Chapter 8: Back to my own HOME

567 12 0
                                    

A/N: Hi guys! It's been nearly three months nang maiupdate ko ang last chapter nito which is chapter seven. Sorry if matagal bago ako bumalik, dahil na rin sa busy ako and dahil na rin sa wala akong inspiration para icontinue ang dalawang story ko. Yeah, which means kapag walang inspiration gumawa eh tinatamad. Yeah, tinatamad si Ms. Author na mag-update dahil na rin sa dahilan na iyon. Pero aside from that since bumalik na ako eh ibig sabihin lang nito na bumalik ang inspirasyon kong gumawa. So thank you sa mga sumusuporta sa dalawang story ko and sa other kong story pa. So hindi ko na papatagalin pa, here's the update!


GAILLE'S POV

"Explain." Utos ko sa kaniya. Seryoso ko siyang tinitigan at nang umiwas ito ay bumuntong hininga siya ng pagkalalim lalim. Nang nahimigan kong hindi pa rin siya magkwekwento sa akin ay huminga na rin ako ng malalim.

"Jenny, magbestfriend na tayo since highschool pero ako lang ba ang hindi nakakaalam sa nangyayari kina Stephen at Lucky?" hinanakit kong tanong sa kaniya. Ako lang ba? Sa aming apat na magkakaibigan tanging ako lang ang hindi nakakaalam sa estado ng relasyon nina Lucky at Stephen. Hindi ba ako kati-tiwala na sabihin nila yung mga saloobin nila sa buhay?

Unti-unti naman lumapit sa akin si Jenny at niyakap ng mahigpit. "Shhh...hindi naman sa ganun pero kasi issue na nila iyon mag-asawa—" pinutol ko na agad siya.

"So ganun na lang ba iyon? Ako ang late sa balita? Ganyan na ba kayo sa akin? Bakit—"

"Gaille! Stop that! Matagal ng alam ni Nicole na physical at emotional na sinasaktan ni Stephen si Lucky dahil magbestfriend naman sila ni Lucky simula pa lang. Ako eh nung 10 months ago, na nalaman kong ganun ang ginagawa sa kaniya ni Stephen. Kinunwento sa akin ni Troy kung gaano kamanhid si Stephen para saktan niya si Lucky ng ganun." Nang marinig ko iyon galing kay Jenny ay hindi ko mapigilan na magalit sa kaniya. 10 months ago? Edi matagal na pala niyang alam pa pero for a second thought, I try to understand her. Oo nga naman, issue na nilang mag-asawa iyon pero kahit na. Kaibigan naman ako ni Lucky at kaibigan rin naman nila ako.

Huminga ako ng malalim at ginantihan ko na lang rin ng yakap si Jenny. "Okay, okay. I'll try to understand kung ano man ang sitwasyon ngayon nina Lucky at Stephen but I don't quite understand kung bakit pa sila nagpakasal kung ayaw rin naman ni Stephen si Lucky. Akala ko naman nagpakasal sila is dahil nagmamahalan silang dalawa." Naguguluhan kong sabi sa kaniya. Ganun naman talaga ang dalawang tao diba? Kapag mahal nila ang isa't isa ay magpapakasal sila. Gusto nilang magpakasal dahil handa na silang mamuhay sa iisang bahay at gagawa ng isang masayang pamilya.

"Well, kahit rin naman ako Gaille. Naguguluhan rin kung bakit naging ganito ang nangyari sa kanila ni Stephen at Lucky. Akala ko happily married ang dalawa ayun pala, hindi. Kahit rin naman ako Gaille, nagagalit ako Stephen kasi patuloy niyang sinasaktan si Lucky. I think may rason kung bakit sila nagpakasal ng walang nararamdaman mahal si Stephen kay Lucky. Tanging si Nicole lang ang nakakaalam non." Mahabang paliwanag sa akin ni Gaille. Napatango naman ako sa kaniya. Nang mahismasan na ako ay naisipan naming dalawa na mag-ayos ulit dahil binyag ngayon ng unica hija. We don't want to look stressed kailangan fresh kami paglabas ng CR na ito.

Habang nag-aayos kaming dalawa ni Jenny ay naalala ko na naman ang ginawa sa akin ng lalaking na nagngangalang Nathan. Hindi ko malimutan na sinabihan ba naman ako na akala niya ay patay na ako. Ano yun? Galawang hokage niya? Ha! Kala niya sa akin easy to get?

Pero hindi ko rin maiwasan na matakot at mangamba ng makita ko yung way ng pagkatitig niya sa akin kanina. Halatang nasaktan at nalungkot ito sa akin. Napahawak agad ako sa kaliwang dibdib kung nasaan ang puso ko. Ngayon ay normal lang ang pagtibok nito pero kanina sa simbahan ay bumilis ito.

The Art of Painful RealityWhere stories live. Discover now