Pagkatapos ng ginawang iyon ni Cardo ay umalis siya at tinungo ang kaniyang babae. Kasunod nang pagpunta ni Aling Linda sa bahay nila Joselyn ay doon itinuloy ang pag-iyak.
Dumaan ang piyesta at dumating ang bagong buwan na laging ganoon ang lagay ng mag-asawa.
Alas-tres ng madaling araw. Pumarada ang owner type jeep na minamaneho ni Mendoza sa 'di kalayuang bahay ng babae ni Cardo. Samantalang naroroon si Cardo.
SPO2 Santillan: Partner, sandali lang, ah, at maka-jingle muna diyan sa sulok. -sabay turo nito.
SPO4 Mendoza: Okay, partner. Bilisan mo lang dahil kailangang tuloy-tuloy ang pagpapatrol natin, okay? -at tinungo ni Santillan ang likuran ng isang bahay.
****
Cardo: Jessica, saglit lang, ah, at bibili lang ako ng yosi sa may tindahan, okay?
Jessica: Sige, honey, bumili ka na rin ng beer, okay?
Cardo: Oo ba. -areglo at bumaba ang lalaki.
Maya-maya'y may narinig siyang kaluskos. Hindi niya malaman kung ano 'yon. Sinuyod ng tingin ang pinanggagalingan sa likod ng bahay. Sa may punuan, madilim ang paligid lalo na sa lugar na iyon dahil maraming puno roon at wala pang ilaw sa sulok na ito.
Napaisip pa siyang 'wag pansinin,pero hindi niya napigilan ang sarili na puntahan at alamin 'yon, hanggang sa marating niya ang sulok na iyon,
Cardo: Haaahhh!!! 'Wag!!! -sigaw at pagmamakaawa niya, pero sunod-sunod na pinagtataga sa katawan na dahilan ng maraming sugat na tinamo. Hindi pa nakuntento ang salaring iyon at pinutol pa ang magkabilang braso gamit ang palakol na iyon. Muling sinunggaban sa kaliwang dibdib at tumagos sa likod ang palakol na naging sanhi ng pagkabiyak ng puso ng lalaking ito. Dinukot at inilabas ang puso.
Samantalang mabilis na narating ni SPO2 Santillan ang pinanggalingan ng sigaw na iyon. Naabutan niya ito, pero mabilis na nawala ang salarin ngunit sunod-sunod pa ding pinaulanan ng bala ni SPO2 Santillan ang salarin. Maya-maya'y narating siya ni SPO4 Mendoza.
SPO4 Mendoza: Oh, partner! Anong nangyari? -habang nagtataka.
SPO2 Santillan: Partner, nakapatay na naman siya pero natakasan ako, parang kidlat sa bilis, partner. Pero kung 'di ako nagkakamali, maitim na tao ang naaninag ko.
Kinabukasan, muli'y pinagkakaguluhan na naman ang bagong biktima. Naroroon si Aling Linda at mga anak nito kasama si Aling Joselyn. Nagsisigawan sa pag-iyak sa dinanas ng Padre de Pamilya nila.
Joselyn: Mare, tahan na... -habang hinihimas-himas ang likod ng kumare sabay na napapaluha na rin siya, sa tabi ng bangkay ni Cardo.
Aling Linda: Mare, isinusumpa ko ang salarin na iyon na kapag nahuli, ako mismo ang papatay sa kanya! -habang galit na umiiyak.
Maya-maya'y dumating ang dalawang magkaibigan na tumatakbo papunta sa bangkay na iyon na halatang kagigising lamang.
Jumary: 'Nay, Ano pong nangyari? -ang hingal na hingal na si Jumary at naluha na lang ang dalawa ng masilayan ang nakahigang bangkay.
Malapit sa kanila si Cardo, mabait na tao ito, at parang pamilya na rin ang turingan nila. Pero sa huli lamang ito nagbago dahil nga sa babaeng iyon.
SPO2 Santillan: Partner, malakas ang kutob ko na 'yang negritong iyan ang suspek.
SPO4 Mendoza: Iimbestigahan natin sila pero dapat maging sigurado ka dahil nakakahiyang pagbintangan ang mga inosente at mabubuting tao ang pagkakakilala ko sa mga 'yan.
SPO2 Santillan: Sa palagay ko, partner, lahat ng maitim na lalaki rito ay makakabuting isama natin para lamang sa kaunting katanungan.
SPO4 Mendoza: Siguro nga, maaaring tama ka sa nakita mo...
Kasunod na dumating ang ambulansya at kinarga ang bangkay at sumama naman ang pamilya nito.
SPO4 Mendoza: Mga iho, ikaw! Puwede ka ba naming imbitahan sa presinto? -sabay turo kay Teddy,
Teddy: Bakit ho! Wala akong kasalanan! -ang gulat niya.
SPO4 Mendoza: Iimbestigahan ka lang namin, okay? Kaunting katanungan lamang. -mahinahong wika ni Mendoza.
Jumary: Pero, sir, mabait po 'yan, hindi 'yan mamamatay-tao...
SPO2 Santillan: Hoy, bata! Paano namin matutunton ang killer, kung hindi kayo nakikipag-cooperate?! -ang galit na si Santillan.
Sumama na lang si Teddy at inipon nga nila lahat ng maiitim na lalaki sa probinsiyang ito at isa-isang inimbestigahan. Pinupuntahan ang bahay nila upang maghanap ng ebidensya at si Teddy ay sinamahan naman sila sa bahay ng kanyang tita at pinasok ng mga pulis ang kanyang kwarto.
At dahil sa madaming nahuli na magkakapareho ng kulay sa bayang iyon, natagalan muna sila ng labas na umabot ng tatlong araw sa kulungan pero dinadalaw pa rin ng mag-ina si Teddy.
---
Hating-gabi na nang magising si Aling Joselyn sa kalagitnaang tulog niya. Muli na naman siyang nananaginip. Bumangon siya at tinungo ang salamin, saka tinitigan ang sarili.
Joselyn: Ano nga bang kababalaghan ang bumabalot sa akin ngayon? Bakit paulit-ulit kong napapanaginipan ang lalaking iyon? Si Samuel ba ang pinatay na iyon? Ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagkamatay niya? Gumaganti ba siya sa mga taong inosente? At ako ba ang ginagamit niya? Ako ba ang mamamatay tao? Ito ang mga katanungang naglalaro sa isip niya...
ITUTULOY>>>
BINABASA MO ANG
THE KILLER SPIRIT
HorrorIsang kaluluwang patuloy na naghahanap ng hustisya. Isang demonyong nagbitiw ng sumpa. at Isang mamamatay tao. Ano ang kaugnayan ni Jumary kay Samuel? At paano mapuputol ang sumpang binitawan ni Samuel bago sya mamatay? Alamin po sa simpling Akda na...