ANDREI'S POV
It's been a day since we agreed to each other's condition. Tutulungan ko siya maging close sila ni Jake at ako naman ay gagawin niya lahat ng ipapautos ko sa kaniya. Nag-aalinlangan ako kung totoo ang gusto niyang gawin ko para sa kanilang dalawa ni Jake. I know that there's more in it kapag nagawa ko yung ipinapagawa niya sa akin.
"Jake!" tawag pansin ko kay Jake na halatang kanina pa ito nagshashake ng mga cocktails niya dito. Inangat niya ang ulo niya at gulat na napatingin sa akin.
"O Andrei! Long time no see. Ngayon ka lang ulit nagpakita." Masayang bati niya sa akin. Naglakad ako palapit sa bar counter niya at napakunot naman si Jake kung sino ang kasunod ko.
"Gaille?" napatingin ako kay Gaille at halata sa kaniyang mukha na tuwang-tuwa siyang banggitin ni Jake ang pangalan niya. Umupo na ako sa isang stool dito at humarap kay Jake.
"So, magkakilala kayo?" nakakunot na tanong sa akin ni Jake. I looked at Gaille and she just focused her eyes in Jake. Tsk tsk. Nangangarap na naman ng gising.
"Ah yeah. About a week ago." Pagsisinungaling ko. "Gaille, if pwede naman eh bilhan mo ako ng tubig sa labas." Utos ko kay Gaille. Bigla naman bumalik siya sa realidad at masama niya akong tiningnan. "Gaille, please." Pagdidiin ko ng please sa kaniya. Alam niya na kailangan niyang gawin iyon dahil nasa agreement na namin iyon.
Padabog naman bumababa sa stool si Gaille at parang may binubulong ito habang palabas ito sa bar ni Jake. "I didn't know na magkakilala kayo." Panimula ni Jake. Tsk. Kung alam lang niya kung paano yung naging first encounter namin ni Gaille.
"So, kamusta ka na pre? Kamusta buhay pag-ibig mo?" nakangisi kong tanong sa kaniya. Umiling naman siya nang nakangiti habang gumagawa na naman siya ng mix para sa cocktail na gagawin niya.
"Still the same. Nasasaktan pa rin ako habang nakikita ko silang magkasama at mas lalo pa akong nasasaktan kapag nakikita ko yung genuine niyang ngiti doon sa boyfriend niya." Well, we're on the same page, Jake. Ganyan rin nararamdaman ko kay Lucky. Yung tumatanaw ka na lang sa kanila sa malayo dahil wala ka naman chance para piliin ka nung babaeng pinakamamahal mo. You're smiling to her to make sure you're okay but the truth is not. You're just hurting inside.
"Ikaw? Kamusta lovelife mo? Wala na akong balita sa iyo matapos nang iligtas mo yung babae at nagkaroon ng gulo dito sa bar ko." Sabi sa akin ni Jake. Hmmm...it's been such a long time. Kailan nga ba iyon? That was the first encounter with Lucky. Naalala ko na naman kung paano pinahiya ni Stephen si Lucky sa labas ng bar ni Jake at pinauwi niya ito. Bumalik ulit siya nang pauwiin niya si Lucky para suntukin ng todo at malakas sa mukha yung lalaking nangbastos kay Lucky.
Sabagay, ano pa ba silbi ko? Hindi na ako pwedeng bumalik at makipag-usap ulit kay Lucky dahil una nagreconciled na sila ni Stephen at pangalawa ay baka masaktan lang ulit ako.
"Well, I'm single and not ready to mingle." Nakangisi kong sagot kay Jake. Napatingin kaming dalawa kay Gaille na kakapasok lang. Agad naman siya lumapit sa amin at pabagsak na binababa niya ang isang bottle ng tubig.
"Ayan na po yung tubig niyo, Sir Andrei." Nakangiting sabi sa akin ni Gaille. Psh. Ito pa lang kauna-unahan kong utos sa kaniya at ganito na agad siya umasta. Napailing na lang ako sa pag-uugali ni Gaille. Napaayos ako ng upo ng may maramdaman akong vibration sa bulsa ko. Kinuha ko ang cellphone ko at chineeck kung sino nagtext.
From: Gaille
Ano ba ginagawa mo? Akala ko ba tutulungan mo akong maging close kay Jake.
YOU ARE READING
The Art of Painful Reality
RomanceEvery person has at least one secret that would BREAK your heart - Gaille Anne Mendoza Technically, I'm SINGLE. But my heart is taken from SOMEONE I can't have. -Nathan Hernandez I'm gonna smile like nothing's wrong, pretend like everything's all r...