CHAPTER XVII

191 11 13
                                    

Nang magka-malay-tao si Jorix at napagtanto niyang nakayakap siya kay Jake ay tila nagulantang itong nagsisisigaw na kumalas at lumayo mula sa pagkakayakap kay Jake.

Dahil dito ay nagising din si Jake.

“Anong nangyari???” tanong nitong pupungas-pungas ng mata.

Nanlaki naman ang mata ni Jorix nang makitang walang pang-itaas si Jake at napagtantong nakayakap siya sa katawan na iyon kanina lamang.

Si Red ay nakahinga ng maluwag nang makitang may suot na pang-ibaba ang dalawa.

“Ano ba kase ang nangyari? Bakit nasa tabi ka na ni Jake?” natatawang tanong ni Red kay Jorix.

Hindi naman makasagot ang huli. Si Jake ang nagsalita. “Kani-kanina lang ay nahulog siya mula sa kama dahil sa kalikutan niya sa pagtulog. Ginigising ko siya para pabalikin sa kama. Kaso tulog mantika. Hinayaan ko na lang siyang matulog sa tabi ko” kwento ni Jake.

“Hindi na pala kayo nakapagbihis ng pang-itaas?” tanong ulit ni Red.

Nagakatinginan ang dalawa.

“Gusto ko sana magdamit kanina. Kaso parang tuko makayakap itong si Jorix eh” ani Jake.

Sa narinig ay tila nangungunyapit sa hiya si Jorix. Sabay sabi: “Dapat kasi pinilit mo akong gisingin kanina!” anitong nakatakip pa rin ng unan sa katawan.

“Kung makapagsalita at umarte ka para kang napagsamantalahan ah! Ako nga itong dehado kanina dahil halos lingkisin mo ako ng yakap kanina!” turan ni Jake nang Makita ang ayos ni Jorix.

“O siya.. siya.. matulog na ulit kayo. Maaga pa” si Red na nag-ayos na ulit sa pagkakahiga.

Si Jorix nama’y nagmamadaling tumabi na muli kay Red.

Bumulong si Red kay Jorix. Sabi: “Mukhang ikaw tong nahuhulog kay Jake, Bro ah! Hahaha!”

Binatukan naman ni Jorix si Red dahil sa sinabi nito. “Ul*l! Literal akong nahulog. At hindi sa kanya! Kundi sa kama!” sagot ni Jorix.

“Siguraduhin mo lang, Bro! Hahaha!” patuloy na panunukso ni Red.

“Matulog ka na nga!” ani Jorix na nagtalukbong na lang ng kumot.

Natatawa naman si Jake sa naririnig na bulungan ng dalawa. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay napakatalas ng pandinig ng huli.

--------------------------------------------

Alas sais ng umaga ng maramdaman ni Red ang pagyugyog sa kanya ni Jake.

“Red. Gising na. Alas sais na… Kailangan mo na gisingin si Tito Ariel para maisama natin sa school” ani Jake habang inuuga si Red.

Pero naunang nagising si Jorix kay Red.

“Good morning” bati nito at nagpa-cute na ngumiti.

“Good morning. Bumangon ka na rin dyan. Nakahanda na ang almusal at pati ang susuutin mo. Ipinagplantsa muna kita ng uniform ni Red para may maisuot ka” sagot ni Red.

Pagkarinig nun ay agad na iginala ni Jorix ang paningin sa silid. May nakasampay na ngang tatlong pares ng uniform sa may pihitan ng tokador at malinis na rin ang mga sapatos na nasa bang ibaba ng mga ito.

Ilan pang yugyog kay Red at nagising na rin ito.

“Mauna ka nang maligo sa banyo Jorix, gigisingin pa ni Red si Tito para makapaghanda na rin ito. Pagkatapos ay bumaba na kayo para mag-almusal” pagtatapos ni Red saka bumaba na.

Pagkarinig niyon ay agad na lumapit si Jorix kay Red at bumulong. “Hanep yang Misis mo, Red. Asikasong asikaso kayo ni Tito ahh. Alagang-alaga…” panunukso na naman nito.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon