CHAPTER XXXVI

140 10 3
                                    

Pagkatapos ng kanilang flag raising ceremony ay hindi muna pinapasok ang mga mag-aaral.

Bagaman alam na ng lahat -- ini-anunsyo parin ng principal sa harapan ng lahat ang pagkakapanalo ng RESPETADAS sa sinalihang dance contest.

Pinaakyat sa entablado ang mga dancers at ang lahat ng nakatulong ng mga ito at naging bahagi sa katuparan ng tagumpay na ito - kabilang na si Jake.

Pinarangalan sila at pinalakpakan ng mga kapwa estudyante maging ng mga teachers.

Tuwang-tuwa at proud na proud ang mga RESPETADAS. Dahil ngayo'y 'ipinagmamalaki' sila ng kanilang mga kaklase at ka-eskwela. Maging ng ilang mga kababayan at barangay nila. Kabaligtaran ng nakagawian nang pagtrato sa kanila noon.

Subalit, kung mayroon mang mas natutuwa, ito ay si Jake na ang tanging hinihiling ay maitaas ang pagtingin ng mga tao sa mga bading at maipagmalaki ang mga ito ng iba.

Sa huli ay hiniling ng mga guro at ng principal na ipanalangin ang mga dancers na magwagi muli ang mga ito sa susunod at makapasok sa finals -- kung saan maaaring manalo ang mga ito ng computer units at isang milyong piso na maaari nilang gamitin sa pagpapagawa ng maraming projects sa loob ng school.

----------------------------------------------

Naging busy sila nang umagang iyon dahil sa paghahabol ng notes na na-miss nila nang pumunta sa contest.

Halos lahat ng teachers nila sa pang-umagang subjects ay 'nagpasulat' ng notes.

Nangalay tuloy ang mga kamay nila sa kakasulat.

----------------------------------------------

PAGKABALIK NILA SA SCHOOL NG HAPON...

Habang may gurong nagli-lecture ay tila wala sa mood makinig ni Red.

Hanggang ngayo'y naaalala niya ang binasang text ni Jorix mula sa misteryosong texter ni Jake.

Tinatanong ng isip niya kung ang misteryosong texter ba ni Jake ay yaong lalakeng "may nunal sa batok" na tinatanong nito sa kanya kagabi?  Ibig bang sabihin nito ay interesado din si Jake sa lalaking iyon? Anong relasyon na meron si Jake at ang kanyang texter?

Dahil sa mga iniisip niyang ito ay pinipilit niyang maalala kung sino ang lalakeng "may nunal sa batok".

Sigurado siya... may kakilala siyang "may nunal sa batok".

At malapit sa kanya ang lalaking ito...

----------------------------------------------

Sa kabilang dako, si Jake ay naglalakbay din ang isip at hindi nakikinig sa nagtuturong teacher. Iniisip niya ang sinabi ni Red kagabi na may kakilala nga itong lalakeng "may nunal sa batok".

Idagdag pa ang naalala niya nang tumitig siya sa bote ng beer kagabi -- may nakita siyang lalakeng "may nunal sa batok" sa isang inuman.

Nag-isip siya ng mga inuman na pinuntahan at napuntahan niya...

Inaalala niyang pilit...

Naalala niya ang inuman sa bahay nina Red noong birthday nito. Pero hindi iyon ang pagkakataong nakita niya ang lalaking "may nunal sa batok".

Bukod ba noong birthday ni Red, may napuntahan pa siyang inuman? Tanong niya sa isip.

Biglang pumasok sa isip niya ang gabing nabugbog siya. Bago siya mabugbog ay umiinom din sila ng mga ka-basketball buddies ni Red noon...

Binalikan niya ang lahat ng naaalala niya na tila bagang nagre-rewind ng mga eksena sa pelikula. Inumpisahan niya mula sa dulo:

**Noong buhat-buhat na siya ni Tito Ariel pagkatapos niyang mabugbog (habang pinapayungan sila ni Liezle) at habang pinakikiusapan niya ang mga ito na wag sabihin at ikuwento kay Red ang nangyari sa kanya...

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon