CHAPTER 13

476 11 0
                                    


Pinuntahan ng magkaibigang Joshua at Mico ang lugar ng San Agustin sa bayan ni Aling Joselyn. Sa bayang ito, kilala ang donyo na si Simeon. Makapangyarihang tao, dahil sa kayamanan nito. Nagmamay-ari ng buong lupain sa lugar na ito, at pinagtatrabaho rito ang mga magsasaka. Pangunahing produkto nila rito ay ang pinyang pananim na sinasaka ng mga haciendero.

Siya ay hindi naman malupit, bagkus siya ay may pakisama sa mga tauhan niya o sa mamayan niya. Ngunit ang ayaw niya sa lahat ay ang nilalabag ang kagustuhan niya.

--------

Joshua: Tatang Gaspar, kumusta na po kayo?        -habang magkasama ang tatlo sa maliit na bahay ni Tatang Gaspar sa gitna ng bukid.

Tatang Gaspar: Mabuti naman ako, iho, heto at hikahos na sa buhay, matanda na kasi ako, eh...

Joshua: Eh, bakit? Nasaan na pala ang mga anak n'yo po?

Tatang Gaspar: Hayun, lahat lumuwas ng Maynila. Alam mo kasi, Joshua, simula ng maangkin ni Donya Marrietta ang lupaing ito ay masyado na siyang mahigpit sa mga tauhan ng Papa mo. Hayun, isa-isang nagsilayas ang mga haciendero. 'Ngapala, ano'ng maipaglilingkod ko sa inyo?

Joshua: Sige po, Tatang Gaspar at 'di ko na patatagalin pa. Bilang pangunahing tauhan ka ni Papa sa bukiring ito, alam ko pong may nalalaman kayo kahit papaano.

Tatang Gaspar: Ano 'yon, iho?

Joshua: Ano po ba talaga ang ikinamatay ni Kuya Samuel? Mayroon ka bang napansin kay Papa na kakaiba?

Tatang Gaspar: Sige iho, didiretsuhin na kita. Sapagka't sa totoo lang ay ayaw kong magsinungaling sa iyo, napakamabuti mong bata kasama ng ate mo. Si Samuel ay ipinapatay ng Papa mo. 'Pagka't tutol na tutol siya sa pagmamahalan nila ng Ate Joselyn mo...

Joshua: Huh?!!!      -ang biglang gulat ni Joshua.

Joshua:  Ngunit, tatang, bakit sinabi ng pamilya niya na nasagasaan daw, at mayroon namang nakakita sa pangyayari ng gabi ng aksidente?         -habang naguguluhan pa rin si Joshua.

Tatang Gaspar: Oo, Joshua, yaon ang sinabi ng ina at mga kapatid niya. 'Pagka't binantaan sila ng Papa mo, kaya't napilitan silang itago ang katotohanan at 'wag ipakita ang bangkay ninuman. 'Pagka't makikita sa mukhat katawan ni Samuel ang mga pasa dulot ng pagpapahirap mo na sa kanya bago tuluyang patayin, at ipasagasa sa isang sasakyan mula sa mga tauhan ng Papa mo...

Joshua: Napakawalang puso pala ni Papa, nakakaawa pala ang sinapit ni Kuya Samuel.   -habang naalala nito ang amain at si Samuel.

Tatang Gaspar: Ngunit, Joshua, iho, nakaganti si Samuel. 'Pagka't minulto niya ang lahat nang may dahilan ng kanyang kamatayan. Naabutan ninyo ang pagkamatay ng papa mo nang walang dahilan. Nakahandusay na takot na takot ang makikita sa mukha niya, at nang lumisan ang ate mo at sinundan mo ay nagsunod sunod rito ang pagkamatay ng mga tauhan ng papa mo na kahalintulad din ng ikinamatay ng Papa mo. Iyon 'yung may mga kinalaman sa pagkamatay ni Samuel.

Joshua: Ganoon po pala iyon, ngayon ay naintindihan ko na kung bakit patuloy na 'di matahimik ang kaluluwa niya.      - mahinahong wika niya, kasunod na inilingon ang ulo kay Mico.
"Pero bakit niya pinapatay ang mga taong walang kasalanan sa kanya? Ano ang dahilan niya?" bulong niya sa kaibigan, pero imbes na maghintay ng sagot ay napansin niya na may namuong luha sa mga mata ni Mico.

