CHAPTER XXXIX

145 9 3
                                    

"Sinabi din sa akin ng kaibigan kong iyon na mayroon pa siyang ibang natuklasan tungkol sa iyo. Ang tungkol sa pag-ampon mo kay Red. " saad ni Sandra - ang nanay ni Jorix.

Si Jake nang mga sandaling iyon ay nag-ayos pa ng sarili at tinalasan pa lalo ang pandinig. Yun ang parteng gustong-gusto niyang malaman at mapakinggan.

Ang tungkol sa kwento ni Red.

---------------------------------------

Noon din ay nagsalita si Ariel. "Isa din ba si Red sa mga dahilan kung bakit mo ako nilayuan noon?" tanong nito sa kausap na ginang.

Yumuko si Sandra at humugot ng hangin bago sumagot. "Aaminin ko, mabigat din sa loob kong umalis noong buntis ako. Kaya nga kahit nasa Maynila ako noon ay nagtatanong-tanong ako at nakikibalita tungkol sayo. At may nakapagsabi nga sa akin na may anak ka na daw. Akala ko tuloy noon ay nagka-asawa ka na."

Ngumiti lang si Tito Ariel at nagsalitang muli: "Hindi mo ba naisip kung bakit mas matanda ng dalawang taon si Red kay Jorix? At kung bakit magkaiba kami ng apelyido? Kunsabagay, hindi mo na ito mapapansin dahil magka-klase sila ni Jorix ngayon. Pero ang totoo, dalawang taong mas matanda si Red. Nahuli lamang ito sa pagpasok sa eskwela dahil kinailangan kong ayusin muna ang mga papeles niya - para makapag-enroll siya. Kaya naging magkaklase sila ngayon. At apelyido ng nanay ni Red ang gamit niya - kaya hindi kami magkapareho ng apelyido - kasi nga hindi naman kami mag-asawa ni Shiela, at hindi rin ako ang tunay niyang ama." saad ni Ariel.

Napatingin ang ginang kay Ariel dahil sa narinig. Kumunot ang noo nito.

At nagpatuloy sa pagkukwento si Tito Ariel: "Si Red ay ang batang ipinagbuntis ng kaibigan at kaklase naming babae ni Michael noong nasa college ako - si Shiela. Kinuha ko si Red dahil kailangang magtrabaho sa abroad ni Shiela. Nagboluntaryo akong ako na ang mag-alaga kay Red. Noong panahon na iyon kase ay walang mapag-iiwanan sa bata. Matatanda na ang mga magulang ni Shiela sa probinsiya. At baka matunton sila doon ng ama ng bata - si Harold. Nabalitaan kase naming hinahanap pa rin ni Harold si Shiela upang kunin ang anak nila." saad ni Ariel.

Napatitig kay Ariel si Sandra dahil sa nalaman.

"Kanina, noong malaman kong anak ko si Jorix ay laking tuwa ko. Sobrang saya ko. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa bata. Kaya pala napakagaan ng loob ko sa kanya noon pa. Hindi mo man lang sinabi sa akin na nagdalantao ka noon. Pero, wala na akong pakialam sa nakaraan o kahit sa dahilan kung bakit mo ako nilayuan dati. Wala na sa akin yun ngayon. Nabura na lahat nang malaman kong anak ko si Jorix. Salamat at ipinagtapat mo ang lahat sa akin." nakangiting turan ni Ariel.

"Pero, si  Red... Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman at iniisip ng anak ko ngayon... Ni hindi ko alam kung nasaan siya... Papaano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat? Papaano kung galit siya sa akin dahil hindi ko nasabi ang totoo sa kanya?  Paano kung hindi siya mahanap  ni Jorix? Papaano  kung umalis siya at hindi na bumalik sa akin?" dugtong ni Ariel... napayuko na lamang ito at humagugol.

Buong pusong lumapit naman si Sandra at niyakap si Tito Ariel.

"Patawarin mo ako... I am so sorry sa lahat. Maaayos din ang lahat. Uuwi si Red... Uuwi rito ang anak mo. Isasama siya si Jorix sa pag-uwi.. makikita mo..." ani Sandra habang umiiyak na hinihimas ang likod si Tito Ariel...

---------------------------------------

SA KASALUKUYANG PAG-UUSAP NI JAKE AT JORIX...

"Pasensya ka na kanina, bro. Hindi ko napigil ang sarili ko. Patawarin mo ako. Nabigla lang din kase ako. Sorry talaga, bro." ani Jorix.

Hindi tumugon si Red.

Dahil dito ay nagsalitang muli si Jorix: "Naaalala mo pa ba? Noon, nagbibiruan pa tayo na sana magkapatid talaga tayo? Kase sabi mo, andami nating pagkakapareho. Palagi din tayong napagkakamalang magkapatid. Minsan nga, magkakambal pa. Natupad na yung hiling natin. Iisa pala ang tatay natin. Magkapatid na tayo, bro!" naiiyak na sabi ni Jorix.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon