CHAPTER 10

498 9 0
                                    


Kitang-kita ng mga mata ni Aling Joselyn ang kakaibang itsura ng kanyang sariling anak. 'Di siya makapaniwala sa nakita. Bakit ganoon ang itsura ni Jumary? Bakit tila kakaiba ang kanyang pangangatawan. Bakit siya ang pumapatay?

Iyon ang nasa isip niya habang 'di makapaniwala nang mga sandaling iyon...

Kilabot at awa ang kaniyang nadarama sa anak. Nagtago siya sa isang madilim na sulok nang tuluyang pumasok si Jumary, saka tinungo ng binata ang kubeta. Pinunasan ang dala-dalang ginagamit pampatay sa mga biktima, at kasunod na tinungo ang kwarto.

Binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto. Isiniksik sa likod ng aparador ang palakol. Naiwan niyang bukas ang pintuan ng kwarto at dire-diretso namang nakatanaw si Aling Joselyn sa anak.

Nang makapasok na si Jumary ay humiwalay sa kanya ang isang kaluluwa ng malaking taong lalaki, at kasunod na bumagsak si Jumary sa sahig nang walang malay. Kasunod din na tinungo niya ang kaluluwang iyon---ang kuwarto ni Aling Joselyn. Kasunod ang biglang pagkagising ni Joshua sa tinurang ingay nito. Binuhat si Jumary pahiga sa kamang iyon.

Samantalang si Aling Joselyn ay patuloy na sinisindak sa mga nasilayan. Hindi siya makapaniwala, ang sariling anak na binatilyo na walang kamuwang-muwang sa paggawa ng kalokohan ay siyang gumagawa pala ng sunod-sunod na patayan. Hindi niya ito matanggap sa sarili. Alam niyang may kapalit na panganib na naghihintay sa kanyang anak. Kasunod na naglaro sa kanyang isipan ang kaluluwang iyon...

Joselyn: Samuel, bakit mo ginagawa sa amin ito? Ano ba talaga ang ikinamatay mo? At bakit ang mga inosente ang pinapatay mo at si Jumary pa ang ginagamit mo?

Joselyn: Kaya pala, minsan may nararamdaman akong kakaiba. Iyon pala'y patuloy mo akong tinatabihan. Bakit sa tinagal-tagal na panahon, ngayon mo lang ito nagawa sa amin?

Maya-maya'y nakita niya ang kaluluwa nang lalaking iyon na nagtuloy-tuloy na lumabas ng bahay nilang iyon. Nanginginig siya sa tuwing nakikita ang kaluluwang iyon.

Maya-maya pa'y tinungo niya ang kuwarto at humiga sa kama habang 'di mapakali.

---

SAMANTALA, patuloy na naghahabulan ang pulis at si Teddy sa malawak na maisang iyon. Maya-maya'y natamaan ito ni SPO4 Mendoza, at bumagsak si Teddy habang duguan ang kaliwang braso. Nilapitan siya ng galit na galit na pulis at itinutok ang kalibre 45 sa ulo ni Teddy upang tuluyang pasabugin.

SPO4 Mendoza: Tarantado ka! Sa dinami-rami ng pwede mong patayin ay sarili ko pang pulis at kaibigan ang biniktima mo! Ngayon, tingnan ko kung saan ka pupulutin!

Teddy: 'Wag po, maawa kayo... wala po akong kasalanan... -habang nanginginig na napapaluha na sa takot sa maaaring sapitin.

SPO4 Mendoza: Sinungaling! Naawa ka ba sa lahat ng mga pinapatay mo! Ngayon! Wala ka ng kaligtasan sa akin! Bukas na bukas din ay pagpipiyestahan ka ng buong bayan, at itutulad ko sa 'yo kung paano mo pinatay ang mga biktima!

Teddy: Wala talaga akong kasalanan, nagkataon lang na nandoon ako... -habang patuloy na takot na takot.

Nilapitan siya ng pulis at buong lakas na sinipa sa mukha habang ito'y nakaluhod. Bumagsak siya sa lupa. Muli niyang pinilit ang sariling bumangon at kasunod na hinampas ng pulis na iyon sa mukha gamit ang kanyang kalibre.

Napapasigaw at iyak na lang si Teddy habang patuloy na tinatanggap ang tuloy-tuloy na suntok sa kanya ng pulis gamit ang kamao nito. Wala siyang lakas na lumaban sa malaki at malakas na taong ito. Duguan na ang kanyang mukha habang ang kanyang braso ay patuloy na umaagos ang dugo nito.

Maya-maya pa'y lumayo ng kaunti si Mendoza kay Teddy. Itinutok ang kalibre 45 sa ulo nito upang tuluyang pasabugin.

Teddy: Ma-a-hwa na ka-yo... -putol-putol niyang bigkas dahil sa hirap na dinanas sa kamay ng pulis na iyon.

Kasunod na pinakawalan ang isang putok na bumutas sa kanang braso niya...

Teddy: Ahh..ah...! -paghihinagpis niyang sigaw nang maramdaman ang pagtagos ng balang iyon sa kanyang braso, at kasunod na muling bumagsak mula sa pagkakaluhod dahil pinilit nitong tumayo upang tumakas.

Sa pagkakataong ito, hindi na niya kayang lumayo. Ipinikit niya ang mga mata nang makita ang kalibre ni Mendoza na nakatutok sa kanyang ulo upang tuluyan siyang patayin, wari'y nagpaubaya na siyang tanggapin ang kamatayang hatol sa kanya ng pulis na ito.

Kasunod na biglang dumating ang isang colonel pulis...

Colonel: Mr Mendoza! Ano'ng ginagawa mo sa batang iyan! -suway niya rito.

SPO4 Mendoza: Sir, tutuluyan ko na ang salaring ito! -sagot niyang galit.

Colonel: Hindi mo puwedeng ilagay sa kamay mo ang batas! Hayaan mo siyang ipaubaya sa presinto!

SPO4 Mendoza: Sir, napatay nito ang partner ko! Kaya, babawiin ko rin ang buhay nito! -sigaw niyang sagot sa Colonel na may kasamang dalawang pulis.

Colonel: God damn it, Mendoza! Hindi ka ba sumusunod sa utos ko?! -at kasunod na itinulak ang pulis na iyon, binuhat ng iba pang dalawang pulis si Teddy.

---

Kinabukasan, nang madaling araw ay hingal na hingal na dumating si Aling Linda sa kumareng si Aling Joselyn.

Linda: Mare, Si Teddy pala ang salarin! At nahuli ng mga pulis kagabi! -habang galit ang boses nito.

Joselyn: Ah, siya ang nahuli?! -gulat nito, habang magkatabi sila ng kapatid na si Joshua.

Linda: Oo, mare! Walang-hiya pala ang palamuning Teddy na iyan! At masahol pa pala sa lahat ng kriminal!

Joselyn: Mare, baka hndi siya ang may kasalanan? Baka nagkataon lang na siya ang napagbintangan?

Linda: Mare, magbabayad siya sa akin sa ginawa niya kay Cardo! Sasampahan ko siya ng kaso!

Joselyn: Ah-eh! Nasaan siya ngayon? -Habang siya ang nagu-guilty sa kasalanan ng anak.

Linda: Nasa hospital raw dahil dalawang beses na binaril sa braso ng pulis na iyon at pinahirapan pa raw!'Buti nga sa kanya! Mare, alam mo kung may pagkakataon lang akong mapasok ang room ni Teddy sa hospital ay ako mismo ang papatay sa kanya! -panggigigil nito.

Hindi na nakasagot si Aling Joselyn sa napagtanto nitong galit na kaibigan.

---

Samantala, sarado ang pintuan ng kwarto ni Jumary, habang nasa ilalim siya ng kanyang kama. Maliwanag ang buong kwarto dahil sa sinag ng araw na tumatama roon mula sa kisame.

Hawak-hawak ni Jumary ang isang bakal na ballpen, habang isinusulat sa baba ng kamang iyon ang isa na namang pangalan...

T-e-d-d-y

Sa taas ng pangalang ito nakasulat si Santillan, Cardo, Jude at iba pang kalalakihang napatay.

Maya-maya'y natauhan bigla si Jumary...

Jumary: Bakit ko sinusulat ang mga pangalang ito? Ibig sabihin, si Teddy ang susunod! -habang pawis na pawis ito.

Umalis siya sa ilalim ng kama at pinagmasdan ang ballpen na umaagos ng dugo ang tinta nito.

Jumary: May sumpa ba ang bagay na ito? Mula nang napasakamay ko 'to ay sunod sunod na ang patayan. At bakit 'di ito nauubusan ng laman? -kasunod na hinagis iyon ng napakalakas sa pader.

Jumary: Ahhhhh!!! -sigaw nito.

Nagulat ang tatlong nasa labas at tinungo ang pintuan ng kuwarto ni Jumary.

Joselyn: Anak, buksan mo ang pintuan! Nandito si Mama mo! -habang naluluha si Joselyn dahil batid nitong kaya nagkakaganoon ang anak dahil sa alam nitong siya ang pumapatay.

Jumary: Tigilan n'yo na ako!!! Tigilan n'yo na ako!!! -malakas na sigaw nito na naging dahilan upang pagkaguluhan sila ng mga kapitbahay...

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon