GAILLE'S POV
"Are you stalking me?" nakakunot na tanong niya sa akin. What? Akala niya ba na sinusundan ko siya dito sa Laguna. I can't help but to laugh him mockingly. Nakita ko naman na mas lalo pa siyang napakunot nang tawanan ko siya ng ganon. Unti-unti naman ako lumapit sa kaniya.
"Do you think, na sinundan talaga kita dito sa Laguna? Hah! Wag ka masyadong ilusyonado, ni hindi ko nga alam pangalan mo eh." I said him, mockingly. Mukha naman siya nagulat pero ilang segundo lang ay napalitan ito ng ngisi sa kaniyang labi.
"Well, I think isa iyan sa mga technique niyong mga babae na magsinungaling sa amin. Nagkukunyari na hindi kami kilala pero sa totoo ay kilala niyo naman kami." Pagkasabi niya iyon sa akin ay namumulang umalis na lang ako sa harap niya. Aish! Bakit ko pa aaksayahin ang oras ko sa kaniya, may pagkamayabang rin pala siya.
"But seriously, why are you here Gaille?" napatigil ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Yeah, nice one Gaille. Nag-iwan ka pa kasi ng letter sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya at wala na yung ngising nakaplaster sa labi niya. Ramdam kong naniniwala naman siya sa akin na hindi ko siya iistalk since mahal ko yung kaibigan niya.
"So, hindi mo na ako pagkakamalan na stalker kita?" I asked him with assurance. He just nodded to me. "Depende na lang, kung sasabihin mo talaga sa akin na iniistalk mo nga ako." Bumalik na naman ang nakakainis niyang ngisi sa akin.
"I'm just here, because of my business okay?" kalmado kong sabi sa kaniya.
"What kind of business?"
"A café pero nagseservice rin kami katulad ng pagdeliver ng mga cupcakes and cakes for any occasion." Nang marinig niya iyon ay tumango-tango lang siya. Bigla naman ito napapitik sa kamay niya na parang may naalala siya.
"Oh yeah, right. Thank you for your delicious chocolate chip cookies. Hindi nga malabo na marunong ka talaga magbake." Nakangiti niyang pasasalamat sa akin. Psh! Marunong rin pala siyang maging grateful sa tao. Habang nakatingin ako sa kaniya ay hindi maiwasan ng dalawang mata ko na mapatingin sa papel na nakaplaster sa pintuan.
MAGAZINE PHOTOSHOOT. PLEASE REFRAIN FOR ENTERING THIS ROOM.
"Oh, I'm a photographer in my family's business. Well, do you know the magazine "Travelling Magazine"?" napailing naman ako sa kaniya dahil hindi ko hilig magbasa ng mga magazines, newspapers, books or kahit ano man yang printed materials except cooking book.
"Oh. I'm quite surprised na meron pa rin palang tao na hindi nagbabasa ng ganitong kasikat na magazine." Hmmm...Since, nandito lang rin naman siya baka pwede ako makasagap pa ng impormasyon tungkol kay Jake. Baka pwede niya rin ako tulungan na mapalapit pa ako lalo kay Jake. Nice one, Gaille! Napansin ko naman na papasok ulit siya pero agad ko rin siyang hinawakan sa braso.
"What?" nakakunot na tanong niya sa akin. Ningitian ko naman siya na tinuro ang isang café na malapit sa amin. Mabuti talaga at may café dito.
Pagkapasok namin sa café dito ay agad rin naman kami nakahanap ng mauupuan.
"Just please, stay." Pagpigil ko sa kaniya nang makita kong tumayo siya sa kinauupuan niya. Tumingin siya sa relo niya at napabuntong hininga siya.
"Okay, I'll give you 10 minutes because they need me right now." Agad-agad naman ako tumango sa kaniya at binigyan siya ng thumbs up. Mabilis naman ako lumapit sa counter para mag-order para sa amin dalawa ni...Shoot! Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam name niya.
Nang makuha ko na ang order namin ay dahan-dahan naman ako lumapit sa table namin. Nilapag ko ang mga order namin sa table at binalik ko ulit sa counter yung tray nila. Masaya naman ako umupo sa harap niya at sumimsim ako ng kaunti sa coffee macchiato ko.
YOU ARE READING
The Art of Painful Reality
RomanceEvery person has at least one secret that would BREAK your heart - Gaille Anne Mendoza Technically, I'm SINGLE. But my heart is taken from SOMEONE I can't have. -Nathan Hernandez I'm gonna smile like nothing's wrong, pretend like everything's all r...