PROLOGUE

641 48 7
                                    

AARON


Flashback

2 years before...

Naalala ko noon, yung bago paang kami mag kakilala, parang aso't pusa na hindi magka sundo sa lahat ng oras, away dito away doon, iisa lang kasi ang pinag tatrabahuan namin,pero itinakda ata kami ni bathala para mag sama, pinag sama kami sa isang proyekto, na di kami magkasundo sa mga plano namin,  simula sa papel na gagamitin para sa disenyo ng proyekto namin, hanggang sa oras na nahuhulog na ang loob ko sa kanya na di ko alam kung anong meron sa kanya, basta minahal ko nalang siya bigla.

Yung unang araw na nahulog ang loob ko sa kanya, yung may charity event kami, tumugtog ako ng piano at kakanta ng LOVE IS AN OPEN DOOR NG FROZEN para sa mga bata.

Habang dinadamdam ko ang emosyon ng bawat salita sa kanta, at ng kakantahin ko na ang chorus..pero

Biglang bumukas ang pintuan, at ang mga bata na nakikikanta sa akin, at iba pang tao na nasa loob ng gym ay natigil sa pag kanta, pero ako itinuloy ko parin.

At pumasok ang babaeng may dala dalang bouquet ng bulaklak.

Napukaw ang atensyon ko, ang ganda niya ng araw na yun, parang may isang angel na bumaba sa langit, iba ang karisma, ang sex appeal, lalong tumingkad ang ganda niya na tumama ang sinag ng araw sa maamo niyang mukha, pinag patuloy ko ang pag kanta at lalo kong nilakasan ang boses ko, para akong na re-charge sa sandaling iyon.

And it's nothing like I've ever known before!
Love is an open door!
Love is an open door!
Love is an open door!

With you!
With you!
With you!
With you!

Love is an open door...

At hindi lang yan ang eksena na maganap..

Patapos na ang programa at mag bibigayan ng mga tokens at bulaklak para sa guest speaker, si Alexie ang naka takda para mag bigay ng bulaklak, at ako, naka tayo sa gilid ng entablado.

Paakyat na siya sa entablado sa di inaasahang pangyayare, na patid siya sa isang kable ng micropono, dahil ako ang nasa gilid ng entablado ay ako ang naka salo sa kanya, natumba kaming dalawa na naka patong siya sa akin, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya, pero pareho kaming nagulat kasi pati ang labi namin magkadikit, ramdam ng labi ko ang malambot, at matamis niyang labi, at doon na nangyari ang first kiss namin.

Grabe hindi ako pinatulog ng ilang buwan, hanggang sa na pag tanto ko sa sarili ko na may nararamdaman na ako sa kanya, noong una tinago ko, at pinigilan ko ang sarili ko, pero natalo ang isip ko at na naig ang puso ko, unti-unti ko'ng pinaramdam sa kanya ang tinatago kong pagtingin.

Matagal tagal din ang panliligaw ko sakanya, walong buwan lang naman.

Isang gabi niyaya ko siya mag jogging, naka ilang pangumbinsi na ako sa kanya pero sa gabi na yun sumama na siya.

Tapos na kami mag jogging, umupo kami sa damuhan at ng uusap tungkol sa trabaho, at kung ano ano nalang.

Pero sympre siningit ko parin ang intensyon ko sa kanya na sagutin niya na ako.

"Alexie kailan mo ba ako sasagutin?" Tanong ko sa kanya.

"Aaron hindi ko pa alam kung kailan, bakit na papagod kana?" Sagot niyang may pagtataray sakin.

"Kahit kailan di ako mapapagod sayo, dadalhin pa kita sa altar at papakasalan akala mo lang" Sabi ko sa kanya.

"Ah ganun gusto mo talagang sagutin na kita?” Tanong niya ulit sa akin.

Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya.

"Okay nakikita mo naman siguro yung mga damo, tuyo na diba kulang ata sa dilig." Sabay turo sa damo na kinakaupuan namin.

"Oo tuyo nga at kulang sa dilig, wag mong sabihin na padidiligan mo sa akin?" Sagot ko sa kanya.

"Ang talino mo talaga kahit kailan, anak ka ba ni EINSTEIN?" Sagot niya.

"Papahirapan mo talaga ako eh noh"? Sabay pingot ko ng ilong niya.

"Eh nag tanong kapa" Sabay tayo niya.

"Pero biglang bumuhos ang tubig galing sa sprinklers, at dinidiligan nito ang mga damo..."

"Kakampi mo ata ngayon si BRO" Sabay turo ng langit..

"Pano ba yan Alexie, kasi nadidiligan na ang damo." Unti unti akong lumalapit sa kanya.

"Eh diba sabi ko ikaw mismo ang gagawa." Sagot niya sa akin.

"ALEXIE ANNE ang importante na diligan, so pano tayo na?” Naka sandal na siya sa isang malaking puno kakaatras niya.

"Ewan ko sayo" Tumakbo siya pero bigla siyang nadapa sa daan, dali dali ko siyang pinuntahan.

Nagasgas ang tuhod niya..

"Aaroon kinarma na ata ako"
--Hindi sa pilit pero, Oo mahal na din kita at ayaw ko na mawala ka sa buhay ko, kahit GaG* ka lagi pero mahal na talaga kita.." Sambit niya sabay nakaw ng halik sa labi ko at tumakbo.

Lalong lumakas ang pag buhos ng sprinkler sa amin at lalo kaming nabasa, wala na kaming pakialam kung basa man kami o hindi basta nag hahabulan kaming dalawa at nahuli ko siya.

"GOTCHA" Sigaw ko sa kanya habang pinupulupot ko ang kamay ko sa baywang niya, pinaikot ko siya at pinaharap sa akin..

Makikita mo'ng basang basa na ang mukha niya dahil sa tubig.

"I LOVE YOU MORE THAN MY LIFE ALEXIE ANNE" Sabay hinalikan sa labi...




GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon