CHAPTER XXXVII

170 10 9
                                    

"Gumagawa ng paraan sina Liezle, Red at Jorix para alamin kung bading ka ba o hindi." ani Ian.

Sa narinig ay nabitawan ni Jake ang straw na hawak niya...

------------------------------------------------

Pilit na kinalma ni Jake ang sarili. Aminado siyang hindi niya inaasahan ang narinig at nalaman.

Si Jorix man ay pilit ding pinigilan ang sarili. Gustong-gusto nitong tumayo at lumapit sa dalawa.

Pero nagsalita muli si Jake.

"Yung lang ba? Yun lang yung sasabihin mo saken?" aniya. Pinilit din niyang hindi manginig ang boses niya habang nagsasalita.

Tinitigan siyang muli si Ian.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ka ba galit?" tanong ni Ian.

Sinikap niyang maging 'blangko' ang reaction ng mukha niya habang nakatitig sa kanya si Ian saka siya nagsalitang muli: "Hindi ko alam eh. Hindi ko pa alam kung magagalit ba ako o hindi." sagot niya at yumuko para sumipsip sa inuming nasa harapan niya.

Kumunot ang noo ni Ian sa naging sagot niya.

Nang marinig naman ni Jorix ang naging tugon niya ay tila napakalma naman ito ng bahagya at ipinagpatuloy ang lihim na pakikinig sa usapan ng dalawa.

"Paano mo nalaman ang tungkol dito? May nagsabi ba sayo?" tanong niyang muli kay Ian.

"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila Liezle, Jorix at Red nung gabing may nangyari sayo sa bahay. Ilang minuto pagkaalis niyo ay sumunod ako sa inyo. Hindi kase ako noon mapalagay." panimula nito. "Bago dumating sa pangalawang kanto, narinig kong nag-uusap ang tatlo. Nagtago ako sa isang poste. Akala ko kase, naikwento ni Liezle ang tungkol sa nangyari sayo kay Red at Jorix, kaya natakot akong magpakita. Noong oras na iyon ay pinag-uusapan ka. Narinig ko ang tungkol sa ginagawa nilang pag-iimbestiga at pustahan nila." sagot nito.

Tila may bumara sa lalamunan niya pagkatapos na marinig iyon. Napakahirap lumunok. Kaya sunod-sunod na sipsip sa inumin ang ginawa niya.

"Bakit mo sinasabi saken ito ngayon? I mean, bakit mo naisipang magpaka-mystery texter ko? Anong motibo mo at bakit mo gustong malaman ko ang tungkol dito?" tanong niya.

Hindi kaagad nakasagot si Ian.

"Wag mong sabihing may 'concern' ka sa akin? Wag mong sabihing nag-aalala ka sa akin o naaawa ka sa akin?" tanong niya ulit.

Nanatili lamang si Ian na nakatitig sa kaniya.

"May gusto ka bang kapalit? May hihilingin ka ba saking pabor?" dugtong pa niyang tanong.

Naghintay siya ng sagot mula kay Ian. Pero hindi ito nagsasalita.

"Kung wala kang gustong makuha bilang kapalit? Ano nga kaya ang motibo mo?" muli niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ni Ian.

Umiwas ng tingin si Ian. Tila napapaso ito sa mga tingin niya.

"Alam ko na. Tinanong mo ko kanina kung hindi ba ako nagalit sa nalaman ko. Hindi kaya yun ang motibo mo? Ang magalit ako sa tatlong kaibigan ko? Pero... bakit???" naningkit ang mga mata niya nang maisip ang posibilidad na iyon.

"Kailangan ko bang sabihin ang motibo at dahilan ko kung bakit ko gustong sabihin sayo ang tungkol sa bagay na ito?" balik tanong ni Ian. Layon nitong makatakas sa 'pananaliksik' ni Jake.

Ngumisi lamang si Jake. Saka nagsalita: "Imposible namang nag-aalala ka para saken. Sabihin mo, kanino mo ako gustong magalit sa kanilang tatlo? Bakit mo ako gustong magalit sa kaniya o sa kanila? Gusto mo bang masira ang pagkakaibigan namin? Gusto mo bang magkagalit kami? Kung wala kang motibo, paano ko paniniwalaan na totoo ang sinasabi mo? Kung hindi mo ibibigay sa akin ang dahilan mo kung bakit mo ginagawa ang bagay na ito, sa tingin mo, maniniwala ako sayo?" hindi mapigil ni Jake ang utak sa mga tanong na lumalabas sa isipan niya.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon