Nagawang mabuksan ni Joshua ang pintuan at tinungo ng magkapatid si Jumary sa loob ng kuwarto habang nagwawala.
Joselyn: Anak ko, tahan na, ah... -habang naluluhang niyakap nang mahigpit ni Aling Joselyn ang anak, habang nagtataka naman si Joshua sa inaasal nito.
Samantala, isinara naman ni Alng Linda ang pintuan ng bahay upang 'di makapasok ang mga kapitbahay na nakikiusyoso sa mga nagyayari.
-------
Linda: Ano ba 'yan, mare. Bakit nagkakaganyan na 'yan si Jumary? -habang pinupunasan ni Aling Joselyn ang mukha ni Jumary. Samantalang nakahiga at tulog na ang binatilyo.
Joselyn: Mare, maaari mo ba kaming iwan ni Joshua, may importanteng bagay lang kaming pag-uusapan.
Linda: Sige, mare, kasi kailangan ko pang balikan ang niluluto ko. Nakalimutan ko tuloy. -sabay talikod nito at tinungo ang labas ng bahay.
Joshua: Ate, ano ba talaga ang nangyayari kay Jumary? -mahinahong tanong niya.
Joselyn: Joshua, ang hirap ipaliwanag dahil pati ako ay 'di ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ito...
Joshua: Ano'ng ibig mong sabihin?
Joselyn: Joshua, si Jumary ang killer... -habang napapaluha na naman ito.
Joshua: Ahh! Paano nangyari 'yon?
Joselyn: Mula nang mangyari ang patayan sa magkakatabing bayang ito ay nagsimula rin ang mga bagay na 'di ko maipaliwanag kahit sa sarili ko, Joshua.
Joshua: Ano 'yon, ate? Makikinig ako nang maayos.
Joselyn: Nagpapakita sa akin si Samuel, at ang kaluluwa niya ang sumasanib kay Jumary.
Joshua: Ahh! Bakit niya ginagawa sa inyong mag-ina iyon? Wala naman kayong kasalanan sa kanya, ahh? Bakit kailangan niyang gamitin si Jumary upang pumatay? -mga takang tanong ni Joshua.
Joselyn: Hindi ko alam, Joshua. Ngayon, gusto kong malaman mula sa iyo, ano ba ang tunay na ikinamatay ni Samuel? May narinig ka ba mula sa mga haciendero ni Papa tungkol kay Samuel?
Joshua: Walang pruweba, ate, pero may sabi-sabi na baka raw talagang hindi naaksidente si Kuya Samuel. Baka raw pinapatay...
Joselyn: Ibig sabihin, kung ipinapatay man siya, wala ng ibang makakagawa noon kundi tanging si Papa lamang...
Joshua: Hindi ko rin alam, ate. Pero kung iisipin mo, kakaiba rin ang ikinamatay ni Papa. Bigla na lang siyang pumanaw nang walang dahilan. Samantalang kilala siya bilang malakas na tao.
Joselyn: Oo, Joshua, parang sinindak si Papa nang matagpuan na lang nila. Joshua, wala ka na bang ibang narinig sa mga taga-roon bago mo lisanin ang lugar na iyon?
Joshua: Wala, ate, kasi 'di ba, kahit ang sariling mga magulang ni Kuya Samuel, aksidente talaga ang tinuturong dahilan ng pagkamatay nito, at bukod doon ay wala na akong ibang narinig.
Joselyn: Pero bakit siya patuloy na pumapatay? Ano ang dahilan niya? Wala namang kasalanan ang mga taong ito sa kanya, ahh? At bakit kaya sa tinagal-tagal na panahon ay baguhan lang siya nagparamdam sa amin?
Joshua: Hindi ko alam, ate, pero sa palagay ko, kailangan nating alamin ang tunay na nangyari kay Kuya Samuel. 'Di bale, si Mico, matutulungan niya ako, at malaki ang tiwala ko sa kanya. Hahanapan namin ng paraan ito.
Joselyn: Oo, Joshua, mas mabuti. Pero sa tingin ko, kailangan nating lumayo rito habang maaga pa. Nanganganib si Jumary rito...
Joshua: Walang problema, ate. Mamayang gabi ay lumayo na tayo rito. Unti-unti na siyang nabibisto ng mga tao rito kaya dapat makalayo na tayo rito...
--------
Pasado hating-gabi na...
tok.tok.tok.
-at tinungo ni Joshua ang pintuan at binuksan.
Joshua: Oh, Mico, buti at dumating ka na. -nang bumungad sa kanya ang kaibigan, at pinapasok ito. Habang nakahanda na sila sa planong pagtakas.
Mico: Pare, may safety house kami sa Bulacan. At doon na muna si Ate Joselyn mo at si Jumary magtago, okay? Mas ligtas sila doon. -mahinahong wika nito.
Joshua: Salamat, pare. Mapagkakatiwalaan ka talaga, hindi ako nagkamali na sa 'yo humingi ng tulong.
Mico: Okay lang 'yon. Sino ba ang magtutulungan? Kundi tayo-tayo lang na tunay na magkakaibigan, 'di ba?
Lumabas sila ng labas ng bahay at tinungo ng apat ang nakaparadang owner type jeep na pag-aari ni Mico. Sumakay ang apat at mabilis na pinatakbo ang sasakyan
---------
Linda: Bakit sila umalis? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanila? Kinukutuban ako sa kanila. -habang nakasilip mula sa kanyang bahay nang matanaw ang apat na sumasakay sa owner type jeep at sandali lang ay mabilis na pinatakbo iyon.
--------
Kinabukasan ay tinungo ni Aling Linda ang bahay nila Aling Joselyn. Nakakandado ito at mahigpit na nakasara. Lahat ng bahagi ng bahay na iyon na maaaring daanan ng tao papasok.
Maya-maya'y denial ang numero ng presinto.
Pulis: Hello, magandang araw, sino po sila?
Aling Linda: Magandang araw rin. Sa Police Station po ba ito?
Pulis: Oo, at ano po ba ang kailangan nila?
Aling Linda: Tungkol po ito sa nangyayaring patayan sa bayang ito. Nais ko pong ipaalam sa inyo ang kaduda-dudang ginagawa ng isang pamilya rito sa tabi namin. Lumayas po sila kagabi, at sa palagay ko'y kailangan n'yong mag-imbestiga sa bahay nilang ito. Baka mamaya, sila pala ang mga mamamatay-tao.
Pulis: Oh, sige. Papunta na kami diyan, okay?
At dumating ang ilang pulis na lulan ng kanilang mobile patrol. Sinira ang pintuan ng bahay at pumasok sa loob nito.
Nag-imbestiga sila at natagpuan nila ang isang maliit na palakol sa likod ng aparador ni Jumary. At may natagpuan silang isang damit na nakasuksok din doon na punong-puno ng dugo.
-------
Doctor: Positive po. Dugo nga po ito ng huling biktima na si Santillan. -habang kaharap nito ang ilang pulis sa hospital na iyon.
SPO4 Mendoza: Ibig sabihin, sila ang mamamatay-tao. Nagkamali pala ako sa batang iyon na muntik ko ng mapatay. Pero 'di bale, kahit saan magpunta ang mag-inang iyon, susundan at susundan ko sila upang iganti ang matalik kong kaibigan. -galit na bulong niya sa sarili.
-----
WANTED na ang mag-ina at pinaghahanap na sila ng mga Pulisya, dahil sa mga nakalap na ebedinsya sa kanila, at may pabuya nang nakalaan sa sinu mang makakapagturo sa mga to.
BINABASA MO ANG
THE KILLER SPIRIT
HorrorIsang kaluluwang patuloy na naghahanap ng hustisya. Isang demonyong nagbitiw ng sumpa. at Isang mamamatay tao. Ano ang kaugnayan ni Jumary kay Samuel? At paano mapuputol ang sumpang binitawan ni Samuel bago sya mamatay? Alamin po sa simpling Akda na...