CHAPTER XXVII

184 13 16
                                    

Tumayo si Jake nang maramdaman niyang naiihi na siya...

At hindi niya namalayan na nasagi ng tuhod niya ang nakalapag niyang wallet sa lamesa...

Nahulog iyon at sa pagkakabagsak nito ay bahagya itong nakabuka.

Nang maisarado ni Jake ang pintuan ng CR ay siya namang pagyuko ng isa sa mga kainuman niya upang ilagay sa ilalim ng lamesa ang mga bote ng alak na kakabili lamang...

Napatitig ang lalaki sa wallet...

----------------------------------------

Gabi na nang makauwi si Tito Ariel sa bahay. Galing ito sa talyer na kung saan ay kinantiyawan siya ng ilang mga kaibigan na magpa-tagay naman dahil sa nabalitaan ng mga ito na kahapon ay birthday ni Red.
Hindi naman ito nakatanggi. Kaya't medyo hilo ito nang umuwi.

Hindi na ito nagtaka nang madatnan na walang tao sa bahay. Kapwa nagpaalam sina Red at Jake na aalis at sa labas na kakain. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na ito nag-atubiling 'pagbigyan' ang mga nagyaya rito ng inuman - dahil hindi kailangang umuwi ng maaga para magluto ng hapunan.

Umakyat na ito sa itaas na bahagi ng bahay upang dumiretso sa kwarto para makapaglinis ng katawan.

Nadaanan niya ang kwarto ni Red na bukas ang pintuan. Maging ang ilaw sa loob ay nakabukas din...

Nahagip ng paningin niya ang mga bagay na nakakalat sa sahig.

Pumasok siya sa kwarto para tingnan ang mga ito...

Dinampot niya ang isa sa mga pictures...

Pagkakita sa pictures ay tila napaisip siya ng malalim.

Bahagya siyang natigilan.

Subalit pinilit na makabalik agad sa sarili. Masama ang kutob niya. Alam niyang may nangyayari ngayon... Sa pagitan nina Red at Jake... Ngunit may iba pa siyang nararamdaman at tila bigla siyang kinabahan.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at idi-nial ang number ni Jake.

Busy tone.

Sinubukan niyang i-dial muli ang number.

Busy pa din...

Si Red naman ang sinubukan niyang kontakin.

Busy rin.

Isa pang subok...

Busy pa rin!

Natiyak na niyang may 'nangyayaring' masama sa kasalukuyan.

Tila nawala ang kanyang hilo at nagmamadali siyang lumabas ng bahay para hanapin ang dalawa.

----------------------------------------

SI RED NANG MGA SANDALING IYON ay tinawagan si Liezle para tanungin kung may alam ba ito sa kinaroroonan ni Jake ngayon o kung kasama ba nito ito ngayon.

"Hindi ko siya kasama ngayon. Hindi pa rin kami nagkakausap simula kagabi." sagot lamang ni Liezle.

"Sige. Sige. Ipaalam mo na lang sakin kaagad kapag may balita ka na." aniya.

Ibababa na sana niya ang tawag ngunit naulinigan niyang nagsasalita pa rin si Liezle sa kabilang linya.

"Hoy! Red! Ano?? May problema ba? May nangyayaring masama 'no?! Sumagot ka! Uy!" ani Liezle sa kabilang linya.

"Umalis ng bahay si Jake. Nakita niya ang mga pictures niyang itinago ko sa drawer. Ito yung mga pictures na nakita mo nung Meeting de Avance!” aniya.

"What!???" bakas ang pagkabigla sa boses ng babae sa naging reaction nito sa narinig.

“Ang tanga-tanga ko! Bakit ko ba itinago ang mga iyon! Dapat itinapon ko na yun eh! O sinunog! Ngayon, hindi ko mahanap si Jake... kanina pa ko naglilibot para hanapin siya." tila gulong-gulo siyang sumagot.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon