa bahay namin nong umalis ako papuntang state. Maging sya ay nagulat sa pagkasunog ng bahay dahil dito rin sya galing non. Naaawa nga ako sa kanya eh, dahil nagawa niya pang pumunta dito sa probinsya kahit malayo.
Panay iyak ni Ante dahil ilang taon akong hindi nag-pakita sa kanila. Halos hindi sya makapaniwala sa nakita. Marami ngang nag-bago sakin dahil lahat ng mahal ko sa buhay ay 'yon ang nakikita nila.
"Mary anak...sobrang nag-aalala kami sayo, halos mamatay ako sa kakaisip kong saan ka pumunta." Kanina pa umiiyak si Ante. Panay punas ko sa kanyang luha. Should I regret everything? bakit hindi ko nagawang mag-paalam sa kanila nang ganon-ganon lang? nag-sisisi na ako sa biglaan kong pag-alis dahil marami pala akong pinag-alalang tao, at isa na dun ay asi Ante.
"Patawarin nyo sana ako Ante," Niyakap ko sya agad. Sobrang sikip ng dibdib ko. Miss na miss ko na sila!
"Saan ka ba pumunta, Mary? Bakit bigla-bigla ka nalang nawala?" Biglaang sambit ni Becky. Kumalas kami sa yakap ni Ante.
"Pumunta ako sa state at doon ako nag-aral," Sagot ko na ikinalag-lag ng panga nila. Gusto kong ikwento sa kanila ang lahat-lahat.
"State? tika pano ka nakapunta doon? Si Rocky ba ang nag-paaral sayo doon?" Gulat na tanong ni Becky. Lumingon ako mula sa lampasigan kong nasan si Rocky at Regienard, kasama si Dodong at mga kaibigan nila. Sila ang magkakabarkada noon at ngayon lang sila ulit nag kita-kita.
Binaling ko ang tingin kina ante at becky.
"Dahil nagkita na kami nang totoo kong tatay, Becky." Mas lalong silang nagulat. Maging si ante ay hindi makapaniwala.
"Hinanap mo si Francisco?" Si ante. Dahan-dahan akong tumango. Bigla ko lang naalala ang lahat ng nang-yari sakin noon, ang binitawang salita ng totoo kong tatay ay nakabaon parin sa utak ko. "Anong sabi niya? tinanggap ka ba niya?" Dugtong ni ante.
Thats what I asking for myself many times. Why he can't accept me?
"Pinagbawalan niya akong makipagkita sa kanya, Ante. Binigyan niya ako ng mahigit isang bilyon at ang kapalit non, ay ang pag-lisan ko sa buhay niya." Natigilan silang dalawa. May namumuong luha sa mata ko, ngunit kaylangan ko maging matapang sa harap nila. Matagal ko ng ipinangako saking sarili na ayaw ko ng lumuha pa.
"Diyos ko, bakit nagawa ni Francisco sayo yon?" Si Ante. Isa lang ang alam ko!
"Ayaw niyang malaman ng pamilya niya na may anak sya sa labas. May kapatid akong babae at minsan ko na syang nakilala sa bar na pinag-tatrabahoan ko noon." Salaysay ko. May malaking question mark parin sa sa mukha nilang dalawa.
"Aba...kong ako sayo Mary ay mang-gugulo ako sa pamilya ng tatay mo. Hindi nabibili ng pera ang presensya mo. Bakit mo tinanggap 'yon?" Iritang wika ni Becky. Sa totoo lang ay nag-sisisi na ako pero wala na akong alam na paraan.
"Gusto kong lumayo at mag bagong buhay," Agaran kong sagot. Inabot ni Ante ang kamay ko.
"Pwede ka namang mag bagong buhay dito sa Gregoria, Anak. Nandito naman kami ng Ninong mo kasama si Regienard at Becktor." Marahang samabit ni ante. Napasinghap ako.
"Sorry ante huh kong hindi ako nakapag-paalam. Pero sa ginawa kong pag-alis ay sobrang worth it ang lahat. Ang daming nag-bago sakin ante," Ngumiti sakin si ante habang si Becky ay sobrang taas ng kilay.
"Oo nga eh, ang daming nag-bago sayo. Mula sa pananamit mo at isa na dun ang buhok mo. May mga alahas kana sa buong katawan, tapos mas gumanda ka pa lalo. Super na'iingit na ako sayo huh. Sabihin mo nga samin, nakapag-asawa ka ba ng Amerikano doon?" Sunod-sunod na tanong ni Becky. Natawa kami ni ante. Siguro ay kaylangan kong sabihin sa kanila ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/87928963-288-k313624.jpg)
BINABASA MO ANG
Mary's Sweet Revenge [Book2 of Virgin Mary]
Roman d'amour-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin...