GAILLE'S POV
"Anak, gising na. Malalate ka na niyan sa unang pasok mo sa unibersidad mo niyan." Pagkarinig ko iyon ay dahan-dahan ko minulat ang dalawang mata ko. Napatingin ako kay Mama na kasalukuyang inaayos ang gagamitin kong uniporme para sa first day ko.
Wait? First day? Oo nga pala ito na yung araw na ipinaghihintay ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil first time ko ulit magkaroon ng mga bagong kaibigan at bagong makikilala. Napabaling naman ang tingin sa akin ni Mama na nakangiti at nilapitan ako.
"Oh anak? Hindi ka pa ba babangon dyan?" nakangiting tanong niya sa akin. Sasagutin ko na sana siya ng bigla niyang piningot ang tenga ko ng pagkalakas-lakas.
"A-Aray naman Mama." Napapangiwi kong sabi sa kaniya. Tatlong segundo lang ay inalis na niya ang pagkakapingot niya sa tenga ko.
"Oh siya, bilisan mo na." lumayo na sa akin si Mama at lumabas na ito sa kwarto ko. Hays! Hindi na talaga ako nagbago kahit kailan. Simula elementary ay ganito na ako. Bumangon na ako at dumiretso na ako agad sa CR para maligo. Pagkaligo ko ay sinuot ko na ang uniporme na ipinatahi pa ni Mama sa kapitbahay namin.
Pagkabihis ko ay agad-agad akong pumunta sa salamin para tingnan ang sarili ko. Hay naku Gaille! Ang ganda ganda mo talaga! Nang mapadako ang mata ko sa orasan ay dali-dali na akong nag-ayos sa mukha at buhok ko.
Nang ready na ako ay dali-dali ako bumaba. Nakita ko naman sina Mama at Papa na kumakain ng almusal. Lumapit agad ako sa kanila para magmano at umupo. Agad naman ako kumuha ng itlog, hotdog at tinapay.
"Oh! Excited ka na ba Gaille?" napatingin ako kay Papa at tuwang-tuwa na tumango ako sa kaniya habang ngumunguya ng hotdog. Tumingin ulit ako sa orasan namin dito at sa pagkakita kong iyon ay nagmamadaling kinain ko ang itlog at natitirang hotdog sa plato ko.
"Oh! Hinay-hinay lang kasi." Nag-aalalang alo sa akin ni Papa. Pinigilan ko naman si Papa at ngumiti sa kaniya. Tumayo na ako agad sa kinauupuan ko at kinuha ko na ang allowance ko na nasa lamesa. Pagkanguya ko ay nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.
Pagkalabas ko ay agad kong inamoy ang simoy ng hangin dito sa subdivision namin. Hay! Grabe, buti talaga at mahilig si Mama sa mga halaman. Dati eh araw-araw ay naiinis ako kung bakit palagi niya sa akin pinapadiligan yung mga halaman ni Mama eh hindi naman ako nag-aalaga eh pero ngayon nalaman ko na ang worth nitong mga halaman.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa university ko. Buti nga at walking distance ang bahay namin sa university na pinapasukan ko pero don't get me wrong hindi kami mayaman katulad ng mga estudyante na nag-aaral doon. Pumasok ako doon bilang scholar dahil nandoon yung course na gusting-gusto ko dati pa ang maging chef.
Alam kong napakalaki ng bayad ng tuition doon. Alam ko rin na mahihirapan sina Mama at Papa na magbayad ng tuition ko dahil taxi driver lang si Papa samantalang si Mama naman ay nasa bahay lang kaya kahit ako lang ang nag-iisa nilang anak ay hindi pa rin sapat yung perang pinagtatrabuhan ni Papa.
Habang naglalakad ay biglang may yumakap sa balikat ko. Natatawang tiningnan ko siya.
"Oh my gosh Gaille! I miss you so much!" nagpapacute na sabi ni Jenny. Si Jenny ay bestfriend ko at nagkakilala kami ng lumipat lang kami dito nina Mama at Papa galing probinsya. Si Jenny ay mayaman, maganda at higit sa lahat ay mabait. Lagi niya akong tinutulungan sa mga financial problem namin na minsan ay nahihiya na ako sa kaniya.
Sabi naman niya na nature na daw niya ang tumulong sa mga tao. Nang matanaw ko na ang gate ng university namin ay dali-dali na kaming naglakad palapit doon para pumasok. Pagkapasok namin ay hindi ko mapigilan na mapanganga dahil sa ganda at laki ng loob nito.
YOU ARE READING
The Art of Painful Reality
Lãng mạnEvery person has at least one secret that would BREAK your heart - Gaille Anne Mendoza Technically, I'm SINGLE. But my heart is taken from SOMEONE I can't have. -Nathan Hernandez I'm gonna smile like nothing's wrong, pretend like everything's all r...