Joshua: Pare, bakit ka napapaluha?         -pagtatakang tanong niya.

Mico: Ah, wala, pare. Ewan ko ba, naawa lang 'ata ako sa Samuel na 'yon. 'Andali ko kasing mapaluha pagdating sa malungkot na kuwento.     -pagkukunwari niya, kasunod na sinabayan ng kaunting halakhak. "Ha-ha-ha, dramatic kasi ako, p're," pabiro niya pero nagtataka pa rin si Joshua.

Alam naman niyang hindi mapagbiro si Mico. Kakaiba talaga kung bakit siya lumuha sa kuwentong iyon... ang nasa isip ni Joshua.

Mico: Pare, ji-jingle muna ako, ah? 'Ngapala, Tatang Gaspar, saan 'yung CR n'yo?

Tatang Gaspar: Halika't ituro ko sa 'yo. Kasi nandiyan sa labas.    -sabay tayo nito.
"Joshua, sandali lang muna, iho ah?" pamamaalam nito habang tumayo na rin si Mico.

Joshua: Sige po, walang problema.        -at ngumiti na lang ito sa dalawa.

Tinungo nila ang kubeta. Maya-maya'y nasa labas na ang dalawa sa tabi ng kubeta sa labas habang si Joshua ay nasa loob at inaalala ang mga sinabi ni Tatang Gaspar.

------

Tatang Gaspar: Mico, hindi mo na ba sila titigilan? At dinala mo pa siya rito sa akin.     -mahinahong wika nito.

Mico: Hindi ako titigil! Gusto kong nakikita sila sa bawat araw na punong-puno ng problema at takot! Hanggang sa unti-unti silang mamatay. Kaya't kayo, 'wag na kayong maingay, baka madinig pa tayo ni Joshua.       -galit niyang wika at tinalikuran ang matanda at pumasok sa kubeta.  Bumalik naman agad ang matanda kay Joshua.

-------

Nilisan na ng dalawa ang San Agustin. Maya-maya habang naglalakad sila ay huminto si Joshua at humarap sa likuran, sa bayan ng San Agustin. Pinagmasdan ang kabuoan ng lugar habang sila ay nasa malayo na...

Joshua: 'Anlaki na nang nagbago sa bayang ito. Binalot na ito ng misteryo't kababalaghan dahil lamang sa kasamaan ni Papa         -mahinang wika nito.

Mico: 'Di ba, pare, sa papa n'yo ang buong lupain sa lugar na ito? Bakit hindi napunta sa inyo ang pamana, sayang naman?        -pagtataka niyang tanong...

Joshua: Ampon lang naman ako, pare.       -habang patuloy na nakatingala sa malayo.

Mico: Ah, isa kang ampon?

Joshua: Oo, hindi ko nakilala ang mga magulang ko. Basta ang pinakanatatandaan ko lang ay lumaki ako sa may lansangan, sa pamilihang bayan. Kasama ko ang isang matandang taong kalye. Wala kaming tirahan at nanlilimos lang ang itinuring kong lola. Bagama't siya'y 'di rin alam ang mga magulang ko, nang namatay siya sa kalye ay kinuha ako ni Don Simeon na nasa 9 na taon lamang ako noon...       -habang taimtim na nakikinig si Mico,

Joshua: At si Ate naman ang nag-iisang anak ni Papa. Naulila naman si ate sa ina nang isilang raw siya ng kanyang ina. Sa pagkamatay ni Papa ay inagaw sa kanya ni Donya Marieta ang kayamanang pamana sa kanya ni Papa. Si Donya Marietta ay kapatid ni Papa, pero si ate ay hindi naghahangad ng ano mang yaman bagkus, ninais niyang lumayo upang limutin si Kuya Samuel dahil 'di niya matanggap na biglang namatay ang lalaking minahal niya. Ganoon din ang paghihinagpis ni Ate nang pumanaw si Papa kaya't hinayaan na lang niyang agawin sa kanya ni Tita ang dapat ay sa kanya...

Mico: Saklap pala ng buhay ng ate mo, ikaw naman, p're, bakit ka umalis rito?

Joshua: Pinalayas ako ni Tita Marietta. Mas mabuti rin, hindi ko hangad ang yaman nila. Mas pipiliin kong makasama si ate, pagka't siya lamang ang tunay na nagmamahal sa akin...

At tinuloy na nang dalawa ang paglisan sa lugar na iyon...

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon