Make love with me, make love with me. Pabalik-balik iyong pumapasok saking tenga at isip. Makikipagtalik ako sa kanya? Para saan? Anong binabalak ni Matteo? Anong gusto niyang mangyari? Gusto niyang mag sex kami? Nababaliw na ba sya? Now, I know. Lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na totoo lahat ng iniisip ko tungkol sa kanya. Na totoo lahat ng mga pangangamba ko. Na totoo lahat ng mga sinabi ng mga kaibigan ko. Na totoo lahat iyon at mali ako noon. Hindi ako mahal ni Matteo, at katawan ko lang ang habol niya. Hindi niya ako mahal at tanging pagnanasa at sarap lang ang habol niya sakin. It's not love, it's lust. Ngayon alam ko na kong bakit habol sya ng habol sakin. Gusto niyang pagsawaan ang katawan ko nang sa ganon ay hindi sya lugi sakin.
Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Sobrang init ng katawan ko's galit. Sobrang sakit ng ulo ko, sabayan mo pa sa mainit na panahon. Sumulyap ako kay Matteo at wala itong ekspresyon sa mukha na nagmamaneho. Humarap ako sa kanya!
"Stop the car," pagbabanta ko na ikinalingon niya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sya sa pagmamaneho. "I said stop the car," sa puntong ito ay sumigaw na ako. Ramdam na ramdam ko na ang galit saking katawan. Nagpatuloy parin sya sa pagmamaneho. "Matteo, I said stop the car. Hindi mo ba ako naririnig? Ihinto mo ang kotse dahil lalabas ako. Ano ba! Itigil mo sabi eh." isang masigabong sigaw ang binitawan ko. Sa puntong ito ay sinulyapan niya akong nakangiti. Isang ngiting may balak na ikinakaba ko. Huwag mong sabihing totohanin niya ang sinabi niya kanina? "Matteo. Anong bang gusto mong mangyari? Ayaw kong makipagtalik sayo. Gusto ko ng lumabas sa kotse mo. Damn! I hate you....." sumigaw ako sa iritasyon. Halos maiyak ako sa kinauupoan ko ngayon. Hingal na hingal ako sa kakasigaw sa kanya. "Ihinto mo ang kotse, kong ayaw mong---,"
"What? Anong gagawin mo sakin?" sumulyap sya sakin na may ngiti. Kumunot ang noo ko.
"Idedemanda kita. Sapilitan mo akong ipinasok dito sa kotse mo. Let me get out, fuck you Matteo. I hate you!" sigaw ako ng sigaw sa loob ng kotse. Naramdaman ko nalang ang iilang luha sa gilid ng aking mata. Rinig na rinig ko pa ang tawa niya. Isang tawa na mahina ngunit nagpapa-inis sakin.
"Ededemanda mo ako? Kaya mo?" natahimik ako sa sinabi niya. Napalunok ako!
"Anong ibig mong sabihin? Ibaba mo ako sabi eh. Kong ayaw mong edemanda kita ng tuluyan," pagbabanta ko. Tawang-tawa parin sya hanggang ngayon. Fuck! What's funny?
"Go on. I am not scared Mary. Atleast sa huling pagkakataon ay natikman kita." namilog ang mata ko sa sinabi ni Matteo. Ramdam na ramdam ko ang pangi-nginit ng aking magkabilang pisnge. Hindi ko lubos akalain na maririnig ko iyon sa bibig niya. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit.
"Fuck you, Matteo. Just fuck you. Ugh! I hate you. Bastos ka. Buti nalang talaga at hindi tayo nag-tagal. Buti nalang talaga at nakalimutan na kita. Nakakainis ka. Bastos, bastos, bastos. Ibaba mo ako ngayon din." sumigaw ako ng malakas rason kong bakit huminto ang kanyang kotse. Hingal na hingal ako sa galit. Luminga ako sa paligid at laking gulat ko dahil nasa isang hotel kami. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"We're already here," saad niyang may ngiti. Nanginginig ang tuhod ko sa sinabi niya.
"God. Nababaliw kana, Matteo. Anong akala mo sakin? Papayag nalang na mag pagamit sayo? For the last time huh? Para saan? Para buntisin ako? Para maisiguradong iyong-iyo ako?" sa sinabi kong ito ay natahimik si Matteo. Napawi ang kanyang ngiti sa puntong ito. "Diba? Yon naman ang gusto mo? Yon naman ang plano mo? Ang may mangyari satin ngayon para buntisin ako? Nang sa ganon ay para hindi ako makawala sayo. Ano? Sabihin mo sakin? Katawan ko lang ang habol mo at hindi ako. Sarap lang gusto mo at hindi ang pagmamahal ko." sa puntong ito ay may luhang tumulo saking mga mata. Hindi ko alam kong bakit kusang umagos ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat patak nito muka saking pisnge. Sobrang sikip ng dibdib ko. Nabigla ako sa sinabi niyang gusto niyang makipag sex sakin for the las time. Ganon na ba talaga ang tingin niya sakin? Ganon na ba talaga ako sa paningin niya? Hingal ma hingal kong pinunasan ang aking mga luha sa pisnge. Nag-sisisi na ako kong bakit umiyak pa ako ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/87928963-288-k313624.jpg)
BINABASA MO ANG
Mary's Sweet Revenge [Book2 of Virgin Mary]
Romansa-BOOK [2] OF THE VIRGIN MARY- Di kailangang matalo para mapatunayang matatag akong tao. Minsan mas mabuting manahimik di dahil takot ako, kundi hinahayaan kong sila mismo ang magpapabagsak sa kanilang pagkatao. Virgin, Innocent, Tahimik at Mahin-hin...