Mary Point of View
Sinimulan narin ang pagpatayo saking shop. Apat na araw na nila itong sinimulan. Sobrang ingay ng buong paligid sa mismong renovation.
Napagdesyonan kong ipatayo ang shop malapit lang sa traffic light. Mas malapit lang sa mga naglalakihang building at lalo sa lahat mas kita ng mga nagdadaanang tao at sasakyan. Malapit lang din ito sa mga pribehadong skwelahan at sigurado akong lalapitin ito ng mga tao at dito magkakape o kaya'y tumambay.
Sobrang graveyard ng paligid. Maingay, maalikabok, mausok, magulo, maalimpuot. Subalit lahat ng mga construction workers ay nakangiti. Tila na e'enjoy sa kanilang ginagawa.
Siguro ay dala sa kainitan na dumadampi sa kanilang mukha at silaw ng araw na sumasalubong sa kanilang mga mata.
Ibat-ibang kagamitan pang construction worker ang nakikita ko sa buong paligid. Mula sa steel cutter, mga pangharang, mga pamporma at iba pang kagamitan. May nagtutuyo ng simento mula sa batching plant na di umano'y nagpapakapal ng alikabok sa paligid. Ang mga pump crate na nakapalibot sa naturang daan na nagpapahiwatig na working hours, working area.
Panay takip ko saking bibig at ilong habang ikinakaway ang isang kamay sa mukha dahil sa alikabok. Nandito ako sa malaking tent at nakasilong habang pinapanuod ang mga kalalakihang construction workers. Sobrang init at halos gusto ko ng tumalon sa malamig na tubig. Bawat pawis saking noo ay pinupunasan ko. Hindi ko magawang umalis dito, dahil kailangan kong samahan si Rocky. He create and design the building. Sya narin mismo ang umaasekaso. Sobrang swerte ko kay Rocky mula noon hanggang ngayon.
Kinakausap niya ang ibang construction. Panay sulyap niya sakin habang nagsasalita. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila dahil malayo lang sila sakin.
Pagkatapos niyang kausapin ang mga kalalakihan ay lumapit sya sakin. Inaamin ko. Sobrang gwapo ni Rocky sa suot niya ngayon. Ang kulay itim na long sleeve na suot niya ay mas lalong nag paputi kay Rocky. Ang kulay dilaw na helmet na suot niya ay nag papabagay sa kanya.
Lumapit sya sakin bago niya tinanggal ang helmet sa ulo niya.
"H-Hindi ka pwede dito, Mary. You should go home." suhestyon niya. Umiling ako agad.
"Okay lang ako Rocky. And beside nag-eenjoy ako sa panunuod!" nguso ko. Bahagya syang nag-taas ng kilay.
"Nang ano? Nang mga alikabok?" napanguso ulit ako sa sinabi niya.
"Ano ka ba. Parang hindi ka naman nasanay sakin. Alam mo namang M.U na sakin yang alikabok. Palagi kaya tayong nasa kalsada noon. Diba?" komento ko. Napailing sya sa tawa tila naalala ang mga ginagawa naming laro noon. Tulad ng tumbang preso, sekyu, langit lupa at iba pa.
"Okay. Papayag akong nandito ka. But please, sa loob ka nalang ng tent. Ayaw kong magkasakit ka." sobrang lapad ng ngiti ko sa sinabi ni Rocky. Humalukip-kip ako sa harap niya.
"Sige." kibit balikat ko. "Anyway. Gutom ka na ba? Kumain muna tayo. May dala akong pagkain." umaliwalas ang mukha ni Rocky sa sinabi ko.
"Yeah. Gutom na nga ako. Let's go inside," anyaya nito bago kami pumasok sa loob ng tent.
Tumungo ako sa mesa kong saan nakapatong ang kulay brown na paper bag. Isa-isa kong inilabas ang mga garapon saka iyon ipinatong sa mini mesa. Sinulyapan ko si Rocky at nakaupo na ito sa harap ko.
"Why we just dont eat outside? May malapit lang namang restaurant dito." napasulyap akong muli sa sinabi niya. Umupo narin ako bago sumagot.
"Ayaw mo dito?" mahina kong tanong.
"Hindi naman sa ganon. Masyado lang kasing mainit, baka naiinitan kana dito." komento ni Rocky. Dahan-dahang sumilay ang ngiti ko sa labi.

BINABASA MO ANG
Mary's Sweet Revenge [Book2 of Virgin Mary]
Romance-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin...