Chapter 6

174 37 6
                                    


Lynsey

Ganito pala kahirap manglimos ng pag-ibig, Oo sabihin na natin magiging akin na nga si Aaron pero ang lamig niya naman sa akin,pinaparamdam niya na wala akong halaga sa kanya, na papakasalan niya lang ako para sa mga magulang niya, pero di ako titigil, hinding-hindi ako susuko, ngayon pa ba?, na akin na siya ngayon susuko pa ako?NO WAY!kaya kong ihulog yan sa mga kamay ko, kailangan lang na ma in-love din siya sa akin,kaya ko na mahulog siya sa bitag ko. Oo ngayon tiis muna ako pero di mag tatagal matutunan niya rin akong mahalin matatangap niya rin ako bilang asawa niya.magiging masaya rin kami bilang isang pamilya.

Pabalik na kami sa hotel pero tahimik lang siya, na galit sa pag change ko ng venue ng lunch namin. Di rin masyadong kumain, di bale na ngayon lang ito.

"Gusto mo mag tour muna tayo dito sa Taiwan bago ka babalik sa hotel?tanong ko sa kanya habang nag mamabeho ng sasakyan.

No, gusto ko na mag pahinga, at ang sa schedule ang susundin natin." saad niya sa akin.

"Okay." tanging sagot ko.

Hindi nag tagal dumating na kami sa hotel pero sa loob ng sasakyan walang imik si Aaron, hindi man lang nagtatanong kung ano ang plano sa kasal namin, gusto ko may partisipasyon din sana siya kasi araw namin pareho yun.

"Sayo na tong sasakyan para may sasakyan ka, tinawagan ko na ang driver na sunduin ako dito sa hotel." pag-aalok ko sa kanya, dahil dito na kami sa hotel.

"Di ko kailagan ang sasakyan, ang kailangan ko peace of mind, ipasundo mo ako sa driver mo kung may lakad, mauna na ako bye." paalam niya sa akin at sabay baba ng kotse iniwan niya nalang ako basta-basta.

Alexie

Tagal naman mag online ni daddy baby, sabay himas ng tyan ko, na mimiss mo na rin ba siya,? ako kasi miss na miss ko na talaga siya baby sabay tingin sa cellphone at laptop pero wala paring tawag o text kaya pumunta ako sa kusina at kumuha ng juice.

Maya-maya ay tumunog na ang laptop, at dali-dali akong tumakbo papuntang sala.

"Alexie, dahan-dahan lang madulas ka!" sigaw ni nanay Rosa sa akin.

"Okay lang po ako nay." sagot ko sa kanya at sinagot na ang laptop na kanina pa tumutunog.

"Hi daddy!" bati ko kay Aaron na sa kabilang linya.

"Hey, kamusta ang mag-ina ko,? na miss ko kayo, pakiss nga hon pampatanggal pagod." saad nito pero naka nguso na siya na makikita mo sa screen.

"mwaahh..mwaahhh..mwaahh..musta ang lakad good boy ba?" pabiro na tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman honey, medyo stress lang kasi ang ingay niya kung ano-ano ang sinasabi wala namang kwenta." pag rereklamo ni Aaron na akala mo bata na ayaw ng maingay.

"Ganun ba, hon, tumawag pala si mommy pinapauwi niya muna ako sa Tagaytay kasi may importante daw na sasabihin." pag papaalam ko sa kanya.

"Kelan mo naman balak umuwi?" tanong niya sa akin habang inaayos ang damit niya.

"Bukas sana ng umaga para makabalik ako ng hapon dito." sagot ko sa kanya habang iniinum ang juice.

"Okay, bukas ang schedule ko sasamahan si Lynsey sa golf ng hapon, ang umaga time ko sayo okay?mag skype tayo habang nasa daan ka." bilin niya sa akin.

"Paano ako mag skype, eh mag mamaneho ako ng kotse." sagot ko sa kanya.

"At sino naman may sabi sayo na pinapayagan kita mag maneho?tatawagan ko si tatay Nelson na ipag maneho ka." mataray na sagot niya sa akin.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon