Chapter 13

118 23 6
                                    

Aaron

Nagkakape ako dito sa balcony, natatanaw ko si Alexie sa pool area na naka upo habang ang paa ay nasa tubig, malalim ang kanyang iniisip, at lalo siyang gumaganda ngayon, lagpas 4 months na syang buntis at matindi kung mag lihi, kawawa nga ang driver sa kanya, kinausap ko ang driver na bilhin kung ano ang pinabibili ni Alexie sa kanya at hindi parin alam ng mga magulang niya na buntis siya, hindi na siya masyadong ng susuot ng fit na damit, minsan nag uusap kami pero hindi rin nag tatagal, kamustahan lang, busy na rin siya sa opisina, kami ni Lynsey wala, walang nangyare or what, hindi nga kami magkatabi sa pagtulog at sa harap lang ng magulang niya kami sweet, pero pag kami lang, wala akong paki alam sa kanya.

Napag usapan namin ni Alexie na okay lang ang ganitong sitwasyon namin  atleast nakikita ko sila ng anak naming, kaysa titira pa siya sa ibang bahay.

Ayaw niya pa'ng sabihin sa mga magulang niya na buntis siya, at hindi pa daw sa ngayon ang tamang panahon kaya nirerespeto ko din ang desisyon niya.

"Sweetheart anong ginagawa mo diyan?" biglang sulpot ni Lynsey sa tabi ko at yakap sa aking likuran.

"Ano sa tingin mo? Bulag kaba para hindi mo nakikita?, at please don't hug me." sagot ko sa kanya sabay alis ng kamay na naka pulupot sa baywang ko.

"Sweetheart naman, 4 months na tayong kasal pero ang huling kiss mo sakin sa lips noong kasal pa natin." sabay yakap ulit sa akin at nakikita ito ni Alexie .

"Pasalamat ka nga at hinalikan pa kita eh!" pagtataray ko sa kanya at umalis sa kinakatayuan ko.

"Alexie, sis bakit nasa labas ka pa gabi na ah?" sigaw nito, habang lumalapit nanaman sa akin.

"Wala nag papahangin lang puro kasi polluted na hangin ang nalalanghap ko ngayon eh."  sagot ni Alexie sa kanya.

"Ganun ba, sige mauna na kami ni Aaron ha, nag aaya na kasing matulog eh, gagawa siguro nang pamangkin mo." 

"Sige goodluck, sana makabuo na kayo." pilosopong sagot ni Alexie halatang bad trip siya.

"Ewan ko ba kung bakit ang tagal kong mabuntis, eh halos araw araw naman kami gumagawa, ni Aaron, sweetheart?"

"Baka hindi kayo compatible." sagot ulit ni Alexie na naka ngisi pero nakaka insulto.

Natawa ako sa sagot ni Alexie, at hinila na ako ni Lynsey sa loob.

"Ano ba pinag sasabi mo kay Alexie, nag sisinungaling ka." nakakairitang tanong ko sa kanya.

"Eh ano naman ngayon kung nagsisinungaling ako." sagot niya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa labi.

Tinulak ko siya at pumasok sa kwarto sabay sinira ang pintuan.

ALEXIE

May tumawag sa akin kaninang umaga, si Hannah ang dating sekretarya ni Lynsey, gusto niyang makipag kita sa akin bukas at may importante daw siyang sasabihin sa akin.

Si Aaron ayun sa balcony, pumayat siya, siguro nahirapan siya makisama kay Lynsey, tinitignan niya lang ako kanina pa. 

Namimiss ko na ang daddy mo nak, magkalapit nga tayong  tatlo pero parang may malaking wall na pagitan sa natin.

Biglang sumulpot si Lynsey sa tabi ni Aaron at hinaharot, pero si Aaron naman ay todo iwas pa, minsan sweet naman sila sa harap ng magulang namin.

"Alexie, sis bakit nasa labas ka pa gabi na a?" sigaw nito (natural nakakasawa mukha mo sa loob paano ba naman kahit saang sulok ng bahay makikita mo mukha niya)

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon