CHAPTER 1

599 63 20
                                    


Aaron

Mahigit dalawang linggo na nakaraan pero pilit parin bumabalik sa aking isipan ang naganap sa pag uusap namin ng mga magulang ko.

Aaron, please maawa ka sa Daddy mo ikaw lang talaga makaka solve nang problema niya, nag mamaka awa kami sayo anak". pakikiusap ni Mommy sa akin.

"But Mom, I have a girlfriend and I love her, So please huwag ako, I mean wala na bang ibang paraan para maayos ito?" paniniguradong tanong ko kay Daddy at Mommy.

Pero ang tanging sagot nila sa akin at ang pag iling ng kanilang ulo at yumoko.

"Gaano ba kalaki yang utang niyo na yan at buhay ko ang dapat ang ipambayad?!" tumaas na ang boses ko di ko na mapigilan ang namumuong galit sa sa dibdib ko.

Tumingin si Daddy kay Mommy yung mata nila ay nag uusap kung sino sa kanila ang mag sasabi sa akin.

"Aaron anak, mapatawad mo sana kami pero malaki ang utang namin sa mga Lim." sagot ni Daddy.

"Pu*cha! naman Dad, alam kong malaki pero ang tanong is "HOW MUCH?!" at baka pwede pa ako makahanap ng pera."
napasigaw na ako, dala na rin ng samo't saring emosyon sinuntok ko ang crystal glass ng center table namin at nawasak ko ito sanhi ng magkahalong pwersa at galit na nararamdaman ko, Ganun na din ang pag sabay ng agos ng dugo sa sugatang kamao ko di ko nararamdaman ang hapdi at sakit ng natamo kong sugat, pero ang paninikip ng dibdib sanhi ng galit at sama ng loob na ramdam na ramdam ko.

"Aaron kumalma ka". sabi ni Mommy at dali daling pumunta sa kusina at bumalik din agad at bitbit niya ang first aid kit.

Hinawakan ni Daddy ang kamay ko, pero iniwas ko ito. namumuo na ang luha sa mata ni Daddy.

Namuo ang katahimikan sa ilang minuto at muling nag salita si Daddy.

"Anak, sana mapatawad mo kami pero yan lang talaga ang tanging sulosyon, gusto ng anak na babae ng mga Lim na ikasal ka sa kanya, kapalit nun sa halagang limampung bilyon piso." parang nabingi ako sa laki ng halaga na binangit ni Daddy, Humakbang ako at humarap sa kanya, tinitigan ko ng masakit at naka kuyum na ang palad ko na handa nang suntukin siya, pero di ko ginawa tinulak ko siya ng bahagya at tinungo ang Bar counter, kinuha ko ang baso ng whiskey at nilagyan ng JACK DANIELS na kalahati at tinunga, tumagay ako ulit at ininum at inulit ko pa.

Napasigaw ko sabay bato ng whiskey glass at bote ng alak sa ding ding.
Nangatog ang tuhod ko sa galit ko at nahihilo ako, napa upo nalang ako, parang binuhusan ako ng tubig na nag yeyelo, saan ako kukuha ng limampung bilyon na pera? paano ako? paano kami ni Alexie? Di ko kaya na mawalay kay Alexie.

"Aaron, maawa ka sa Daddy mo, after ng ilang buwan ng kasal mo pwede mo naman siyang iwan o di kaya idivorce mo." suhestiyon ni Mommy.

"Please Mom stop it!!, problema na nga ang inaayos natin, pandagdag problema pa ang sasabihin mo, eh paano kung di pumayag sa divorce ko yung anak ng mga Lim?, paano kung di siya pumayag na mag hiwalay kami?" tanong ko ulit kay Mommy pero napa upo nalang siya sa tabi ni Daddy at di umimik.

Maya maya'y may kinuha na isa puting sobre si Mommy sa bag niya at dahan dahan niyang inabot sa akin, kinuha ko ito at binuksan, kinuha ang naka tiklop na mga puting papel sa loob neto, unti-unti kong binuksan pero nagdadalawang isip ako kasi alam ko may koneksyon ito sa problema.

Ang unang pahina ang inuna ko'ng binasa.

Lalo ako kinabahan at unti unti kong nararamdaman ang pamumuo ng pawis sa noo ko kahit malakas na ang aircon.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon