Chapter 16

124 23 8
                                    


AARON

Gabi na wala pa si Alexie, tumawag din ako sa opisina niya kanina wala din siya, buong mag hapon siyang wala at hindi ko alam kung ano ang pinag gagawa ng babaeng yan, nagsawa na nga talaga siguro sa kakahintay sa akin, hindi niya na siguro ako mahal.

Hindi ako nakakatulog tuwing iniisip ko ang sitwasyon namin ngayon.
Kakain na kami ng dinner pero wala pa siya, andito na kaming lahat panay tingin ko sa pintuan at cellphone ko, nag aabang ako ng text niya o tawag man lang pero wala akong napala.

Maya maya'y bumukas ang main door at pumasok siya parang pagod ang mukha niya at haggard masyado, nag kakaeye bags na rin siya, kawawa naman 'tong fiancée ko. tanging sabi ko sa isip ko.

Hindi rin nag tatagal ang pag uusap nila at pumasok na siya sa kwarto niya.
Tapos na kami kumain, dito ako sa pool area ng biglang ng vibrate ang cellphone ko sa bulsa, at nagtext si Alexie.

"Be ready anytime." napa isip ako sa tinext niya, anong ibig sabihin ng BE READY ANYTIME NITO.

"What do you mean?" reply ko sa kanya.

"Basta be ready." sagot neto.

Humiga na ako aa kama habang iniisip kung anong ibig sabihin ni Alexie.

ALEXIE

Napagod ako sa kakaasikaso ng problema namin..
Matutulog na sana ako at biglang may nagtext sa cellphone ko, si Doc. Ken...

"Alexie my friend, don't think too much, tomorrow all your worries will be gone, all your questions will be answered, so sleep well okay?" sweet talaga ni Ken.

"Thanks Ken, hope that things will be fine tomorrow! Thank you again... goodnight" reply ko sa kanya at pinatong ang cellphone sa bed side table ko.

Matutulog na ako at maaga ako bukas gigising, pupunta sa clinic.

Naka ilang ikot na ako sa kama ko, ilang relaxing song na din natapos ko pero walang epekto.
Bakit ganun hindi ako makatulog... lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng fresh milk... pero biglang sumulpot si Aaron at niyakap niya ako sa likod.

"Nasisiraan ka ba ng ulo? tanong ko sa kanya, habang inaalis ang kamay niya sa baywang ko

-- Mamaya may makakita satin.

"Wala akong pakialam, sobrang miss na kita, mababaliw na ata ako kakaisip sayo." sagot niya sa akin habang nakayakap parin.

"Please Aaron, baka may makakita satin, dadagdag pa yan sa problema natin." pag kukumbinsi ko sa kanya pero hinawi niya ang buhok ko sa likod.

"I dont care..." tanging sagot niya at bigla niyang hinalikan ang leeg ramdam ko na sinisipsip niya ito na unti unti, at tumayu ang balahibo ko sa ginagawa niya.

"Aaron alam mo naman na ayaw ko ng ganyan diba." tinulak ko siya nang bahagya.

"Hon, okay nga pag meron kang ganyan, para wala nang lalapit sayo na ibang lalaki." sagot niya sa akin.

"Ewan ko sayo bahala ka nga diyan." sabay kuha ng baso na may gatas,
pero hindi pa na kontento, pinaharap niya ako at hinalikan sa labi.

"Did you know how much I missed you?" bulong niya sa akin at ramdam ko ang hininga niya sa taenga ko.

"Araw araw naman tayo nagkikita diba." tanong ko sa kanya.

"Yes, pero hindi yung ganito." sagot niya sa akin habang kinukulong niya ako sa dalawang kamay niya.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon