Chapter 18

253 24 17
                                    


LYNSEY

Buti pa si Alexie mag pa baby shower na, hindi kasal, walang asawa, ni hindi pa pinapapakilala ang boyfriend niya, at ayun buntis na, pero ako ito nanglilimos at nag mamaka awa sa pag mamahal ni Aaron. Minsan gusto ko nang sumuko pero mababalewala ang lahat ng pinlano ko noon, ngayon pa ba ako susuko na andito na si Aaron sa tabi ko, matutunan niya na rin akong mahalin balang araw at hindi man ngayon pero sa susunod na mga araw sisiguraduhin kong mahal niya na ako.

Heto ako ngayon, nag aayos ng sarili para sa baby shower ni Alexie, excited na rin ako'ng makita ang boyfriend niya, pero itong asawa ko hindi pa naka bihis, ayaw ata sumama, ewan ko dito simula pa kahapon mainitin na ang ulo niya.
Laging malalim ang iniisip, hindi ko nga alam ano gagawin ko dito.

“Hindi ka ba pupunta sa baby shower ni Alexie?” tanong ko sa kanya pero hindi ako inimik, hindi ata ako narinig, ang layo nanaman ng iniisip nito, tumayo ako at umakbay sa balikat niya sabay kandong.

“Sweetheart may problema ba?” tanong ko ulit sa kanya.

“Ano kaba Lynsey, please kung may problema man ako hindi mo ako matutulungan, maliban lang kung mag hiwalay na tayo.” biglang sigaw niya sa'kin at tinulak ako at tumayo siya.

“Sweetheart kumalma ka muna please? Yung akin lang sana makumpleto tayong pamilya na sumusuporta kay Alexie sa pag bubuntis niya. Alahanin naman natin na nag iisa lang siya at buntis pa, kailangan niya rin maramdaman na mahal natin siya.” Saad ko da kanya at bumalik na ulit ako sa harap ng salamin at nag ayos, nag make up.

Walang sagot si Aaron kundi kinuha ang tuwalya at  pumasok nalang nang bathroom sinara niya  ng malakas ang pinto.
Napailing nalang ako ng ulo  at piang patuloy ang pag aayos sa sarili.

ALEXIE

6 p.m na, dito na kami ngayon sa venue ng baby shower ko, inaayos namin ang balloons at iba pang center pieces.

“Alexie, kami na dito mapapagod ka niyan, save your energy later.”  batid ni Hannah at inagaw ang hawak-hawak ko na  lobo.

“Hannah, sa totoo lang di ako mapakali pag naka upo ako, kaya ko 'to okay.”  sagot ko sa kanya habang inayos pa ang natitirang lobo.

“Okay Alexie, pero ready ka na ba mamaya?”  paniguradong tanong ni Hannah sa akin at halatang nag aalala ang mukha at tono ng boses neto.

“Oo Hannah, handa na ko simula palang sa ito sa  pag ayos ng problema natin hinanda ko na sarili ko, hindi lang 'to para sa amin  ni Aaron pati na rin sa anak namin.” kampante na sagot ko said kanya at tinago ang kaba na nararamdaman.

“Alexie, may awa ang Dios sa mga taong  inaapi tandaan mo yan, hindi sa lahat ng bagay mananaig ang kasamaan, at higit sa lahat, hindi nanalo ang kasamaan sa kabutihan, tandaan mo yan.
--dito lang kami.
--by the way, sinend ko sa email mo lahat ng presentation mamaya.
At dito din sa tatlong USB naka save lahat ng presentation.” sabay about ni Hannah ng mga USB at ngumiti sa akin.

“Ba't tatlo talaga ang USB mo?” tanong ko sa kanya at pilit pinigilan ang tawa.

“Alexie mas mabuti nang sigurado kaysa naman ma palya ang pasabog mo, malayo layo na rin ang tinahak natin at ang pagod natin diyan di basta basta, plus ang kamias na ilang kilo na inubos mo sa coffee shop para matapos lang ito.” komportableng sagot ni Hannah sa akin at tumawa ng malakas.

“Loka-loka ka, pati kamias dinamay mo pa, haha, okay let's do this.” huninga ako ng malalim at ngumiti para maibsan lang kahit konti ang kaba ko.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon