Chapter 5

196 43 11
                                    

LYNSEY

I can't wait to see Aaron, so I decided na pupuntahan ko siya sa kwarto niya, kanina kasi nung pag tawag ko sa kanya wala siyang kagana gana na kausapin ako. At di nag tagal lumabas siya.

"Hi! Sweetheart! ba't ganyan suot mo? diba sabi ko formal?" sabay halik pero umiwas siya iniwas niya ang mukha niya.

"Alam ko, eh dito ako komportable." tanging sagot niya sa akin at pormal ang mukha niya.

"No, mag bihis ka!" sabay hila pabalik sa kwarto niya.

"No!, ayaw ko, kung ayaw mo ng ganito ang damit ko di na tayo mag lunch, tapos ang usapan." sabi niya sa akin pasigaw.

"Okay fine, ayaw mo mag bihis hindi na kita pipilitin pa." kumapit ako sa braso niya, pero hinawi niya ang kamay ko.

"Mainit huwag mo akong hawakan, diretso na tayo kung saan tayo kakain, para mapagusapan na ang dapat pag usapan." tinignan ako ng matalim na parang tigre na sa ano mang oras ay kakagatin ako.

Pumasok kami sa elevator, tahimik lang siya, at halata na wala sa mood, pero okay lang naninibago lang siguro sa akin.

"Nagpalit ako ng venue, napansin ko kasi kanina na maganda ang panahon, kaya gusto ko sa yacht tayo kumain." pag babasag ko nang katahimikan.

"Nextime kung ano ang nasa schedule yun ang sundin, or please inform me two hours before kung may changes sa schedule." sagot niya sa akin at tumingin sa cellphone parang may hinihintay na text.

"Okay, can you drove my car?" sabay abot ang susi ng ferrari na new edition.

"Okay." kinuha ang susi sa kamay ko

Di nag tagal dumating na kami sa L.L.L yacth club na pagmamay ari ng pamilya namin.

"Tara doon tayo sa bagong yacth ko, kakadating lang niyan galing Europe." pagmamalaki ko sa kanya.

Sumusunod lang siya sa akin, walang imik simula kanina sa sasakyan.

Aaron

Ano ba tong hipon na loka loka, di nag sasawa sa kakadaldal, nakakarindi sa tenga, naiwanan ko pa yung headset ko sa hotel, nakakairita ang bunganga sarap lagyan ng packing tape, kung ano ano ang pinag mamalaki, kahit gaano pa kalaki yang properties nyo, or kahit si Bill Gates kana ka yaman, pakialam ko, ang importante sa akin ngayon ay hindi makukulong ang mga magulang ko at makasama ko na ang mag-ina ko.

Dito na kami sa Yacht club, ang ganda nga naman talaga at exclusive lang to sa mayayaman. L.L.L yacht club (stands for LOKA LOKA NA LANGKA)

"Sweetheart halika maganda doon sa deck, doon tayo." sabay hila sa akin.

Sumunod nalang ako, di na ko umimik pa o nag salita nangungulila na ako kay Alexie miss ko na siya.

"Sweetheart mag picture tayo."pag aaya niya sa akin pero di na ako kumibo yinakap niya ako at pinindot ang capture button ng camera niya.

"Maam Sir, excuse me,your lunch is ready."isang boses ng lalaki ang biglang dumistorbo sa ginagawa ni Lynsey at mabuti naman at tumigil di siya.

"Let's go sweetheart." sabay pulupot niya ng kamay niya sa baywang ko pero tinangal ko.

Pumasok kami sa private room ng yacht niya, may isang round table sa gitna at dalawang upuan, halata talaga na pinag handaan niya ang lunch namin.

"Sweetheart, I already searched your favorite food, so I told my own chef to cook these for you." pagmamalaki niya sa akin na parang alam niya lahat tungkol sa akin, at kinuha niya ang takip na stainless na nakatakip sa pinggan na may pagkain.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon