CHAPTER XXI

185 11 3
                                    

ISANG UMAGA AY KINAUSAP ni Jessy si Jorix habang naghihintay sila ng susunod na teacher para sa susunod na subject.

"Balita ko, nag-alok ka na daw ng tulong kay Jake bilang choreo ng RESPETADAS?" tanong nito.

Hindi mo naman makikitaan ng kahit na kaunting galit sa mukha nito habang itinatanong iyon.

Bago pa man nakapagsalita si Jorix ay muling nagsalita si Jessy. "Tingin mo? Hindi kaya masiyadong maaga para sa pag-aalok mo ng tulong kay Jake. Wala pang signal ang Admin. At saka, di ba dapat pa nga ay gipitin natin at sikilin itong si Jake sa ngayon?" dugtong nito.

"Pasensya ka na Jessy. Naaalala ko pa naman yung patakaran ng Admin at sa kailangan nating gawin sa mga bagong tatag na grupo. Pero yung pagtulong ko kay Jake ay may personal na dahilan. May personal akong motibo" sagot ni Jorix.

Nanatili naman nakatitig sa kanya si Jessy.

"Don't worry, ang tulong na inialok ko kay Jake ay hindi makakasira sa plano at panuntunan natin at ng Admin" kumindat pang turan ni Jorix.

"OK. May tiwala naman ako sayo eh. Ipinapaalala ko lang ang gampanin natin bilang members ng Pursigidos" ani Jessy na ngumiti rin.

"Ako pah!?" sagot naman ulit ni Jorix na nagpa-cute ulit.

---------------------------------------------------

HINDI NAGTAGAL AY NAGSIMULA na ngang mag-ensayo ang mga RESPETADAS ng kanilang sayaw.

Pinayagan sila ng Admin ng paaralan na gamitin ang dance studio na kalimitang ginagamit kapag may ensayo ang mga mag-aaral kung may mga pagtatanghal o aktibidad.

Sa tulong ni Jorix ay nakikita at napag-aaralan ang galaw ng bawat isa. Madali nitong nasasabi ang mga mali at ang mga dapat na posisyon ng katawan, kamay at paa ng lahat. Pinagmamasdan nitong maigi ang blockings ng grupo. Strikto din nitong binabantayan ang tiempo at pagkakasabay-sabay ng lahat.

Si Jake nama'y abala sa pag-iisip ng magandang idadagdag pa sa konsepto ng magiging sayaw ng kanyang grupo. Iniisip niyang haluan ng pagpapakwela ang sayaw o yung tinatawag na 'aliw factor', lalo pa't napaka-energetic tingnan ng kanyang mga members habang nagkakabisa ng steps.

Hindi naman nakaiwas si Red at Liezle nang pakiusapan sila ni Jake na mag-edit at mag-remix ng tugtog na sasayawin. Hindi na daw kase uso ang isang kanta lang.. dapat iba-iba.. may sound effects din bawat intro o switch ng music.

Habang tumutulong sina Liezle at Jorix, hindi naman nawawala ang pagpapa-cute nilang dalawa kay Jake. Naroong binibigyan ito lagi ng maiinom ni Jorix. Si Liezle nama'y lagi nang nakapunas sa pawis ni Jake kapag naiinitan. At madalas na nagkakasabay ang dalawa sa pag-alok ng pagkain o mame-merienda kay Jake.

Ang hindi nga lang magawa ni Liezle ay ang lagi nang ginagawa ni Jorix na pag-overnight sa bahay nina Red para makapag-isip pa sila ng magandang idadagdag na "paandar" sa sayaw.

Dahil na-miss din ni Jorix ang pagpi-perform ay tila sini-seryoso na niya ang pagtuturo at pag-aasikaso sa grupo. Lalo pa't aniya ay nationwide TV ang target nila. Hindi biro ang papasukin nila. Kailangan aniya'y bukod sa flawless ang magiging performance nila, kailangang mapansin at mapahanga din nila ang judges ng programang sasalihan nila. Dahil sa pagkakaroon ng 'pusong performer' ay yun ang ninanais ni Jorix ngayon.

At dahil nakikita din naman ni Jake ang pagpupursiging iyon ni Jorix ay sinusuklian din naman niya ng pag-aasikaso kay Jorix sa tuwing nasa bahay ito nila Red. Tulad ng pagluluto ng masasarap na pagkain at paghahanda ng merienda para rito. Na dumarating pa sa puntong si Jake na mismo ang nagsasalin ng inumin nito sa baso.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon