CHAPTER XIII

262 13 6
                                    


Dahil sa naging usapan nila ay walang nagawa si Red kundi tulungan si Jake sa pagpapatuloy ng paglalaba nito.

Hindi naman na siya nahirapan. Marunong din naman siyang maglaba. Lalo pa't may washing machine naman. Ang awkward lang ay yung magkaharap sila  ni Jake sa isang palanggana sa pagkusot tuwing magbabanlaw na.

Lalo pa ngang naging awkward ang pakiramdam niya ng mabasa ang T-Shirt ni Jake at magtanggal ito ng pang-itaas. Hindi niya magawang tumingin dito. Alam din niyang panay ang titig nito sa kanya habang gumagawa sila. Ewan niya. Hindi lang siguro talaga siya sanay na may kasama sa paggawa -- na nasanay siyang mag-isa sa bahay lalo na pag ganitong araw ng Linggo. Kaya't minarapat na lang niyang bilisan ang pagkilos para matapos na ang ginagawa nila.

Pagdating sa sampayan, dahil iisang lugar lang ang lagayan ng hangers ay madalas na magkadikit ang kanilang mga katawan. Na agad naman niyang iniiwasan. Tila nakukuryente siya. Ang hindi nga lang niya maintindihan ay tila pagkaminsan ay napapako ang paningin niya sa katawan ni Jake. Ang pilit na lamang niyang isinisiksik sa isipan ay "naiinggit siya" sa katawan nito.

Minsan ay nahuhuli siya ni Jake na nakatingin sa katawan nito. Na tuwing nahuhuli siya'y tila nagfi-flex pa ito ng muscles at ngingiti ng parang nakakaloko.

Isang beses nang nakataas ang kamay ni Jake dahil inaabot na pilit ang isang sipit ay napatingin ulit siya sa dibdib hanggang sa balikat nito. At nang mahuli siya'y nakangisi itong nagsabi ng "Ayos ba?" at kumindat pa.

Kung hindi lamang dumating ang tatay niya ay "aabutan" niya at "bibigyan ng isa" si Jake.

"Mag-merienda muna kayo!" sigaw ng tatay niya. May dala-dala itong tinapay at softdrinks at tatlong baso. Inilapag nito ang dala-dala sa isang lamesang yari sa kawayan na nasa ilalim ng punong malapit sa bahay at nasa loob ng kanilang bakuran. Pagkalapag sa mga ito ay binuksan ang softdrinks at sinalinan ang tatlong baso. "Halina kayo!" yaya nito nang maihanda na ang merienda.

Una siyang lumapit. Kung hindi siya lalayo agad kay Jake ay baka nga "maabutan" niya ito.

Nang makita ng tatay niya si Jake na walang pang-itaas at papalapit ay hindi niya inaasahan ang naging reaction ng tatay niya.

Mula sa pag-inom ng softdrinks ay tila nanlaki ang mga mata nito at tila nasamid pa sa paglunok habang titig na titig sa katawan ni Jake. Hindi nito iniiwas ang mga mata kahit pa noong nakalapit na si Jake at nakaupo mismo sa harapan ng tatay niya.

"Ayos na ayos yang katawan mo ah! Parang hindi pang-high school!" bulalas ng tatay niya at pinipisil-pisil ang braso ni Jake.

Inalis niya ang paningin sa ama habang umiinom ng softdrinks. Naaasiwa siya.

Sumagot naman si Jake na parang hindi naman nito binigyan ng pakahulugan ang naging reaction na iyon ng tatay niya. Sanay na itong masabihan ng ganun. Marami na itong narinig na komentong tulad nun. "Dahil po marahil sa pagsama-sama ko sa paggapas, pagbubuhat ng inaning mangga, singkamas, mais o talong sa barangay namin para kumita ng pera. Lagi rin po kaming naliligo sa ilog na malapit sa amin. Nahubog siguro ng paglangoy at pagbubuhat ko." sagot ni Jake.

"Kaya pala eh! Parehas tayo ng katawan dati. Sinanay din kase ako ng mga magulang ko sa pagtatrabaho. Kaya nahubog ang katawan ko. Pagdating ng kolehiyo, lagi akong napapasali sa pageant na panlalaki. Nakatulong ng malaki sa pag-aaral ko dahil lagi akong nananalo. Ingatan mo yang katawan mo, maaari kang maging modelo. Matangkad ka at pantay ang kulay mo. Ako man ay modelo na sana ngayon, napabayaan ko lang ang katawan ko nung mga huling taon ko na sa college. Ngayon-ngayon nalang ulit ito nahuhubog dahil sa paggawa ko sa talyer." sagot ng tatay niya.

Humarap na siyang muli dahil sa narinig. Aniya sa sarili'y "kaya naman pala may interes ang tatay sa pagpapaganda ng katawan". Dumaan din pala ito sa pagpapaganda ng katawan at pangangalaga dito. Kaya pala marami siyang nakikitang mga pictures ng kanyang tatay na may kasamang mga lalake na naka-underwear lang. Marahil ay mga kasamahan nito ang mga iyon o katunggali sa mga sinalihang male pageants.

"Itong si Red. Maganda rin ang hubog ng katawan nyan. Pero hindi gaanong toned dahil hindi masiyadong batak sa gawain. Basketball lang ang nag-trim dyan. Bukod dun ay wala na itong iba pang activity." anang tatay niya na noo'y nakatingin sa kaniya.

"Nakita ko nga po kagabi." sagot naman ni Jake na nakangiti na naman. "Noong magpalit siya ng pantulog. Hindi naman nalalayo sa katawan ko." dugtong nito.

"Yun nga lamang ay maputi iyong si Red. Mas in-demand ang mga moreno sa modelling." sagot ng tatay niya.

Hindi na lamang niya pinansin ang dalawang nag-uusap. Gutom din kase siya at naiinitan dahil kanina pa sila nakabilad sa araw sa pagsasampay.

"Sige maiwan ko na kayo at titingnan ko pa yung niluluto kong ulam, baka masunog." paalam ng tatay niya at tinapik na muli sa balikat si Jake.

Tumango-tango lang silang dalawa.

"Ang cool ng tatay mo noh?" tanong sa kanya ni Jake nang makapasok ng bahay ang tatay niya.

Sa halip na sumagot ay napaisip siyang muli. "Cool. Yun ang tingin ng ibang tao kay tatay. Samantalang ako, puro pagdududa ang ginagawa ko. Puro pagsu-suspetsa. Hindi ko man lang magawang pakinggan ang panig niya." aniya sa isip.

Dahil dito'y tumayo siyang muli. "Tara na! Tapusin na natin ang ginagawa natin!" malakas niyang sabi kay Jake.

Nagtataka man sa biglaang pagbabago ng mood niya ay agad din namang sumunod si Jake sa kanya.

Hindi na siya muling naasiwa pa sa pagbabalik nila sa pagsasampay.

----------------------------------------------

Natapos ang buong araw na hindi na in-stress ni Red and sarili. Hindi na siya nag-isip pa ng kung anu-ano. Nagi-guilt na rin siyang isipin na "pinagdududahan" niya ang dalawang kasama niya sa bahay. Lalo na ang kanyang ama.

Hinayaan niyang lumipas ang maghapon na magawa nila ni Jake ang mga trabahong matagal na ring hindi niya nagagawa. Nakakamiss din pala.

Kinagabihan, habang hinihintay ang kanyang tatay na nagsabing bibili ng liston manok sa kanto para maging hapunan nila ay pareho silang sa cellphone nakatutok ni Jake.

Kinamusta siya ni Liezle sa FB Messenger. At kinamusta din nito si Jake.

"Kamusta ang unang araw ni Jake dyan?" tanong nito. "Umalis kase kami nila Mama at Papa, nagsimba kami, kaya hindi na ko nakapunta dyan." dugtong pa.

Sa halip na sagutin ito ay pinicturan niya si Jake (walang sounds at flash - na hindi alam ng huli) at ipinadala kay Liezle. Sa pagkakakuha niya ng pic kay Jake ay nakahiga ito sa sofa.

"Aba! Ayos ah! Mukhang komportableng komportable ang prince charming ko sa bahay niyo ah! Ang pogi talaga!" message ni Liezle nang makita ang sinend niyang pic.  May mga hearts/love icons at stickers pa. "Isa pa nga. Picturan mo pa siya." request pa nito.

Wala siyang nagawa kundi picturan ulit si Jake. At ipinadala ulit sa Messenger ni Liezle.

Ang hindi niya alam ay nakahalata si Jake na kinukuhanan niya ito ng picture.  Subalit hindi na lamang ito kumibo at nag-react dahil sa pagod at sa gutom na rin marahil.

----------------------------------------------

PAGKAKAIN NG HAPUNAN ay agad na silang umakyat at pumasok sa kwarto. Habang naglilinis ng katawan sa banyo si Red ay kumatok si Ariel at inihatid nito ang extrang kutson na binabanggit kagabi pa.

Pinagbuksan ito ni Jake. May sinabi ito sa kanya at umalis naman kaagad nang maibigay ang kutson.

Pagkalabas ni Red sa banyo ay agad niyang napansin ang kutson na nasa sahig.

"O! Andito na to? Pumunta ka ba sa kwarto ni tatay habang naliligo ako?" nababahalang tanong niya kay Jake.

"Hinatid niya yan kanina habang naliligo ka." sagot ni Jake. "May sinabi pala siya saken nung hinatid niya yang kutson." dugtong pa nito.

"Ano sabi?" tanong niya habang nakatalukbong sa ulo niya ang tuwalya at pinatutuyo ang buhok.

"Ayun. Nagpapasalamat sa akin. Sa pagtulong ko sa'yo sa paggawa sa mga gawaing bahay. Bukod dun, nagpapasalamat daw siya at maghapon kang hindi umalis. Hindi ka lumabas para mamasyal o magbasketball. Maghapon ka niyang nakasama at ilang beses kayong nagkasalo sa hapag sa pagkain." kaswal na sagot ni Jake.

Dahil dito ay napatigil siya sa pagkuskos niya ng tuwalya sa ulo.

Inalis niya ang tuwalya mula sa kanyang ulo at humarap kay Jake.

Magsasalita sana siya pero naunahan siya nito. "Kung makapagsalita yung tatay mo, parang antagal-tagal nang hindi kayo nagkikita. Gayong araw-araw naman kayong nagkakasama, di ba? Parang miss na miss ka ng tatay mo. Haha!" nakatawang saad ni Jake.

"Oo nga pala. Wala pa palang alam si Jake" sa isip niya. Nakatingin siya sa mukha ni Jake pero naglalayag ang isip niya...

"Ang swerte mo sa tatay mo no?" tanong pa sa kanya ni Jake.

Dahil dito ay tila bumalik siya sa sarili.

"Hah?! Swerte?" aniya.

"Oo. Kase, halata namang mahal na mahal ka ng tatay mo. Bihira yang ganyang tatay na malambing sa mga anak. Siguro lahat ng luho mo, ibinibigay ng tatay mo no?" sagot ni Jake. Saka tumingin sa paligid. "Tulad niyan, kumpleto ka ng gamit sa kwarto mo. May PC ka, mamahaling game console, sariling TV, DVD player, latest model ang phone mo at higit sa lahat ipinagluluto ka pa ng tatay mo. Bihirang-bihira ang ganyang tatay ngayon ah!" pagtatapos nito.

Napaisip siya sa narinig. Nakatitig siyang muli sa mukha ni Jake pero iniisip niya ang tungkol sa sinabi nitong mga ginagawa ng kanyang tatay para sa kanya.

"Maglinis ka na ng katawan at matulog ka na! Kung anu-ano sinasabi mo!" sa halip ay sinabi niya kay Jake. Na agad namang sinunod ng huli. Pero pagkapasok na pagkapasok nito sa banyo ay tila napapaisip pa rin siyang inaalala ang sinabi ni Jake at ng kanyang ama.

----------------------------------------------

KINABUKASAN ay maagang nagising si Red para maghanda sa pagpasok sa eskwela. Pagtingin niya sa higaan ni Jake ay wala na ito doon. Nakatiklop at nakaligpit na din ang kutson at nakapailalim sa kama niya.

Iginala niya ang mata sa paligid ng kwarto. At nakita niya ang dalawang pares ng uniform (pantalon at polo shirt) at sando na plantsado na. Nakasabit ito sa pihitan ng kanyang cabinet. Marahil ay kay Jake ang isa rito at sa kanya naman ang isa. Sa bandang lapag ay nakahanda na rin ang dalawang sapatos at dalawang pares ng medyas.

May naririnig siyang lagaslas ng tubig mula sa banyo. At maya-maya at lumabas mula dito si Jake na nakatapis lang ng tuwalya.

"Oh! Gising ka na pala! Bumangon ka na at maligo. Nakapagluto na ko ng almusal sa ibaba. Bumaba ka na lang kapag nakapagbihis ka na." anito habang nagpupunas ng basang buhok.

Hindi pa din siya kumikilos. Tila tinatamad pa siya.

Pero nagulat siya nang hilahin ni Jake ang paa niya hanggang sa malaglag siya sa sahig.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo!???" may pagka-irita niyang sabi. Pero tila hindi siya pinapansin ni Jake dahil nagawa pa nitong kunin ang kamay niya at isampa siya sa balikat. Pwersahang ipinasok sa loob ng banyo saka ini-lock ang pinto.

“Bilisan mong maligo! Kakain pa tayo!” ani Jake nang maisara nito ang pintuan.


----------------------------------------------

Nang makapagbihis si Jake (sando lang muna ang isinuot nito – kakain pa kase sila ng almusal, baka madumihan ang polo – kaya’t isinampay muna nito ito sa sandalan ng sofa) ay dumiretso siya ng kusina. Magtitimpla siya ng kape para eksakto mamayang pagbaba ni Red.

Habang nagtitimpla siya’y nakita niyang pababa ng hagdan ang tatay ni Red.

“Good morning!” bati ni Ariel.

“Good morning po.” sagot naman ni Jake.

“Sabi ko na nga ba’t mauunahan mo akong gumising eh. Madalas ako ang naghahanda ng almusal ni Red. Pero mukhang maaagawan mo ako ng trabaho dahil mas maaga kang nagigising saken.” saad ni Ariel at umupo sa hapag.

“Sabayan na po ninyo kami sa almusal.” tugon muli ni Jake at inilagay sa harap ni Ariel ang isang tasa ng kape.

Tumalikod si Jake para magtungo sa may kalan para kunin ang sinangag na niluto niya kanina. Sinundan siya ng tingin ni Ariel.

“Jake, halika.” ani Ariel nang makita nito ang hindi maayos na pagkaka-tuck-in ng sando niya sa pantalon. “Hindi maayos ang pagkaka-tuck-in ng iyong sando. May nakalabas pang laylayan.” dugtong nito.

Lumapit naman si Jake sa lamesa. Dahil sa hawak-hawak ni Jake ang bandihado ng sinangag ay hindi na niya napigilan ang tatay ni Red nang hawakan nito ang nakalabas na laylayan ng kanyang sando at inayos nito ang pagkaka-tuck-in o pagkakaipit sa belt na nasa bewang niya.

----------------------------------------------

Nang mga sandaling iyon ay nagmamadaling bumaba ng hagdan si Red at inilapag sa sofa ang bag at ang polo. Dumiretso ito sa kusina…

Nanlaki ang mga mata niya sa nakitang posisyon ni Jake at nang kanyang ama.

Nakatalikod si Jake mula sa pwesto niya. Nakatayo ito sa harapan ng kanyang ama na nakaupo sa silya! Magkalapit ang dalawa. Bakit tila may gustong gawin ang kanyang ama sa belt ni Jake? Tinatanggal ba ng tatay niya ang belt ni Jake? May gagawin ba ito sa kaklase niya?

Nang tila nayuyugyog si Jake (dahil sa paggalaw ng kanyang ama sa belt nito), napaisip siya! “Sh*t kahit pala hindi na tanggalin ang sinturon! Maaari nang…” aniya sa isip. Naglikot na ang isip niya…

Dahil dito ay sumigaw siya ng malakas!

“Tatay!!! Anong ginagawa niyo???!!!” at dali-daling pumunta sa kinaroroonan ng dalawa!

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon