CHAPTER XXX

204 13 1
                                    


Sa narinig ay bigla siyang napatingin kay Tito Ariel.

Tumitig siyang muli sa kausap at pinag-aralan kung nagbibiro lamang ba ito.

Pero nagsalita muli si Tito Ariel...

"Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw mong ipaalam sa iba ang nangyaring pambubugbog sa iyo. Natatakot kang kumalat ito at malaman ng iba ang tungkol sa pinag-ugatan ng pambubugbog sa iyo. Nag-aalala kang malaman ng iba ang tungkol sa picture na ito." turan ni Tito Ariel.

Bumuntong hininga siya. 'Ano't parang nababasa ni Tito Ariel ang isipan niya? Bakit nalalaman nito ang lahat ng naiisip niya?' aniya sa isip.

"Madali lang naman hulaan." si Tito Ariel at nakangiti ito. Parang nababasa pa rin nito maski ang kasalukuyang tanong sa isipan niya.

"Mabait kang bata. Hindi mahirap na hulaan na 'para sa akin' at 'dahil sa akin' kaya ayaw mo ipagsabi ang tungkol sa nangyari sayo. Pero, hindi mo na sana ako ipinagtanggol sa mga katropa at ka-basketball ni Red. Matagal nang usap-usapan sa lugar na ito ang tungkol sa kasarian ko. Yung tsismis na 'bakla' ako. Alam ko, na dati pa akong pinag-uusapan ng mga kapit-bahay at nang mga ibang mga nakakakilala sa akin. At alam ko rin na ito rin ang dahilan kaya malayo ang loob sa akin ni Red. Hindi ko naman hawak ang damdamin ni Red. Kaya kung ikinakahiya ako ni Red dahil sa 'tsismis' at sa 'picture' na ito, wala akong magagawa. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag o kung paniniwalaan ba ako ni Red kapag nagpaliwanag ako." mahabang pahayag ni Tito Ariel.

Nanatili siyang nakatitig rito at nakikinig. Ramdam din niya ang bigat sa dibdib ng kausap niya.

"Ikaw ba? Naniniwala ka ba sa tsismis tungkol sa akin?" tanong nito sa kanya.

Atubili siyang sumagot. Hindi siya naging handa sa tanong na iyon.

Kaya napangiti si Tito Ariel. Tumingala ito saka nagkwento:

"Ang kasama ko sa picture ay kaklase ko sa college na si Michael. Naging kasama ko siya sa apartment sa Maynila habang nag-aaral kami. May naging kaklase kaming babae na ang pangalan ay Shiela. Naging sobrang close kaming tatlo.

Single mom si Shiela. Nabuntis ito noong nasa highschool pa lamang siya. Pero hindi mo mahahalatang may anak na ito dahil sexy pa rin ito at napakaganda. Kaya't walang nakakaalam na may anak na siya. Dahil dito ay marami paring nagkakagusto kay Shiela. Subalit, hindi siya magawang lapitan ng mga lalaki dahil napagkakamalang boyfriend o manliligaw niya kami ni Michael.

Pero may isang naglakas ng loob na lumapit at manligaw kay Shiela. Si Harold. School mate din namin. Likas na pabling si Harold. Pero nagseryoso ito dahil kay Shiela. Napakaseloso nito pagdating kay Shiela. Kaya't dumating sa puntong maski kami ni Michael ay napilitang iwasan si Shiela upang hindi kami pagselosan ni Harold.

Ilang buwan kaming hindi nagkita-kitang tatlo. Nagulat na lang kami ng isang araw ay biglang nagpunta ulit sa apartment namin si Shiela. Nabigla kami sa dala nitong balita -- na buntis daw ito kay Harold at magkasama na silang dalawa sa inuupahan ding apartment. Natatakot daw si Shiela na sabihin kay Harold ang pagdadalantao niya baka hindi siya nito panagutan at iwanan siya nito.

Ilang buwan ang nakakalipas pero hindi pa rin nasasabi ni Shiela ang pagbubuntis niya kay Harold. Hindi naman malaki magbuntis si Shiela kaya hindi halatang buntis siya noon.

Tumatakas-takas si Shiela kay Harold para makabisita sa apartment namin. Sa tuwing nasa apartment namin siya, nakukwento niya sa amin ang sobrang pagka-seloso ni Harold. Minsan pa nga daw ay natatakot na ito sa ikinikilos dahil sa pagseselos nito. Dumating pa daw sa puntong muntikan siya nitong sampalin at suntukin. Dahil dito, lagi namin siyang inaasikaso kapag bumibisita siya sa apartment. Ipinagluluto namin siya ng masasarap at masusustansiyang pagkain at laging kino-comfort.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon