CHAPTER XLVI

153 7 3
                                    

ILANG ORAS PA ANG NAKALIPAS...

Tila humabol sina Jorix at Red sa nainom ni Jake. Binilisan nila ang pag-inom para mapantayan sa pagkalasing ng huli. Para pantay-pantay sila ng tama - ika nila.

Nang makailang bote na rin sila at nahilo, si Jorix naman ang makulit na nagdadadaldal. Habang si Red ay nanatiling tahimik at tuloy lang sa pag-inom habang bahagyang nahihilo at nakikinig sa dalawa.

"Haiiiisssstttt! Jake! B-bakit.... ba... kailangan.... mong umalis pa... ha!?" utal utal na wika ni Jorix. Halos maidikit na nito ang mukha kay Jake habang kinakausap ang huli.

"Ayoko din naman umalis... pero.. kailangannnn...." tila hirap sa pagsasalitang sagot naman ni Jake. Natatawa itong inilalayo ang mukha sa mukha ng makulit na si Jorix.

"H-hindi mo na kami inisip nina Tatay Ariel! Sigurado.. malulungkot yun kapag nawala ka! Tsaka... hindi mo na kami inisip ni Red! Abah! Kami... kaming dalawa.. ang pinakamalulungkot sa lahat! Lalo na yang si Red! Nakooowwww ... kung alam mo lang..." pangungulit pa rin ni Jorix.

Ayaw namang patalo ni Jake sa kadaldalan. Sumagot ito: "Ayoko naman talagang umalis pa eh! Pero anong magagawa ko!? Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang ate ko! Kailangan niya ng kasama!" ani Jake na pilit na inaayos ang pagsasalita. "Sayang nga eh.. mayroon pa sana akong gustong makitang tagpo sa buhay ni Red... kaso.. wala na!... h-hindi ko na iyon matutunghayan..." napatingin ito kay Red pagkatapos magsalita.

"Anong tagpo ang binabanggit mo?" tanong muli ni Jorix.

"Hindi mo ba talaga nababasa si Red?!?" tanong ni Jake na ito naman ang inilapit ang mukha sa mukha ni Jorix.

"Anong.. ibig mong... sabihin???" nakakunot ang noong tanong ni Jorix na tila naduduling na sa pagtingin kay Jake sa sobrang lapit nito sa mukha niya.

Imbes na sumagot kay Jorix, wala sa loob na umakbay si Jake kay Red at nagsabi: "Red! Sabihin mo nga kay Jorix! Na iniisip mo rin ang tungkol naman sa tatay mo! Oooopppssss... Hindi si Tatay Ariel ah! Yung tunay na tatay mo! Sabihin mo kay Jorix na iniisip mo 'kung nasaan kaya ang tunay mong ama' at 'kung ano kaya ang ginagawa nito'! Sabihin mo...." halos nabubulol na sabi ni jake na nakatingin kay Red.

Nagulat si Red sa narinig mula kay Jake.

Totoo. Iniisip nga niya ang tungkol sa tunay niyang ama. Hindi niya alam, pero awtomatikong sumasagi sa isipan niya ang tungkol sa tunay niyang tatay - simula noong malaman niyang hindi niya tunay na ama ang Tatay Ariel niya. Naroong iniisip niya kung nasaan kaya ito ngayon at kung ano ang ginagawa nito. Tinatanong niya ang sarili kung kamusta na kaya ito o kung buhay pa ba ito o nasa maayos kaya itong kalagayan sa ngayon?

Pero paano ito nalaman ni Jake? Never naman niyang sinabi ang tungkol dito kahit kanino.

Napasalubong-kilay habang nakakunot noo din namang napatingin si Jorix kay Red. Nilapitan nito si Red at umakbay, saka nagsalita: "Totoo ba yun, 'tol? Totoo ba ang sinasabi ni Jake? Bakit ni minsan hindi mo sinabi sa aken ang tungkol dito?" tanong nito. Seryosong nakatitig kay Red.

Pero bago pa man nakapagsalita si Red ay muling sumingit si Jake.

"Ano ka ba!?? Natural lang na isipin ni Red ang tungkol sa Tatay niya! Maski hindi niya sabihin sayo. Ako, hindi naman ako sinabihan ni Red. Pero alam ko. Sigurado ako. Gustong-gusto makita ni Red ang tunay na tatay niya." si Jake.

Sa hitsura'y parang hindi pa rin naman maintindihan ni Jorix ang mga naririnig. Nakakunot pa rin ang noo nitong nagpalipat-lipat ang mata kay Jake at Red.

"Totoo yun, bro. Tama si Jake. Simula nung malaman kong hindi ako tunay na anak ni Tatay Ariel. Lagi nang pumapasok sa isipan ko ang mga tanong kung nasaan nga ba ang tunay kong ama. Kung kamusta na ba ito? Kung buhay pa ba siya? At tama rin si Jake - gusto ko siyang makita o makilala man lang. Gusto kong tanungin sa kanya kung hinahanap pa rin ba niya ako hanggang ngayon o kung alam ba niyang buhay pa ako." seryosong tugon ni Red.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon