CHAPTER 15

472 11 0
                                    

Muli silang nagbalik kay Louie kinabukasan habang magkakasama ang tatlo.

At tama naman ang tiyempo nila dahil nasa matinong pag-iisip ito.

Louie: Ipinagkaluno ni Samuel ang kaluluwa niya kay satanas...     -habang nakatulala ito't nagsasalita.

Joshua: Ah, ano'ng ibig mong sabihin?

Louie: Sumisigaw siya, naghihinagpis sa pahirap na dinaranas niya nang gabing iyon. Nakapalibot sa kanya ang tauhan ng isang makapangyarihang tao. Isa-isa silang nambugbog sa kanya. Nilalatigo ang likod habang nakadapa, at pinapaso nila gamit ang upos na sigarilyo.        -habang taimtim na nakikinig ang tatlo at iniisip ang bawat eksena.

---

Samuel: Tama na! Maawa na kayo! Hayaan n'yo akong makasama siya! Pakiusap!       -habang humahagulgol ito't gumagapang na nakahubad, at nakapalibot sa kanya ang mga lalaki.

Kring kring kring

Lando: Hello, donyo?                   -ang namumuno sa kanila.

Don Semeon: Patayin n'yo na diretso, bago pa makatakas ang lalaking iyan.     -sagot nito sa kabilang linya.

Lando:  Masusunod po...         -at nilapitan si Samuel, umupo't hinawakan sa buhok upang mapatingala sa kanya.

Lando: Alam mo, pare! Kay bago-bago mo lang rito, eh, naghahari-harian ka na Akala mo ba, hindi ako galit sa 'yo! Imbes na ako ang nasa kanang kamay ni Gaspar, eh, bigla kang susulpot at kukunin ang tiwala ng mga tao rito. At 'anlakas pa talaga ng loob mo, at nagawa mo pang umepal sa anak ni donyo. 'Hayan, 'yan ang napapala ng mga ambisyoso.             -at dinuraan sa mukha si samuel. Tumayo ito't inapakan sa ulo si Samuel,at inginudngod ang mukha sa sahig, gamit ang paa nito habang nanggigigil.

Sa pagkakataong ito'y walang kalaban-laban si Samuel. Patuloy siyang gumagapang, umaasam na may mahahawakang bagay na maaaring maging panlaban niya. Pero wala, napapalibutan siya ng mga walang puso, walang-awang mga tao na pinagkakatuwaan ang bawat pahirap nilang ibinibigay sa kanya.

Wala na siyang boses na maibuga, at naliligo na siya sa sariling dugo.

Samuel: Ma-awa kayo... Aaw ko pang mamatay... Hinihintay niya ako..

Hanggang sa kapain ni Samuel ang kanyang bulsa, at iniluwa niya rito ang isang bagay na matulis--- ang ballpen na ginagamit niya sa tuwing sinusulatan niya si Joselyn.

At muling lumapit sa may ulo niya si Lando habang hawak-hawak ang kalibre na nakatutok kay Samuel. Biglang isinunggab ni Samuel ang kamay niya sa paa nito't hinila dahilan upang bumagsak ang lalaki. Mabilis niyang inundayan ng saksak sa mata nito gamit ang bagay na iyon.

Nagsunod-sunod ang paglapit ng ilang kalalakihang nakapalibot sa kanya, at pinagkaisahang sipain. Tumayo si Lando na duguan ang kanang mata habang sumisigaw sa sakit. Inabot ng isang kasamahan niya ang baril nito at pinaputok sa likod ng nakadapang si Samuel.

Samuel: Magbabayad kayong lahat!       -mahinang bigkas niya habang unti-unting naghihingalo at hawak-hawak ang bagay na iyon sa kanang kamay.

At bago pa mawalan ng buhay ay naaninag niya ang biglang pagsulpot ng pulang usok sa harapan niya samantalang siya lamang ang nakakakita nito.

satanas: Isumpa mo sila, Samuel! At tutulungan kita sa iyong pagbabalik! Ipaubaya mo sa akin ang kaluluwa mo, at gaganti tayo sa kanila!

Samuel: Oo, gaganti ako! Isinusumpa ko sila! At ipinapaubaya ko sa 'yo ang aking kaluluwa...  -garagal niyang boses.

satanas: Nakikita mo ang hawak mong 'yan, Samuel? Sino mang mapasakamay niyan, gagamitin natin sa paghihiganti mo, at 'di tayo titigil hangga't 'di sila nauubos!

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon