Tuluyang nakawala si Jumary sa mahigpit na pagkakatali nito. Sa pagkakataong ito'y ibang-iba na siya.
Joselyn: Samuel, anak mo si Jumary, maawa ka na sa kanya, nakikiusap ako... -habang humihikbi ito at lumuluha.
Samuel: Alam ko, Joselyn. Batid kong anak ko si Jumary, pero wala na akong kalaban-laban sa kanya. Hawak na niya ang kaluluwa ko, at kailangang maisagawa ang pagpatay ngayong gabi. 'Pagka't nakasulat na ang pangalan ng susunod na biktima, mula sa isinumpang bagay na iyon. Hindi na iyon maiuurong. -mahabang paliwanag niya, habang garagal ang boses nito.
Kasunod na naramdaman ni Jumary na may paparating. Mabilis na tinungo ang pintuan at binuksan--- tumambad sa kanya ang maraming armadong pulis na pinaghandaan ang sandaling ito, habang nakapuwesto ang bawat isa sa bawat puno sa harapan ng bahay na iyon.
Nagulat ang salaring si Jumary at mabilis namang kinublihan ni Joselyn ang anak mula sa mga ito.
Chief: Sumuko ka na, kung hindi, mapipilitan kaming gawin sa 'yo ang labag sa inyo! -malakas na anunsyo nito.
Joselyn: 'Wag! Maawa kayo sa anak ko. -habang nakaharang ito sa kanya.
Pero mabilis na gumalaw at humakbang si Jumary papunta sa bintana na nasa bandang likuran. Binasag ang window glass gamit ang palakol na iyon at mabilis na lumundag sa labas. Pero may ilan ding pulis doon, mabilis nilang pinaputukan ito pero masyadong mabilis kung tumakbo ang taong sinasapian. Pinasok ang liblib na gubat paakyat sa tuktok habang sunod-sunod ang mga kapulisang ito sa kanya sa pagnanais na mahuli ito. Patuloy namang umiiyak si Joselyn at sinisigawan ang mga pulis na "'wag sasaktan ang anak niya..."
------
Nasa loob na ng eroplano ang apat. Nagkataong magkatabi si Joshua at Cathy. Nasa kabilang linya naman nakaupo sila si Mico at Louie.
Mico: Psst... -mahinang senyas niya sa kaibigang si Joshua habang si Louie ay tulog na nasa tabi ni Mico at may pagitang isang passenger ang dalawa.
Joshua: Oh, bakit? -habang napalingon ito, at si Cathy naman ay nasa tabi ng window at nagmamasid sa mga ulap na nadadaanan nila.
Mico: Diskartehan mo na. Kanina pa kayo magkatabi, eh. Hindi man lang kayo nag-iimikan. -pabulong nito habang humahagikhik sa tawa.
Joshua: Siraulo, hindi ito ang oras para sa ligawan. -habang napapangiti rin ito mula sa biro ng kaibigan.
Pero naisip niya, tama naman si Mico, mag-20mins na silang magkatabi ng walang imikan.
Joshua: Ewan ba, bakit nangyayari sa akin ito. 'Di ko siya magawang kausapin. Type ko nga ba siya? Pero natotorpe 'ata ako. -bulong niya sa sarili. -at lumingon sa babaeng iyon, sakto rin namang lumingon si Cathy. Nagkatitigan ang dalawa, at napako ang tingin sa isa't isa.
Mico: Naks naman, 'hayan na. Oy, 'wag kayong mghalikan dito. I-private n'yo, ha-ha-ha... -pabulong na biro niya sa dalawa. Natawa na lang ang dalawa kay Mico.
Joshua: Gago ka talaga, Mico. -sabay lingon sa kaibigan, at ibinalik ang tingin kay Cathy.
Joshua: Cathy, napansin ko lang... dalawa lang kayo ng kuya mo. Nasaan ba ang iba n'yong kapatid o mga magulang n'yo?
Cathy: Wala na ang mga magulang namin mula pa nong mga bata pa kami ni kuya. Dalawa lang kaming magkapatid ni kuya, at 'yung iba naman naming kaanak, eh, ayaw na sa amin, dahil sa mga nangyari kay kuya. Kaya't 'ayun, wala na rin kaming pakialam sa kanila.
Joshua: Kakalungkot din pala ang sinapit ng buhay mo. Magkatulad lang din tayong ulila...
Patuloy lamang ang kuwentuhan ng dalawa habang papalapit na sa Maynila.
BINABASA MO ANG
THE KILLER SPIRIT
HorreurIsang kaluluwang patuloy na naghahanap ng hustisya. Isang demonyong nagbitiw ng sumpa. at Isang mamamatay tao. Ano ang kaugnayan ni Jumary kay Samuel? At paano mapuputol ang sumpang binitawan ni Samuel bago sya mamatay? Alamin po sa simpling Akda na...