Chapter 3

265 46 14
                                    

AARON

Gusto ko siyang maging masaya sa ilang oras namin natitirang pagsasama. I want her to be happy always, ayaw ko na isipin niya na porket pinili ko unahin ang problema ko sa pamilya ko over her ay di ko na siya mahal. Ako kasi ung tipong lalaking hindi sweet sa salita pero sa pinapakita at pinaparamdam ko sa kanya.

Ilang oras nalang kaming magsasama pero siya kalmado lang aura ng mukha niya at walang bahid ng kalungkutan sa kanyang mukha, siguro pinapakita niya lang sakin na malakas siya para hindi ako mag alala sa kanya habang wala ako.

"Hon, malalim nanaman ata iniisip mo, huwag ka ngang ganyan papangit ka pag dating mo sa Taiwan mamaya." pagbibiro niya sa akin.

"Mrs. Yan to be, iniisip ko kung paano ko pahihintuin ang bawat ikot ng oras, iniisip ko kung paano ko pahihintuin ang pag ikot ng mundo, yung titigil nalang sa ganito. Yung ikaw lang at ako ang laging magkasama." niyakap ko siya mula sa likuran, dito kami ngayon sa rooftop ng condo niya, one of our favorite spot.

"Ang sweet naman ng honey ko, Hon wala na tayong magagawa diyan, ang tanging paraan ay ayusin natin ang future natin at yung future ng magiging baby natin, basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi para sa inyo ni baby okay?" habang nakatingin siya sa mata ko at niyakap ako.

"Alam ko naman po yan hon e, kaya gagawin ko ang lahat para sa inyong dalawa, kung pwede lang pakasalan ko si Laura ngayon at bukas idivorce ko na." sagot ko sa kanya ng pabiro.

"Loko ka talaga hon, pero seryoso na hon, mahal na mahal kita!" sabay halik at tumingin ulit sa view.

"Tara punta tayo sa kwarto may gagawin tayo." hinila ko na siya para di na maka tangi.

"Ano ba yun hon?" sabay tanong niya sa akin.

"Basta hon, huwag ka ng mag tanong, sumunod ka nalang sakin." liningon ko siya at ningitian.

Pagkarating namin sa loob ng Condo niya agad agad kung kinuha ang MEMORY BOX namin na naka lagay sa loob ng kwarto niya. Doon nakatago lahat ng magagandang pangyayare sa aming buhay.

"Hon ano gagawin mo sa memory box natin?" tanong niya sa akin na kataas pa ang isang kilay.

"Halika hon, doon tayo sa guest room." pag aaya ko sa kanya, at sumunod naman.

"Okay hon." sagot niya habang nakasunod at inaayos ang buhok.

"Hon gagawin natin ngayon ang kwarto ni baby." sabi ko sa kanya na may halong saya.

"Huh? bakit parang pabilis ng pabilis ang pag ka excited mo hon?" tanong niya sa akin naka pamaywang at pagtaas ng kilay.

"Sige na hon please... pagbigyan mo na ako.... please... please." pangungumbinsi ko sa kanya.

"Sige na po hon, wag mo na po akong daanin sa pa cute mo okay? Alam mo naman yan yung weakness ko diba?" at hinalikan ako sa lips.

Binuksan ko ang box, dami na talaga naming picture na dalawa, nakakatuwa. Inisa isa ko ang mga larawan namin.

"Hon, look this oh, ito yung picture natin noong una tayong nag out of town sa boracay tayo remember? Ang cute cute mo dito sa swim suit mo." sabay turo sa litrato.

"Oo nga hon ang saya natin diyan," at tumawa siya.

"Ito hon tignan mo, yung sa mall tayo na nag pose ka tulad ng maniquin, tapos pinagalitan tayo ng sales lady kasi pumatong ka sa flat form ng maniquin, naalala mo yun hon?" Kitang kita ang saya ni Alexie habang tinitignan ang mga pictures namin.

"Hon, diba ito yung picture ng unang bouquet ng flowers na binigay ko sayo? yung akala ko mapapasagot kita sa pa flower yun pala hindi pa pala". at tumawa ako ng malakas.

GIRLFRIEND OR FIANCEE#THINKTA AWARDS#Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon