CHAPTER XLIV

145 9 0
                                    

MARAMING BESES pang nasaksihan ni Red na inaabutan ni Ian si Jake ng mga 'regalo'.

Kaya naman ngayo'y tila mas gusto niyang laging nakikita si Jake upang mabantayan niya ito. Pakiramdam niya kasi, may hindi tama sa pagitan nito at ni Ian. Hindi niya maintindihan pero, nararamdaman niyang parang hindi naman seryoso si Ian kay Jake.

Kung paano niya nasabi? Basta! Ang alam niya'y hindi siya mapakali sa tuwing nakikitang nakalapit si Ian kay Jake.

Ang ipinagtataka pa niya - kilala naman niya si Ian. Ito pa nga ang pinakamalapit sa kaniya sa mga ka-basketball buddies niya.

Bakit tila parang biglang 'hindi na niya ito pinagkakatiwalaan' ngayon? Bakit parang lagi niyang iniisip na may gagawin itong masama - na lolokohin lang nito si Jake? At tila nararamdaman din niyang 'hindi naman talaga mahal ni Ian si Jake'?

Yung bang tingin niya ay wala namang 'intimacy' sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam. Nalilito siya. Basta ang malinaw sa kanya, ayaw niyang mapalapit nang husto si Jake sa katropa niya.

Weird!

Tingin niya, kung magpapatuloy pa ng ilang araw na ganito ay maloloko na siya sa kakaisip!

------------------------------

ARAW NG SABADO - ang araw ng pagbabalik ng RESPETADAS sa competition.

Pagkagising ni Jake ng madaling araw ay nakita niya ang "13 missed calls" sa screen ng cellphone niya. Galing ang mga tawag na iyon sa kanyang ate.

Maaga kasi siyang natulog kagabi dahil gigising sila ng madaling araw upang makapaghanda sa pagbiyahe. Inilagay din niya ang kanyang cellphone sa 'silent mode' para hindi siya maisturbo sa pagtulog.

Nagtataka siyang napaisip kung bakit tumatawag ang kanyang ate. Tiningnan niya ang oras ng mga missed calls -- 10:40 PM nagsimula hanggang pasado alas onse?

"May emergency kaya?" bulong niya sa sarili habang tinititigan ang cellphone.

Tiningnan niya si Red sa higaan nito. Tulog pa ito. Gusto sana niyang tawagan ang kanyang ate kaso baka magising naman niya si Red.

Nagpasya siyang maligo muna. Umaasa siyang paglabas niya sa banyo mamaya ay gising na si Red.

Nag-text na lang muna siya sa ate niya.

"Ate, bakit po kayo tumatawag kagabi? Pasensya na, maaga akong natulog at bibiyahe pa kami papunta dyan sa Maynila. Magku-compete ulit ang grupo namin. Tawag na lang po kayo ulit kapag gising na kayo." aniya sa text.

Pagkatapos niyang maligo at nang lumabas siya sa banyo ay naabutan niyang nagsi-cellphone na si Red. May tuwalyang naka-sabit na sa balikat nito. Ready na rin ito para maligo. Kaya, paglabas niya, naglakad na ito diretso sa banyo, dala-dala pa rin nito ang cellphone.

Eksaktong pagkalabas naman ni Red mula sa banyo ay nag-ring ang cellphone niya.

Tumatawag ang ate niya. Gising na din pala ito.
Ini-loud speaker niya ang cellphone para makagalaw siya't maihanda ang mga dadalhin sa bag habang kausap ang nasa kabilang linya. Kaya't hindi man sinasadya ay naririnig din ni Red ang usapan nilang magkapatid.

"Hello Jake?" anang ate niya sa kabilang linya.

"Yes, Ate?" sagot niya.

"May sasabihin sana ako sayong importante kaya ako tumatawag kagabi. Pero dahil pupunta ka naman ng Maynila, magkita na lang tayo. Pupunta ako doon sa TV network. Para makapanood na din." anang ate niya.

"Tungkol saan po ba yung sasabihin mo ate?" nagtataka niyang tanong.

"Pag nagkausap na tayo ng personal, saka ko sasabihin." sagot ng ate niya.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon