Chapter 9: Meet the Photographer

383 6 0
                                    

ANDREI'S POV

"Ma aalis na ako." Paalam ko habang nagsusuot ng sapatos.

"Oh? Aalis ka na?" tanong sa akin ni Mama habang papalapit ito sa akin. Nang masuot ko na ang dalawang sapatos ko ay tumayo na ako at nakita kong may hawak na bag si Mama. Agad ko naman kinuha sa kaniya iyon dahil alam ko naman na pagkain ko ang nasa loob ng bag.

"Yes Ma. Ipaalam mo na lang ako kay Papa." Pagkasabi ko sa kaniya iyon ay hinalikan ko siya sa pisngi at dali-dali ko naman kinuha ang isa kong bag na ang tanging laman ay mga damit ko.

"Okay anak, ingat ka ah." Ningitian ko si Mama at lumapit na ako sa aming pinto para lumabas. Pagkalabas ko ay agad ko naman pinindot ang susi ng sasakyan ko. Binuksan ko ang trunk at nilapag ko ang mga bagahe ko. Pagkasarado ko ng trunk ay lumapit na ako sa pintuan ng sasakyan sa driver's seat.

Pagkasakay ko ay naabutan ko si Mama na nasa labas at nakangiti sa akin. Binusina ko siya para sabihin na aalis na ako. Tumango naman siya at agad-agad naman lumapit si Mama sa gate para pagbuksanan ako. Nang naibukas na ni Mama ay pinaandaran ko naman ang sasakyan.

Isa o dalawang buwan ulit ako uuwi sa amin. Ngayon kasi ay pupunta ako sa condo ko sa Manila kung saan tinuturing ko naman iyon bilang pangalawang bahay ko. Nang nagkaroon ako ng unang trabaho malapit sa Manila ay doon ininsist ko sina Mama at Papa na bibili ako ng isang unit ng condo malapit sa Manila para convenience sa akin. Medyo malayo rin kasi sa workplace ko kung patuloy akong titira kina Mama at Papa.

Nang nakarating na ako sa condo ay agad akong pumunta sa parking lot para ipark ang kotse ko. Nang naipark ko na ay tinigil ko na ang makina at lumabas na rin ako para kunin ko na yung mga gamit ko sa trunk. Nang nakuha ko na ang lahat ay pinindot ko ang susi ng sasakyan para isara. Chineck ko naman lahat ng pinto para masigurado kong sarado lahat.

Habang naglalakad papunta sa entrance ng condo ay agad kong ningitian ang mga guard dito. Nang nakapasok na ako ay naglakad na ako papunta sa elevator. Ilang minuto pa lang ay sumakay na ako at nang nakita ko na ang floor ko ay lumabas na ako sa elevator. Habang naglalakad papunta sa unit ko ay agad-agad ko naman kinuha ang susi ko sa unit ng condo ko sa bulsa ko.

Nang nakapasok na ako ay dumiretso muna ako sa kusina ko dito para ilagay yung mga tupperware sa refrigerator. Nang nailagay ko na ay tumuloy na ako sa kwarto ko. Doon ay nilapag ko ang isang bag na punung-puno ng damit sa ibabaw ng kama ko. Isa-isa ko naman nilgay ang mga bagong damit ko sa closet ko dito.

Nang naiayos ko na ay lumabas ako ng kwarto ay lumapit ako sa sofa ko dito at umupo.

Haysss. Walang magawa sa bahay. Ano ba pwedeng gawin? Kinuha ko ang cellphone ko at isa-isa ko chineck yung mga nagtext sa akin. Puro workloads na naman ako nito. Ano kaya kung pumunta ako sa mall? Mamasyal lang naman kaysa mabagot ako dito sa bahay.

Tumayo na nga ako at nang nakalabas na ako ay napatingin ako sa babaeng nagpipindot ng passcode niya. Bago kong kapitbahay? Tiningnan ko ang mukha niya at hindi ko mapigilan na mapanganga sa nakikita ko.

Akmang hahawakan na niya ang door knob ng tawagin ko siya.

"Lucky?" nanigas siya sa kinatatayuan niya. Hindi nga ba ako nagkakamali? "Lucky ikaw ba iyan?" tanong ko ulit sa kaniya. Unti-unti siyang lumingon sa akin at halatang nagulat rin siya.

"An..drei?" lumapit ako sa kaniya at agad ko siyang hinawakan sa dalawang pisngi niya. Hindi nga ako nagkakamali, si Lucky nga ito. All I can say is that she's even more beautiful right now.

"Ako nga ito, Lucky." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Lucky Evangelista, the one who captured my heart ever since we met at that day on the beach. Ang totoo niyan ang first meeting namin ay noong nasa bar kami. Nandoon ako sa bar dahil nagkayayaan ng inuman ng mga kaibigan ko nang makita ko siyang parang nahihirapan dahil hinarangan siya ng isang lalaki.

The Art of Painful RealityWhere stories live. Discover now