CHAPTER 1

1.7K 45 3
                                    

"Kalunos-lunos po ang sinapit ng isang binata na natagpuang nakahandusay ngayon din sa may tabing ilog. Halos hindi na makilala ang biktimang si Rodolfo Ampaso na sinasabi ng pulisya na bagong biktima nang 'di pa nakikilalang salarin. Ito po ay pang-walo nang napapatay sa magkakalapit na bayang ito, at ayon pa rin po sa pulisya ay iisa ang suspek ng lahat ng ito."

Yaon ang binitawang linya ng isang lalaking reporter habang live siyang kinukunan ng kanyang camera man.

Tipon na tipon na naman ang mga tao. Pinapaligiran ang bangkay ng bagong biktima ng tinatawag nilang killer.

"Hanggang ngayon, wala pa rin tayong napupulot na ebidensya upang maging daan at malaman natin kung sino ang nasa likod ng sunod-sunod na patayang ito sa probinsyang ito," wika ni SPO4 Lito Mendoza.

"Alam mo, partner. Masyado na tayong lubog sa kahihiyan sa kasong ito, iniisip siguro ng taas na hindi tayo gumagalaw," dugtong niya rito.

"Eh, anong magagawa natin? Eh, gabi-gabi naman tayong nagpapatrol, ah, at halos lahat ng kapulisan sa probinsyang ito ay dito nakatutok sa kasong ito. Kung paano mahuhuli ang salarin, pero wala! Masyadong malinis sa paggawa ng krimen," pahayag naman ni SPO2 Jorge Santillan habang nakatayo ang dalawa sa nakahandusay na bangkay.

"Bakit ganito siya ka-brutal sa pagpatay nito? Parang ang laki ng galit niya sa mga ito, pero wala namang pinagkakautangan o atraso ang bawat biktima ayon sa mga pamilya nila," wika ni SPO4 Mendoza.

"Alam mo, partner, 'wag mo lang akong pagtatawanan pero sa palagay ko ay hindi 'ata tao ang gumagawa rito kasi mas madulas pa ito kay Palos at wala man lang witness sa bawat buwang nangyayaring patayan," wika ulit ni SPO2 Santillan.

"Alam mo, pare, hindi natin masasabi na bagong sindikato ang may pakanan nito. Sa palagay ko, ang nangyayaring sunod-sunod na patayan sa Mindanao noong nagdaang sampung taon na katulad nito ay may ugnayan," salaysay ni SPO4 Mendoza.

"'Di ba, na-research na rin natin 'yon pero ang suspek ay isa nang baliw ngayon at nakaratay na sa malaking mental hospital kaya't imposibleng magka-konektado ang patayan noon at ngayon," pahayag ni SPO2 Santillan.

"Pero magkatulad ang brutal na pagpatay sa bawat biktima! Sabagay, may pinagkaiba ng paraan, may pinugutan ng ulo, chinop-chop na katawan, binasag na mukha at ito naman, biniyak ang ulo. Pero pare-parehong tinadtad ng screw driver ang dibdib at inilabas ang puso," salaysay pa rin ni SPO4 Mendoza.

"Pero, partner, 'di ba, bagong-bago lang tayo galing sa Mindanao upang kumuha ng impormasyon sa lalaking baliw na iyon? Pero wala, tumatawa tawa lang at walang makapagsabing iba na taga roon, kung ano talaga ang dahilan ng lalaking iyon, samantalang mabuting tao naman iyon noon sabi ng mga kakilala niya," pahayag din ni SPO2 Santillan.

"Kaya nga, 'di ko rin matanggal sa isip ko na kakaiba nga iyon at ganoon din ito dahil ang suspek ay dating butihing tao," wika naman ni Mendoza.

Ito ang bumabalot na kababalaghan sa lugar na ito. Nagkakagulo na naman ang buong bayan sa nangyayari. Marami ng pamilya ang natatakot na baka sumunod ang kanilang mga ama, mga kapatid na lalaki, pero 'di magawang lisanin ng bawat isa ang kanilang bayan dahil dito na sila naninirahan mula noon at nandirito ang kanilang mga kabuhayan. Nagdoble ingat na lang sila sa mga panganib na darating at umaasa silang isang araw ay matitigil din ang krimeng nagaganap.

Bantay sarado naman ang mga pulisya rito. Gabi-gabi silang nagpapatrol at nagpakalat ang kanilang General Director ng mahigit dalawang daang kapulisan na nagpapatrol sa bawat bayan ng probinsyang ito. Labas pa roon ang bawat kapulisan sa bawat bayan na iyon.

Ngunit 'di nila alam kung kailan sumasalakay ang salarin. Oo, buwan-buwan nagaganap ang krimen pero 'di alam kung anung eksaktong petsa na naman siya darating at kung bakit malinis ito sa pagpatay. Walang naiiwang kagamitan na magpapatunton sa suspek at walang finger print, at patuloy ang paggawa niya ng krimen gayong patuloy rin ang pagbabantay ng mga pulis, kaya't di rin mawala sa isip ng karamihan na hindi tao ang gumagawa ng lahat ng ito...

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon