Nasa loob na ng klase ang magkaibigan habang nagdi-discuss ang teacher nila.
Habang si Jumary naman ay nakatulala na tila may malalim na iniisip.
Teacher: Okay, class, we have a quiz now. So, ilabas ang papel!
At inilabas nga ng mga mag-aaral ang isang buong papel.
Teacher: Jumary! Ano ba't nakatulala ka na naman diyan?! Hindi mo ba narinig ang sabi ko? -malakas na boses ng guro.
Jumary: Ma'am, sorry po... -at kinapkap sa bag ang ang papel at ballpen.
Teddy: Ano ba't napapansin ko sa 'yo na madalas ka na lang ganiyan? Palagi ka na lang nakatulala. Ano bang problema mo? -bulong na tanong nito.
Jumary: Ah, wala 'to, Teddy. Ewan ko ba, bakit minsan ay napapatulala na lang ako.
---
Tanghaling tapat na at oras na nang uwian para mananghalian.
Tinungo ng magkaibigan ang canteen at bumili ng ulam. Pumunta sa kanilang tambayan sa likod ng School at doon kumain. Malinis kasi ito kahit public lang ang eskwelahan dahil tulong-tulong ang mga estudyante sa paglilinis sa kapaligiran. May upuan doon ang dalawa at doon sila tumatambay kapag breaktime.
Jude: Oh, mga mokong at nandito pala kayo... -ang paparating na si Jude kasama ng tatlong kaibigan habang inilalabas naman ng apat ang kakainin.
Michael: Pareng Jude, masarap 'ata ang ulam ng mga 'to. Kursunada ko ang pagkain nila dahil nakalimutan ko ang baon kong kanin. -wika ng matabang kaibigan ni Jude.
Jude: Oy! Dalawang unggoy, bigay n'yo na kay Michael ang pagkain na 'yan.
Teddy: Pero, Jude, paano kami makakain, eh, wala na kaming perang pambili ng kakainin, kinuha n'yo na kanina.
Jude: Hoy, negrito, pinapainit n'yo na naman ang ulo ko! Hanggang ngayon, 'di pa kayo nadadala! Gusto n'yo bang bugbugin ko kayo rito!
Jumary: Ito na, Jude. Kunin n'yo na, okay lang sa amin ni Teddy na mamayang gabi na kumain -sabay abot ng pagkain nila.
At umalis na at tumalikod na naman habang tumatawa ang grupo ni Hudas.
Teddy: Alam mo, Jumary! Tarantado na 'yan! 'Di ko na matiis ang ugali niya! Kundi lang sila apat at patas ang laban ay lalabanan ko siya! -wika ng galit na si Teddy,
Jumary: Pabayaan mo na, mayroon din siyang araw...
Teddy: Ano 'yon, Jumary? Lalabanan mo sila? -habang nagtataka na tila tumatapang ang binatilyong mama's boy.
Minsan lang makalapit ang grupo ni Jude sa dalawa, kapag nagkakataon lang na nakikita nila na walang kasama ang dalawa ay lagi kasing hinahatid at sinusundo ni Aling Joselyn si Jumary, pero gayoon pa man ay tuloy ang apat sa kalokohan sa ibang mag-aaral.
Nag-ring na ang bell, senyales na uwian na mula sa school.
At umuwi na ang dalawa...
Teddy: Tita Joselyn, mayroon po bang makakain diyan? Nagugutom na kasi ako, eh!
Joselyn: Bakit, eh, hindi ba may baon kayo? Nakalapit na naman ba ang mga walang hiyang apat na iyon sa inyo? -panghuhula ng medyo galit na si Aling Joselyn.
Jumary: Hindi naman, inay, ito kasing si Teddy, eh, gutumin lang.
Joselyn: Hay naku, anak. Kilalang-kilala kita at pati si Teddy. Alam kong kinursunadahan na naman kayo ng mga salbaheng iyon! -habang galit na si Aling Joselyn.
Jumary: Hayaan niyo na sila, inay.
Joselyn: 'Di bale, anak, at pupuntahan ko din siya at kakausapin, okay?
---
Sumapit na naman ang kalahating araw ng bagong buwan. At dahil diyan, muling naka-alerto na naman ang pulisya dahil alam nilang sa mga araw na ito, maaaring lumabas ulit ang salarin.
SPO4 Mendoza: Partner, kailangan natin magdoble alerto ngayon. Alam kong nalalapit na naman ang kanyang paglabas.
SPO2 Santillan: Aba'y oo, partner. 'Pagkat ako'y nais kong tayong dalawa ang makahuli sa kanya. Malaking paghanga ang matatamo natin mula sa mga mamamayan dito, at higit sa lahat, magandang record natin ito sa taas.
At muling lumipas ang pitong araw na wala pang nangyayari. At papalapit na rin ang piyesta ng San Nicolas,
---
Isang gabi, lasing ang apat na magkakaibigang badboy ng school. Nag-inuman sila at libre ito ni Jude. Wala kasi ang mga magulang niya dahil pumunta sa kabilang bayan para sa paghahanda at sinamantala ni Jude na mag-inuman ang mga ito sa kanilang bahay.
Roy: Jude, 'buti naman at marami tayong nakilkil sa mga estudyanteng iyon ngayong araw, at ito, sarap na sarap tayo rito. -habang lasing na ang mga ito.
Buloy: 'Buti na lang, Jude, at ikaw ang kaibigan namin. Dahil sa 'yo, kinatatakutan na din kami, ha-ha-ha.
Jude: Saglit lang, mga p're, ah! Kasi, ji-jingle lang ako sa likod ng bahay, ah? -wika ng lasing nang si Jude.
Paglabas nito, at habang jumi-jingle sa likod ng bahay ay may nasilayan siyang kakaibang papalapit sa kanya, dahil lasing ay hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito. Nang nasa malapitan na ay huminto ang taong 'yon.
Tinitigan ni Jude mula ulo hanggang paa.
Kitang-kita niya sa magkabilang kamay ang bitbit nito.
Isang matalas na medyo maliit na palakol ang nasa kaliwang kamay nito. Isang bakal na ballpen na animo'y ice pick na tumutulo ang dugong tinta nito.
Naisip niya agad na kilala niya kung sino ang nagmamay-ari nito. Hanggang sa itaas pa niya ang paningin niya sa ulo ng taong iyon...
Jude: Ikaw!! Ikaw ang pumapatay!!!
Kasunod ng mabilis na paglapit nito ay tinaga ng malakas sa ulo si Jude.
Mabilis na inundayan ng saksak ito sa dibdib, at inilabas ang puso,'tapos ay inilagay sa kamay ng patay nang si Jude, saka mabilis na tumakas.
Michael: Mga pare, ano 'yung narinig ko?
Buloy: Bakit, Michael? Ano ba ang narinig mo?
Roy: Lasing na tayo, mga pare, kaya't kung ano-ano na lang ang naririnig natin.
At kasunod na 'di sinasadya ay nakatulog ang tatlo...
Kinabukasan ng madaling araw, natagpuan ang katawan ng biktimang si Jude, na hiwalay ang ulo rito sa katawan at hawak-hawak pa ang puso...
***
MGA TAUHAN:
-Jumary
-Aling Joselyn
-Teddy
-Joshua
-Mico
-Loue
-SPO4 Mendoza
-Killer?
-At isa pang 'di ko papangalanan muna?
(AUTHOR's NOTE:
Ang mga nabanggit pong pangalan na iyan ay mga tauhan sa kuwentong ito at may malalaking papel sa kwentong ito.
Tunghayan po ang simpleng kuwentong ito mula sa simpleng manunulat (he-he-he) ngunit may kakaibang lalim na kuwento.)
ITUTULOY>>>
BINABASA MO ANG
THE KILLER SPIRIT
HorrorIsang kaluluwang patuloy na naghahanap ng hustisya. Isang demonyong nagbitiw ng sumpa. at Isang mamamatay tao. Ano ang kaugnayan ni Jumary kay Samuel? At paano mapuputol ang sumpang binitawan ni Samuel bago sya mamatay? Alamin po sa simpling Akda na...