CHAPTER XXVI

189 12 4
                                    

Pagkalabas ni Jake sa CR ay agad din namang lumabas si Red mula sa cubicle na pinagtataguan niya at dumiretso sa labas ng CR upang sundan ito. Nagtago muna siya sa bungad na pintuan at sinilip si Jake.

Ngunit saan man siya lumingon ay hindi na niya makita si Jake.

Mabilis siyang lumabas mula sa pinagkukublihan para mas masuyod ng kanyang mga mata ang makapal na bilang ng tao sa loob ng Mall. Pero bigo siyang makita si Jake mula sa mga ito.

Patakbo siyang naglakad upang 'mahabol' at mahanap si Jake...

Iginala niyang mainam ang paningin sa kabuuan ng Mall mula sa kinalalagyan niya...

Mabilis niyang tinitingnan ang bawat taong nahahagip ng kanyang paningin. Mula sa mga nakaharap sa kanya, nakatagilid at kahit pa ang mga nakatalikod...

Pero hindi pa rin niya ito makita...

Sinubukan niyang tingnan maging ang mga ibang floors... sa escalators... sa bawat stores... sa mga nakaupo at nagpapahinga...

Ngunit hindi pa rin niya ito natagpuan.

Nag-ikot ikot pa rin siya habang palinga-linga sa paligid ng mall...

Hanggang sa makarating na siya sa Main Entrance...

Sa parking lot...

Pero wala ni anino ni Jake.

Dahil sa pagod ay napaupo na lamang siya sa isang bench na nasa parking lot at doon ay binawi niya muna ang paghinga.

--------------------------------

Si Jake nang mga sandaling iyon ay nagpahatid na lamang sa isang taxi hanggang sa bahay nila Red.

Iti-next niya si Red at sinabi rito na umuwi na siya. Palusot niya'y biglang sumama ang kaniyang pakiramdam.

Dahil walang traffic, mabilis siyang nakarating sa bahay.

Parang nanlulumong ibinagsak niya ang kaniyang katawan sa kama ni Red nang makarating siya sa kwarto.

Saglit siyang nagpahinga roon.

Napako naman ang paningin niya sa kisame. At sa pagkakatitig niya doo'y hndi niya maiwasang maisip muli si Jorix at ang kaniyang nakita kanina...

Hindi rin malinaw sa kaniya kung bakit tila napakabigat ng dibdib niya nang makita si Jorix na may kasamang babae.

Tila nasasaktan siya...

Pero bakit?

Dahil ba sa nagsinungaling ito sa kanya kanina? Na kung bakit kailangan nitong magsinungaling na may emergency ito sa bahay pero ang totoo'y gumawa lamang ito ng palusot para makipagkita sa iba?

Nagagalit din ba siya?

Dahil ba sa iniwan siya sa ere... para makasama ang iba?

O nasasaktan at nagagalit siya dahil nalaman niyang may 'ka-date' si Jorix... na maaaring kasintahan nito?

"Ano ba tong iniisip ko?" tanong niya sa sarili.

At wala sa loob na inihilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha.

Lumingon siya sa kaliwang bahagi ng kwarto... kung saan napwesto ang isang cabinet ni Red.

Nakita niya ang isang drawer ng cabinet na nakabukas. (Naiwan iyon ni Red dahil sa pagmamadaling umalis kanina).

Nagtaka siya sapagkat hindi kailanman niya nakitang nakabukas ang drawer na iyon. Palagi ay naka-lock ito at nakasara.

Nang may makita siyang tila nakaipit na papel sa drawer ay bumangon siya para malapitan ito. Tama nga siya... Isang brown envelope ang nakaipit sa drawer...

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon