Chapter 19

280 25 3
                                    

ALEXIE

Ang ingay na nila sa loob ng hall, nahihilo na  ako sa dami na nangyare ngayon gabi kaya na isip ko na umalis muna sa hall nag hanap ako ng isang lugar na tahimik at makakarelax ako kahit saglit.

Naiwan na sila sa hall, hindi  nag vibrate ang cellphone ko

Aaron calling….

Hay naku bahala ka, madali lang ako hanapin kung gusto mo ako makita Aaron, umupo ako sa upuan parang sa balcony ako ng 18th floor ng hotel makikita mo ang lawak ng buong city ng Taiwan dito ang mga ilaw na makukulay mula sa ibang gusali at ang busy na daanan, ewan ko kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.

Naka ilang missed call na siya pero hindi ko parin sinasagot bahala siya.

Ungggoyyy calling..

Hay naku Aaron, bahala ka sa buhay mo. tanging na bangit ko at umupo ng maayos sa sofa.

“Pagkatapos mo akong surpresahin ng ganun bahala parin ako sa buhay ko.” sagot ng sulpot ng isang boses sa likuran ko, at alam ko na si Aaron dahil sa pabango niya palang ay na aamoy ko na.

--Kilala kita Alexie Anne, hindi mo gusto ang maingay kaya lagi kang nag hahanap ng isang lugar kung saan ka makakarelax at magkaroon ng peace of mind. tumabi siya sa akin.
--Ano ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin inakbayan ako.

“Counting those cars in the road..” sarkarstikong sagot ko sa kanya sabay turo ng mga sasakyan na tumatakbo sa daanan.

“I missed you!” he said and he leaned his head in my shoulders, na parang pusa na naglalambing.

Bigla kong na alala na nakalimutan niya ang anniversary namin.

“Huwag mo akong akbayan diyan at may kasalanan ka sa akin.” sabi ko sa kanya sabay usog ng kaunti.

“Huh? Anong kasalanan, eh ikaw nga 'tong nakiki pagkaibigan sa lalaki eh.” mataray na sagot niya sa akin.

“Hah? Ano naman ngayon kung nakipagkaibigan ako sa lalaki, wala naman akong ginagawang masama, eh ikaw wala ba?” pabalik ko ng tanong sa kanya.

“Aaa ganun, eh may pasuntok suntok ka pa sa braso niya, tapos pa tawa tawa pa kayong dalawa.” naka simangot na sabi niya sa akin at ang kilay nito ay magkadugtong na sa selos.

“Si Ken? We are good friends at remember siya tumulong sa atin, bakit nag seselos ka kay Ken?” pagpapaliwanag ko.

“At bakit ako mag seselos doon, ni wala nga yun sa kalingkingan ko.” pag mamalaki niya sabay pa cute.

“Sus pero umuusok ang ilong, mamatay ka man? Hindi ka nag seselos?” pambwebwesit ko sa kanya.

“Hindi.” nakasimangot na sagot niya sakin.

“Tamaan ka man ng kidlat?” naka ngisi na sagot ko ulit sa kanya.

“Paano naman kikidlat eh di nga uulan at maalinsangan ang panahon ngayon paano uulan?” pilosopong sagot niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

“Hon, alam mo ba'ng na miss kita, kaya please huwag ka munang atakihin ng topak mo.” saad niya sa akin at lalaong humigpit ang pagkayakap niya sa akin.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon