CHAPTER XVI

224 14 6
                                    

Nahahalata ni Jake na simula nang sabihin ni Jorix na sasali ito sa grupo nila ay lagi na itong dumidikit-dikit sa kanya. Lagi itong nakabuntot kahit san siya magpunta. Pero kapag tinitingnan niya ito ay umiiwas ito ng tingin at titingin sa malayo, sa kisame o sa labas.

Sa kanilang huling subject ay ibinulong ni Jorix sa kanya ang: “Ihahatid kita sa bahay nila Red mamayang hapon ahh?”

Nagulat siya sa narinig. Sumagot siya: “Hindi na kailangan. Tsaka, bakit mo ko ihahatid?” salubong ang kilay niyang tanong dito.

“Hangga’t hindi mo kino-confirm na pasasalihin mo ko sa grupo ninyo ay hindi kita titigilan. Sasamahan kita at didikit-dikit ako sayo saan ka man magpunta.” sagot nito.

“Ang kaso nga kase, kailangan pa naming pag-usapang lima ang tungkol dito. Pag-iisipan pa namin.” aniya.

“Eh di hangga’t naghihintay ako ng desisyon niyo, babantayan muna kita.” Pangungulit sa kanya ni Jorix.

Dahil tila hindi ito papatinag sa gusto, hindi na siya nagsalita.

------------------------------

Pagdating ng uwian, sabay-sabay silang tatlo (Jake, Red at Jorix) na lumabas sa classroom. Medyo na-late sila ng paglabas dahil sila ang nakatokang magsara ng mga bintana at pintuan at mag-ayos ng gamit bago umuwi nung araw na iyon.

Habang naglalakad papunta ng gate, patingin-tingin si Jake kay Jorix. Na nahalata naman ng huli.

“Di ba nga, sabi ko kanina, ihahatid kita?” nakatawang sabi ni Jorix kay Jake.

“Hindi naman na kase kailangan, kasabay ko na si Red oh!” pairitang sagot ni Jake.

“Baka kasi may mangyaring masama sa inyo eh. At least, makakatulong ako.” sagot ni Jorix na nagpapa-cute pa.

"Ano namang mangyayaring masama sa amin?" pangongontra ni Jake.

Pagsabi niyon ay parang may nauulinigan silang komusyon sa di kalayuan.

May nakita silang isang bading na estudyante na “effem” kung kumilos (nakapilantik ang mga kamay at kumekembot habang naglalakad). Naka-make up din ito at makapal na lipstick. Tinutukso-tukso ito ng dalawang lalakeng estudyante.

“Bakla! Bakla!” sigaw ng mga ito sa naglalakad na bading.

“Bakit? May problema ba kayo sa bading?” matapang na sabi ng bading saka humarap sa dalawang lalake.

Dahil dito’y napatigil sa paglalakad sina Jake.

“Wala naman! Ampangit mo, bakla! Mukha kang clown sa kapal ng make-up mo!” sigaw ng isa.

“Oo nga! Dapat hindi ka na lang naging bading eh! Ansagwa mong tingnan!” bulalas ng isa pa.

“Inaano ko ba kayo, ah!? Tsaka kung makapagsalita kayo, akala niyo ampopogi niyo ah! Eh kung naging lalaki ako, baka mas pogi pa ako sa inyo! Mga sup*t!” pasigaw na sagot ng bakla.

Dahil dito’y tila nagalit ang dalawang lalaki at ang isa'y kumilos na nakaamba ng suntok sa bakla.

Mabilis na kumilos si Jake. Hindi na namalayan nina Red at Jorix na nawala na ito sa kanilang tabi. Sa pagsugod ni Jake ay ubod lakas niyang sinuntok sa mukha ang lalaking nagbabalak na sumuntok sa bakla!
Dumugo ang mukha ng lalaki. Nang magpahid ito ng bibig at nakitang may dugo at basag ang labi nito ay nagpuyos ito sa galit at tumayo para gumanti. “Bakit ka nangingialam dito, ha?!” Saad ng lalaki at nagpakawala ito ng malakas na suntok at tinamaan sa pisngi si Jake!

Nang makita ni Red ang pagkakasuntok kay Jake (at tila susugod pa ang isa pang lalaki) ay hindi na ito nagdalawang isip na sumugod at sinapak ang isa pang lalaking papasuntok sana kay Jake.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon