CHAPTER 9

493 13 0
                                    


Lumipas ang mga araw, at dumating si Joshua mula Dubai sa ikalimang araw ng bagong buwan. Sinundo naman siya ni Aling Joselyn, Jumary at Aling Linda sa airport.

Joshua: Oh, ate. Kumusta na pala kayong dalawa ni Jumary?    -habang sila'y nagsasalo-salo sa isang meryenda nang hapong iyon.

Joselyn: Mabuti naman kahit papaano.      -tugon nito.

Linda: Hoy, Joshua! Binatang-binata ka na, ah? At ang guwapo mo pa ngayon. Hindi ka pa ba nag-aasawa doon sa Dubai?     -medyong pabirong tanong nito.

Joshua: Ah, hindi pa po eh, hindi pa siya dumarating sa buhay ko.

Linda: Pero alam mo, Joshua, dapat kang mag-ingat dito, may gumagalang killer sa paligid. Ang huling nabiktima nga niya ay ang asawa ko.           -ang tila nalungkot na si Aling Linda.

Joselyn: Ano ka ba, mare, hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan ngayon 'yan.    -suway nito kay Linda.

Joshua: Ah, oo nga po, alam ko na iyon, tumatawag nga ako lagi kay ate, eh, at saka noong una pa ako dapat na uuwi, kaya lang hindi naaprubahan. Nakikiramay po pala ako sa inyo.        -sagot niya kay Linda.

Joshua: Ate, ano ba 'yung gusto mong ipaalam sa akin?

Joselyn: Saka na, Joshua, pagod ka, magpahinga ka na muna at bukas na bukas din,ay sasabihin ko sa 'yo.

Linda: Mare, ano ba iyon?         -ang nagtatakang si Linda.

Joselyn: Wala, mare, 'wag mo nang alamin muna.

Linda: Hoy, mare, pinaglilihiman muna ako ngayon, ah...

Joshua: Jumary, kumusta ka na?             -habang napansin nitong tahimik lang na kumakain, taliwas sa kaugalian niya dati na sobrang close kay Joshua.

Jumary: Mabuti naman po, Kuya Joshua...

Joshua: May problema ka ba?         -mahinahong tanong nito.

Jumary: Ah, wala po.         -tipid niyang sagot.

Napatitig na lang si Joshua sa kanya.

Natapos silang kumain at pumunta na rin si Aling Linda sa bahay nito. Nagpapahangin naman si Joshua sa labas ng bahay at natanaw ang kaibigan.

Joshua: Hoy, Mico! Ikaw ba 'yan? Halika nga rito!     -sigaw niya rito habang napapangiti.

Mico: Hoy, Joshua, dumating ka na pala?

Joshua: Oo, ba't nandito ka pala? At kumusta naman?

Mico: Mabuti naman, pare, ikaw? Kailan ka pa dumating?

Joshua: Ngayon nga lang, eh, saan ka na pala nakatira ngayon?

Mico: Doon na ako sa kabilang bayan ngayon nangungupahan. Kumusta na pala trabaho mo sa abroad?

Joshua: Mabuti naman at heto, bakasyon ko ngayon. Halika sa loob at doon tayo magkwentuhan.    -at pumasok ang dalawa at umupo.

Joselyn: Oh, Joshua, at may bisita ka.     -habang kakalabas lang nito mula sa kwarto, napahinto ito't nagulat sa kaibigan ni Joshua.

Joselyn: Teka, 'di ba ikaw 'yung lalaki na umaaligid sa amin? At ano ang kailangan mo? At sino ka?

Joshua: Ate, kaibigan ko po siya, ka-workmate ko sa SM Maynila dati...

Mico: Magandang hapon po, nagkataon lang po siguro na napapatingin ako sa inyo habang dumadaan dito, pasensya na po...

Joselyn: Ganoon ba?        -Pero nagdududa pa din si Aling Joselyn.

Sumapit ang gabi nang mga sandaling iyon. Dahil pagod si Joshua ay kaagad itong nakatulog sa kama ni Jumary.

---

SAMANTALA nagroronda ang dalawang pulis habang nagtatago ang isang salarin sa isang sulok.

Killer: Papatayin kita, Santillan! Pinagbabaril mo ako! Lahat ng lalaking may atraso sa akin at pinasama ang loob ko, lahat papatayin ko!      -mga bulong ng garagal na boses nito na animo'y mula sa ilalim ng hukay.

SPO2 Santillan: Partner, bababa lang ako sandali at maka-jingle nga naman ulit diyan sa may puno.

SPO4 Mendoza: Sige, partner, pero maging alerto ka pa rin. Kahit diyan sa dilim, okay? Baka mamaya lumusob na naman ang salarin.

SPO2 Santillan: 'Pagnagkataon, partner ay uubisn ko sa kanya ang bala ko para tuluyan ko nang mapatay iyon. At sa pagkakataong ito'y hindi na maitim o anino ang mahuhuli ko, kundi ang tunay na siya.

At tinungo ng lalaking ito ang 'di kalayuang sulok.

Maya-maya'y bigla na lang sumigaw ito't nagpaputok...

Agad-agad namang tinungo ni Mendoza ang kinaroroonan ng kasamang pulis. Nadatnan nitong pugot na ang ulo ni SPO2 Santillan.

SPO4 Mendoza: Partner!!! Huhh!   -at nakita ang tumatakbong suspek.

SPO4 Mendoza: Walang hiya ka! Ikaw pala ang salarin!     -at sunod-sunod na bala ang ipinaputok sa lalaking iyon na mabilis na tumatakbo at sinusuyod ang maisan. Pero pinasok din iyon ng galit na galit na pulis.

SPO4 Mendoza: Papatayn kita, negro! 'Wag kang papahuli sa akin ng buhay! Kundi babasagin ko muna ang pagmumukha mo! Bago ko tadtarin ang katawan mo ng bala!     -habang nagsisisigaw sa galit.

---

Samantala, nagising si Aling Joselyn. Hating-gabi nang mga oras na iyon. Muli siyang binabagabag ng kanyang isipan ukol kay Jumary at sa kanya. Maya-maya'y tumayo ito at lumabas ng kwarto, kasunod na may kakaibang naramdaman.

Joselyn: May paparating. Sino kaya?      -at tinungo ang maliit na butas at sinilip iyon. Kitang-kita ng mga mata niya ang papalapit sa kanilang pintuan sa labas. Isang matipunong pangangatawan,ngunit natatakpang
ang mukha nito sa dilim.

Tinitigan ni Aling Joselyn ang dalawang kamay nito. May dalang duguang maliit na palakol, at isang animo'y ice pick na tumutulo pa ang dugo sa dulo nito. Lalo siyang nagimbal nang tuluyang masilayang ang mukha nito.

Joselyn: E-e-e-ikaw?!!!

(sino kaya ang Killer)

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon