Tuluyan nang nilisan ng dalawa ang lugar na iyon.Joshua: Pare, hindi pa din malinaw sa akin lahat. Nagtataka ako kung bakit siya pumapatay ng mga inosente? Na wala namang kasalanan sa kanya?
Mico: Maaaring dulot ng kanyang pagkamatay ay nagkaroon siya ng matinding galit sa mga tao. ---alam mo, pare, mas mabuting tumungo tayo sa Mindanao, sa Surigao kung saan naroroon si Louie, ang dating sinapian. -mahaba niyang wika habang hawak ang manibela na bumabagtas papuntang Maynila.
Joshua: Mas mabuti nga, baka doon tayo malinawan sa kanya.
Mico: So, ituloy na natin ang biyahe sa Maynila?
Joshua: Oo naman, hindi na tayo dapat mag-aksaya ng oras, at 'wag na tayong dumaan kina ate. Baka mamaya pa'y masundan tayo, at matunton ang lugar.
At dumiretso nga sila sa Maynila. Kumuha ng airplane ticket at bukas na ang biyahe nila tungo sa Surigao.
---
Samantala, muling nagbabalik kay Aling Joselyn ang nakaraan.
Sa edad na 23 anyos ay nakatakda siyang ikasal sa anak ng isang pulitiko na may katungkulan bilang governor nitong probinsya. Pinaglalapit na sila ng kanilang mga magulang, ngunit si Joselyn ay pilit tumatanggi 'pagka't 'di niya nais makasama ang lalaking iyon.
Hanggang sa isang baguhang binata na nagngangalang Samuel ang nag-paibig sa kanya.
Ang binatang ito'y sadyang malapit kay Gaspar. Ang namumuno sa mga haciendero na kanang kamay ni Don Simeon sa sakahang iyon. Mabait, masipag at mapagkaibigan si Samuel, kaya't mabilis niyang nakuha ang atensyon ng mga tao roon. Siya ang itinalaga ni Gaspar na nakahalili niya sa pamumuno sa mga taong iyon.
Napansin ni Joselyn ang taglay na kakaiba kay Samuel. Maprinsipyo rin ito at laging nakangiti ninuman, kaya't 'di niya maiwasang mapalapit ang loob niya rito.
Laging kasa-kasama ni Gaspar si Samuel sa tuwing nagre-report si Gaspar kay Don Simeon, kaya't nagkaroon sila ng pagkakataon magkapansinan, hanggang sa naging magkaibigan sila.
Nagkaroon sila ng lugar na tagpuan at doon nabuo ang pag-iibigan nila.
Hanggang sa malaman ng donyo ang totoo at pinatanggal sa trabaho si Samuel.
Pero 'di ito tumigil sa pagnanais na makasama ang dalaga na naglakas ng loob na ipaglaban ito na naging sanhi ng pagliyab ng galit ng donyo Sa kanya.
---
"Mahal ko, kung tunay mo akong mahal ay sumama ka sa akin at ilalayo kita sa lugar na ito." Samuel---kasamang nakasulat sa liham na ito ang araw at oras ng kanilang paglisan.
Don Simeon: Ano na ba ang pumasok sa kukute mo, Joselyn, at nais mo pang sumama sa lalaking iyon?! -habang galit na galit ito.
Joselyn: Papa, mahal ko si Samuel, at sa kanya ako liligaya. Ayaw kong magpakasal sa lalaking gusto n'yo para sa akin.
Don Simeon: Magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo, Joselyn! 'Wag mo akong ipapahiya sa mga Sandoval. Kaya't kalimutan mo na ang Samuel na iyan! Wala siyang maipapakain sa 'yo!
Joselyn: Hindi, papa! Kahit anong gawin n'yo, sasama pa rin ako kay Samuel! Hinding-hindi n'yo ako mapipilit sa gusto n'yo! -kasunod na hinila ng donyo ang dalaga tungo sa kwarto nito, at ikinandado ito upang 'di maituloy ng dalawa ang balak na pagtatanan.
Ngunit nakatakas si Joselyn sa pamamagitan ng tulong ng kanyang itinuturing na kapatid na si Joshua, at nagmadaling tinungo ni Joselyn ang tagpuan nila ni Samuel upang ituloy ang pagkikita nila't pagtatanan. Pero hindi sumipot si Samuel sa usapan nila, bagkus kinabukasan ay nalaman na lamang ni Joselyn ang aksidenteng nangyari kay Samuel.
"Nag-impake siya ng mga kagamitan niya upang sunduin ka raw roon. Pero heto't nalaman na lang namin na nasagasaan siya," wika ng ina nito habang lumuluha.
Joselyn: Maaari ko bang makita ang bangkay niya? -pagmamakaawa ni Joselyn.
Pero hindi siya pinayagan, bagkus sinabi nila na iniuwi raw nang tiyuhin ni Samuel ang bangkay nito sa probinsya nila, at nakatakdang sumunod ang ina't mga kapatid nila.
---
Joselyn: Ipinapatay ka nga ba ni Papa Samuel? Ngunit alam mo bang may isa kang bagay na hindi nalaman. May anak ka, at si Jumary iyon. Hindi mo siya naabutan. Wala ka na nang malaman kong may namuong bata sa sinapupunan ko. Kung alam mo lang na anak mo si Jumary, magagawa mo ba ito sa kanya? -mga naglalarong tanong sa isip ni Aling Joselyn.
Nagbiyahe si Joshua at Mico at narating ang Surigao. Tinungo nila agad ang kinaroroonan ni Louie at nagkaharap nga ang tatlo.
Joshua: Pare, maaari ka ba namin makausap? May importante kaming sadya sa 'yo.
Pero walang naging sagot sa kanilang tanong, bagkus nakatitig at 'di pa rin nagsasalita ang lalaking ito.
Nurse: Makakausap n'yo lamang po iyan sa pamamagitan ng kanyang kapatid, dahil ang kapatid lamang niya ang kinakausap niya. -at pinuntahan nga ng dalawa ang address ng kapatid ni Louie.
---
Cathy: Naiintindihan ko ang hirap na dinaranas n'yo ngayon, 'pagka't sa amin din ay ganyan din ang aming pinagdaanan, noong sunod-sunod ang patayang ginagawa ni Louie. Halikayo't balikan natin si Kuya, baka magawa niyang sabihin sa inyo ang ninanais n'yong malaman.
Ilang minuto lang ay nandoon na naman sila sa hospital na iyon.
Cathy: Kuya, sila 'yung pamilya ng bagong sinapiaan. Kausapin mo sila, please... -habang hinihipo-hipo sa ulo ang kapatid.
Louie:Si Samuel... at si satanas... Sila ang may kagagawan ng lahat... sila ang may kagagawan ng lahat... -paulit-ulit nitong binibigkas habang palakas nang palakas ang boses nito na bumuo ng ingay at gulo sa iba pang mga pasyente.
Sumunod na nilapitan ito ng mga male nurses at iginapos dahil sa ginawang pagwawala nito...
Doctor: Pasensya na muna kayo, 'tapos na muna ang dalaw.
Joshua: Si Samuel at si satanas? Ano'ng ibig niyang sabihin?
Cathy: hHindi ko rin alam. Ganyan rin ang sinasabi niya noon, paulit-ulit lang...
Joshua: Kailangan namin siyang makausap nang maayos. Hindi pa din kami nalilinawan.
Cathy: Ipagsabukas na lang natin. Hindi makakausap nang maayos si kuya sa ngayon...
Mico: Sa lagay niyang iyan, eh, makakausap pa ba 'yan nang maayos?
Cathy: Oo, minsan nakakausap siya nang maayos. Minsan nasa matinong pag-iisip siya, kaya't subukan ulit natin bukas...
ITUTULOY>>>
BINABASA MO ANG
THE KILLER SPIRIT
HorrorIsang kaluluwang patuloy na naghahanap ng hustisya. Isang demonyong nagbitiw ng sumpa. at Isang mamamatay tao. Ano ang kaugnayan ni Jumary kay Samuel? At paano mapuputol ang sumpang binitawan ni Samuel bago sya mamatay? Alamin po sa simpling Akda na...