CHAPTER 6

522 11 0
                                    


Linda: Oh, mare, halika na't makapamalengke na tayo.

Joselyn: Oo, heto na't nakahanda na...

At sabay ang dalawa na tinungo ang paradahan ng jeep nang umagang iyon. 'Di masyadong kalayuan ang palengke rito, ngunit sa magkakatabing bayan na iyon ay ito na ang kanilang pamilihan.

Linda: Hay, naku, mare. Nakakatakot na talaga ang nangyayari sa bayang ito. 'Di natin akalain na 'yung batang salbahe na 'yon ang sumunod na napatay. Aba'y pagkalapit-lapit lang sa atin.

Joselyn: Oo nga, eh, nakakatakot na rin minsan, eh, ikaw, kumare? Bakit 'di pa kayo lumilipat ng tirahan? -habang naglalakad ang dalawa sa may bilihan ng isda.

Linda: Aba'y, mare. Katulad din ng sitwasyon mo, ayaw ko ding umalis sa bayang ito kasi nandito na rin ang kabuhayan namin. Eh, alam mo namang si Pareng Cardo mo, walang ibang alam na hanapbuhay kundi ang pumalaot.

Joselyn: Oo nga, kumare, hindi ganoon kadali, siya nga pala at nasaan si Pareng Cardo? Ilang araw ko nang 'di nakikita, ah?

Linda: Aba'y ewan ko doon, at sabi'y tatagal raw sila sa laot kasi marami na raw isdang nakukuha ngayon. Pero alam mo, mare, nagtataka na ako sa kumpare mo. Baka mamaya may babae na pala 'yon. Naku, mapuputulan ko siya ng ano kapag ginawa niya iyon...

Si Aling Linda ay matalik na kaibigan ni Aling Joselyn. Magkalapit lang ang kanilang bahay na may pagitang tatlong bahay. Siya ay may edad lamang na 35 anyos samantalang si Aling Joselyn ay may edad na 40-anyos. Ang asawa naman ni Aling Linda na si Cardo ay nasa edad na 42 anyos at kinalakihan na ng lalaking ito ang pangingisda ngunit may kalayuan sa kanilang tirahan ang karagatan kung saan isang bayan pa ang madadaanan bago mo marating. May apat silang anak, pero pawang maliliit pa. Silang mag-asawa ay laki sa bayang ito, hindi katulad ng mag-inang Joselyn at Jumary na hindi naman ito ang bayan nila. Nanirahan sila sa lugar na ito noong dinadala pa lang ni Aling Joselyn sa sinapupunan niya si Jumary at wala silang kamag-anak sa bayang ito.

Aling Linda: Mare, nakikita mo ba ang nakikita ko? -ang tila galit na si Linda.

Joselyn: Bakit, mare. Ano ba ang nakikita mo?

Linda: Mare, ang walang-hiyang si Cardo, may kasamang babae! -at agad na sinugod ang dalawa, habang akbay ng lalaki ang babae.

Linda: Walang hiya ka, Cardo! Sino ang malanding pokpok na ito?!

Cardo: Hoy, Linda, 'wag kang mag-eescandalo rito, ah, mapapahiya ako! Malalagot ka sa akin sa bahay!

Pero dahil sa galit ni Aling Linda ay pinagsasampal ang babae. Nagkagulo sila sa palengke at inawat ng mga tao ang tatlo.

Samantala, nakikiawat din si Joselyn at nang mahimasmasan ng kaunti si Aling Linda ay lumingon sa paligid si Aling Joselyn dahil sa kahihiyaan na ginawa ng kaibigan. Sa 'di sinasadya ay natanaw niya ang isang lalaking duguan.

Joselyn: Samuel, ikaw ba 'yan? -ang bulong nito sa sarili.

"Nagmumulto ka ba, Samuel? Alam kong patay ka na, pero bakit ngayon ka lang nagpapakita sa akin? -habang nakatulala sa kinaroroonan ng lalaki. Maya-maya'y napansin niyang wala na ito roon. Iginala niya ang mga mata upang hanapin iyon hanggang magtama sila ng mga mata ng isa pang 'di nya kilalang lalaki na tila ito ay galit sa kanya.

---

Dumating ang mag-asawang Cardo at Aling Linda sa bahay nila at agad agad, pinalabas ni Cardo ang mga anak. Isinara ang pintuan at walang-awang binugbog ang asawa.

Linda: Ano ba, Cardo! Bakit mo ba ako sinasaktan?! Ibang-iba ka na, ah! Hindi na ikaw ang kilala kong Cardo!

Cardo: Linda! Lintik ka! Hindi na kita gusto! Pero dahil sa ginawa mo, baka tuluyan ng lumayo sa akin si Jessica!

Nagkagulo naman ang mga kapitbahay na kumakatok sa bahay ng mag-asawa, kasama na roon ang tatlo na si Joselyn, Jumary at Teddy. Ngunit 'di binubuksan, sa halip ay tuloy si Cardo sa kakabugbog kay Aling Linda, at kasunod na nagsidatingan ang mga tanod ng baranggay.

Maya-maya'y inilingon ulit ni Aling Joselyn ang mga mata sa paligid, at kitang-kita niya ulit si Samuel sa 'di kalayuan pero biglang naglaho ulit si Samuel. Sa 'di kalayuang kinatatayuan ni Samuel ay naroroon ang nakita niyang lalaki sa may palengke, may maayos na itsura ito, matipuno at bata pa na nasa edad 27-anyos ang tantiya ni Aling Joselyn.

Joselyn: Samuel, bakit ka nga ba nagpapakita sa akin, at sino naman kaya ang lalaking iyon?

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon