CHAPTER 12

111 28 2
                                    


AARON

Natapos na din ang ceremonya ng kasal namin ni Lynsey at dito na kami ngayon sa reception area.

Habang kausap ko ang mga bisita namin sa kasal, bigla kong nakita si Alexie kasama ang mommy niya na papasok sa loob ng hall, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pupuntahan ko ba siya para kausapin o itatakbo ko siya dito palabas. Kinausap ko nalang ang iba pang mga bisita habang tininigan si Alexie, nakikita kung nag uusap sila Lynsey, Alexie at ang mommy niya, hindi ko alam kung lalapit ako sa kanila, hindi ko kayang makita si Alexie na nasasaktan, at di ko kaya'ng makita ni Alexie na ikakasal na ako sa iba.

Nakikita ko sa mukha ni Alexie na parang may iba siyang nararamdaman, na may iba siyang kutob, ano kaya magiging reaksyon niya pag nalaman niya na sa kasal ko siya naka punta. Tinititigan ko lang si Alexie sa malayo at bigla siyang pumunta sa toilet, susundan ko sana siya pero bigla akong tinawag ni Lynsey.

“Sweetheart! There you are, kanina pa kita hinahanap, may ipapakilala ako sayo na bagong bussiness partner natin.” sabay hila sa akin sa gitna.

Biglang namatay ang ilaw at pagkalabas ni Alexie sa Toilet tinutok sakanya ang spotlight.

At may isang ugong ng boses na biglang nag salita sa Micropono, boses ng isang lalaki.

“GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMEN I WOULD LIKE TO INTRODUCE TO YOU OUR LONG LOST DAUGHTER ALEXIE ANNE LIM.” matagal ang pag loading ng narinig ko sa isip ko, hindi ko alam ang gagawin ko, biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko hindi ko magalaw ang mga paa ko.

Si Alexie naman ay naguguluhan, hindi niya alam ang gagawin niya.

Inalalayan siya ng tatay ni Lynsey papunta sa intablado, pero wala siya sa kanyang sarili, maraming tanong ang gumuhit sa kanyang mukha, gulong gulo ang utak niya, gusto ko siyang lapitan, yakapin at itakbo palabas.

“LYNSEY AND AARON please come and join us here.” pag aaya ng mommy ni Lynsey sa amin.

Putcha naman oh! si Lynsey pinulupot ang kamay sa braso ko at hinila ako papunta sa intablado.

“Hi sis!! surprised?” Sabay niyakap si Alexie.

Gulat padin ang mukha ni Alexie at tanging pagtango ng ulo niya ang kanyang sagot.

“By the way sis, this is my husband, Aaron Yan, sweetheart my sister, Alexie Anne” pagpapakilala sa amin ni Lynsey, walang reaksyon si Alexie sa mukha parang lutang pa sa nanggyari.

Hindi umiimik si Alexie at bigla nalang itong tumakbo palabas.

Susundan ko na sana si Alexie pero pinigilan ako ni Lynsey, hinawakan niya ang braso ko.

“Nakakahiya sa mga bisita, nasa state of shock pa yun si Alexie sweetheart, hayaan na muna natin siya mapag isa at ng makapag isip.” saad niya sa akin at ngumiti.

“Excuse me, pupunta lang akong washroom” tinangal ko ang pagkahawak ngkamay niya sa braso ko at pumunta sa washroom, kinuha ang ko ang cellphone sa bulsa at dinayal ang number ni Alexie.

Nang riring lang ang cellphone, pero hindi niya sinasagot, “hon, please answer me phone...please, please…” pero di talaga siya sumasagot.

Dinayal ko ulit eto.

"Hello Aaron, nasa tabing dagat ako." seryosong sagot ni Alexie sa akin.

Tumakbo ako palabas ng venue at hinanap si Alexie kung saan.

Nakita ko siyang nakatayo at pinagmamasdan ang dagat.

Nilapitan ko siya, pero yung may distansiya para kung may makakita man sa amin di mag iisip ng kung ano.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon