FINALLE:CHAPTER 19

648 22 2
                                    

Samuel: Patawarin mo ako, Joselyn, sa mga dulot kong pagdadalamhati sa 'yong puso't isipan. Patawarin mo ako sa paghihiganti ko kay Don Simeon, at sa paggamit ko sa anak natin.

Joselyn: Oo, pinapatawad na kita. Salamat, Samuel, at iniligtas mo pa rin ang anak mo sa huling sandali.

At kasunod na nagising bigla si Aling Joselyn...

Nakatulog siya habang nakaupo sa tabi ni Jumary na naka-confine sa loob ng isang room sa hospital.

Teddy: Tita, okay lang po ba kayo?       -tanong nito habang nakaupo sa may bangko.

Joselyn: Napaniginipan ko si Samuel. Humihingi siya ng tawad sa akin.

Teddy: Kahit sa huling sandali, tita, iniligtas niya ang kanyang sariling anak. Biruin mong hindi tumagos ang bala sa loob ng ulo ni Jumary. Isa talagang himala kung paano napigil iyon ng isang taong kaluluwa.

Napatitig naman si Aling Joselyn sa anak at nakaramdam ng matinding kirot, dahil sa ginawang pagbabaril sa anak. Napansin iyon ni Teddy at hindi itinuloy ang sinasabi.

Teddy: 'Nga palam tita, sorry ulit sa ginawa ko kay Jumary. Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng takot ko at pagkabigla.

Joselyn: Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, Teddy, dahil naiintindihan kita...

Joselyn: Oh siya, bibili lang ako ng makakain natin sa labas at ikaw na muna ang bahala kay Jumary...

Teddy: Sige po, tita...

At lumabas nga ng hospital upang bumili ng makakain...

Samantala, kasalukuyan namang nasa park na katabi ng hospital si Cathy at Joshua...

Joshua: 'Wag ka ng malungkot. Ganyan talaga ang buhay. Minsan, nangyayari sa atin ang bagay na hindi natin inaasahan. Minsan, mawawala ang taong mahalaga sa atin, dahil hanggang doon lang ang buhay nila...

Cathy: Hindi mo maiaalis sa akin, Joshua, na hindi magdalamhati. 'Pagka't siya lamang ang natitira sa buhay ko. Mahal ko si Kuya, at labis ang pagmamalasakit niya sa akin.

Joshua: May galit ka pa ba kay Ate at kay Jumary?

Cathy: Hindi, naiintindihan ko kayo. Kasalanan rin naman ni Kuya, eh, inunahan niya si Jumary. Nagbalak siya ng masama.

Joshua: 'Di bale, kahit wala na ang kuya mo, nandito naman ako, aalagaan kita...    -at lumingon sa kanya si Cathy, habang nakaupo ang dalawa sa may upuan. Niyakap naman ito ni Joshua upang tuluyang mapatahan.

Samantala, nakabalik ulit si Aling Joselyn sa hospital at nang buksan ang silid ni Jumary ay wala siya roon. Natakot siya kung nasaan ang anak at sakto namang pagdating ni Teddy.

Joselyn: Nasaan si Jumary, Teddy?

Teddy: Ewan ko po, tita, kanina ay nandiyan lang, at nag-CR lang ako ng sandali.

Kaagad tinawagan ng dalawa ang mga doctor at mga nurse, at dumating naman si Joshua at Cathy sa kanila.

Kasunod na nag-ring ang phone ni Joshua.

Joshua: Oh, Mico, bakit?

Mico: Game over. Hanga ako sa inyo. Sa lahat ng pagsubok na dumaan kay Jumary ay nanatili kayong buhay lahat. Wala man lang namatay sa inyo!

Joshua: Ah! Ano'ng pinagsasabi mo?           -habang katabi nito ang iba pang tatlo.

Mico: Nandito ako sa rooftop, kasama ni Jumary!        -at pinatay agad ang phone.

Agad namang tinungo ng apat ang kinaroroonan ng dalawa.

At tumambad sa apat si Mico na nakaakbay kay Jumary habang nasa likuran ito at nakatutok sa sintido ni Jumary ang kalibre 45.

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon