CHAPTER 14

138 27 5
                                    

ALEXIE


Dito na ako sa Coffee shop, hinihintay si Hannah.

“Hi Miss!” bati ng isang babae sa akin, familiar ang mukha niya hindi ko lang alam kung saan ko  siya nakita.

“Hello.” bati ko sa kanya at ngumiti.

“Ms. Alexie right? ako po pala si Hannah.” pakilala niya sa sarili niya

“Nice meeting you Hannah, please have a seat.” pormal na sabi ko sa kanya.

“Ako po ay dating sekretarya ni Ms. Lynsey, kaso lang nag resign na din po ako, hindi ko na po kasi kaya mga pinag gagawa niya.” bunggad niya sa akin.

“What do you mean Hannah?” tanong ko sa kanya na naguguluhan.

“Eto po Ms. Alexie lahat ng dokumento.” sabay abot ng isang envelope, at kinabahan na ako.

Binuksan ko ito at binasa, bumilis ang tibok ng puso ko at para akong binuhusan ko ng malamig na tubig sa nabasa ko, halos humiwalay ang kaluluwa ko.

“Hannah totoo ba ito?” seryosong tanong ko sa kanya.

“Yes miss,  kahit gumawa pa tayo ng isang test kung hindi ka sigurado sa papel na yan.” sagot niya sa akin

“Paano at bakit hindi nalaman ng mag asawang Lim 'to, wala ba silang alam sa sitwasyon na ito?” mausisang tanong ko kay Hannah.

“Hindi po, malaki ang tiwala nila kay Lynsey, at si Lynsey naman simula nung nakita ang litrato ni sir Aaron naging patay na patay na siya dito, lahat ginawa niya para lang mapasakanya si sir Aaron at nag tagumpay nga siya.” seryosong sagot ni Hannah, habang ako ay naguhuluhan pa.

--Willing akong tumulong Ms. Alexie kung ano man ang maging plano mo." saad ni Hannah sabay hawak ng kamay ko.

“Salamat Hannah, Kailangan muna natin silang ipa DNA test ulit para makasigurado tayo, pero bakit anong kinalaman nang mommy ko dito(Mrs. Zamora)?” tanong ko ulit sa kanya.

“Dahil sa pera Ms. Alexie, oo hindi ka totoong anak niya, sa ibang asawa ng daddy mo ikaw na anak, pero hindi din kay Mrs. Lim.
--Mahigit 30% shares ng company ang binigay ni Ms. Lynsey para lang mapapayag ang nanaynanayan mo sa ganung sitwasyon.
--Sa totoo lang Miss. Alexie, tinatawagan na po kita noon pang pinaplano palang nila Lynsey at Mommy mo ito pero hindi ka sumasagot sa tawag ko.” pag bibigay alam ni Hannah sa akin.

“So ikaw pala yung unknown number na tumatawag sa akin kahit sa pinas palang ako? Sorry hindi kasi ako sumasagot pag hindi ko kilala.” pag hihingi ko nang pacensya kay Hannah.

“Oo miss ako nga yun, nakuha ko ang number mo sa cellphone ng mommy mo, nakalimutan niya kasi one time ang cellphone niya sa toilet ng opisina, at kinuha ko na ang opportunity na yun at pinakialaman ko ang cellphone niya at mabuti nalang walang password at nakita ko ang pangalan at number mo sa phone niya.” seryosong sagot ni Hannah sa akin.

“Hannah, kailangan natin mag ingat sa mga galaw natin at sa mga disisyon natin, kailangan lahat ng ilalabas natin ay siguradong tama.” sagot ko sa kanya, na di ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa nalaman ko ngayon.

“Andoon ang nanay ko nag tatrabaho sa mansion Ms. Alexie, makakatulong siya sayo, sabihan mo lang siya kung anong kailangan mo, alam niya na ang sitwasyon ninyo.” pag bibilin ni Hannah sa akin.

“Kailangan natin makuha ang Buhok nilang Apat, si Aaron, Lynsey at ang magasawang Lim.”

“May alam din akong doctor na mapagkakatiwalaan Ms. Alexie.”  sagot ni Hannah sa akin.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon