CHAPTER 11

123 26 1
                                    

AARON

Sinulit namin ni Alexie ang natitirang oras namin na magkasama ngayo'ng araw, nag snorkling kami, at parehas kami mahilig sa beach. Pauwi na kami at tahimik lang siya sa sasakyan, sa bintana lang nakatingin, malayo ang iniisip sabay nilalaro ang pendant ng kwentas niya.

“Hon, are you okay?” tanong ko sa kanya sabay hawak ng kamay niya at hinalikan.

“Yeah” yan lang ang tanging sagot niya at ngumiti ng pilit.

Biglang tumunog yung cellphone niya.

Kinuha niya sa bag pero hindi niya nasagot, missed call lang siguro..

“Sino yan hon?” tanong ko sa kanya.

Ewan ko, matagal nang nag mimiss call to kahit noong sa pinas pa ako.” sagot niya sa akin.

“HHayaan mo nalang, huwag mo'ng pansinin”. sagot ko sa kanya at hinalikan ang kamay niya.

“kay, hon naalala mo ba yung sinabi ko sayo dati na, ang scorpio na lalaki hindi compatible sa pisces na babae at hindi sila mag kakatuluyan.” tanong niya sa akin.

“shhhh…  nevermind our zodiac signs okay?, I will prove to you na mali yun promise, okay?” at nginitian siya ng matamis.

Hindi nagtagal nakarating na din kami sa hotel na tinutuluyan niya.

Hinatid ko siya sa kwarto niya, alam ko na pagod na siya, at malungkot di umiimik sa sasakyan.

“Hon, can I stay longger?” tanong ko sa kanya at niyakap sa likod.

“Sure hon, kung pupwede nga lang eh na hindi kana umalis, dito ka nalang sa tabi ko." humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang pisngi ko at ni nose to nose ako sabay dampi ng halik sa labi.

“mag bihis kana, bilis may kuwento ako sayo." utos ko sa kanya sabay kinuha ang towel at binigay sa kanya.

“okay hon wait, ano ba yang kwento mo?” tanong niya sa akin na paramg interesado.

“ basat mahaba siya, mahaba pa sa story ng Harry Potter, siguro aabutin tayo buwan ng panganganak mo at matatapos.” sagot ko sa kanya na

Maya maya ay lumabas na siya galing bathroom, at ako naman naka upo sa couch tinitignan ang pregnancy planner niya.

“Humiga kana hon at gabi na, para maka pag pahinga ka at mahaba na din ang byahe natin, sigurado pagod kana." 

Humiga na siya sa kama at sumunod ako sa kanya.

“Hon, alam mo ba noon may isang lalaki na di na niniwala sa love, kasi takot siyang masaktan ulit, takot siyang mag-isa, pero hindi nag tagal ang lalaki ay nakakilala ang isang babae, babaeng alam niya sa unang kita niya palang  siya na ang nag iisang babae na mamahalin niya habang buhay, siya na ang other half ng buhay niya, simula noong nakilala ng lalaki si babae iba na ang ikot ng mundo ng lalaki, binasag ni babae ang wall na binuild ng lalaki sa sarili niya, at unti unting lumabas sa shell niya ang lalaki na para siyang METAMORPHOSIS, a life cycle of a butter fly, simula sa itlog hanggang naka labas sa cocoon. Minahal ng babae si lalaki na walang kapalit, na walang hangganan kahit anong unos sa buhay ng lalaki anjan si babae na sakanya ay naka supporta, anjan ang kamay niya na gumagabay at sumusuporta sa lalaki, mahal na mahal ng babae si lalaki hindi na niya iniisip ang sarili niya, ang mahalaga sa kanya ung kapakanan ng iba, kahit alam niya na nasasaktan na siya basta mapasaya lang ang iba at anjan na hulog ang loob ng lalaki sa kanya dahil sa taglay niyang ugali, mahal na mahal siya nang lalaki di niya kayang mawala si babae, ngayon may isang bagyo nanaman na dumating sa relasyon nila bagyo na alam nilang magbabago sa buhay nilang nakasanayan, pilit na nag papakatatag si babae kahit nakikita na sya nang lalaki na nasasaktan pero hindi niya pinapahalata at hindi niya iniinda ang sakit na nararamdaman. (hindi ko na napigilan ang luha ko unti unti nang pumapatak) pero alam mo hon kahit may bagyo sila ngayon na pinagdadaan pareho silang matatag alam nila na malalampasan nila ito at alam nila kakayanin nila lahat lalo na ngayon at may maging bago silang inspirasyon… hon, alam mo ba kung sino yung babae at lalaki? ikaw, Alexie Anne at sympre si Aaron na mahal na mahal si Alexie, hon isang pabor lang hihingin ko hon, magtiwala lang ha.pinapangako ko sayo babalik ako babalikan ko kayo ng anak natin." Hindi ko na napigilan umiyak na ako.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon