GAILLE'S POV
Well this is the day! Ito yung day na pinakahihintayan ko dahil sa pupunta at bibisita sa akin ulit yung dalawang bestfriend ko, sina Jenny at Nikki at ang long lost bestfriend ko rin na si Lucky!
Pagkalabas ko sa office ko ay agad ko nakita ang wagayway sa akin ni Jenny kaya dali-dali ko siya nilapitan. Pagkalapit ko sa table niya ay nagulat ako dahil nandoon si Nikki. Agad-agad naman tumayo si Nikki at niyakap ako ng mahigpit. OMG! It's been two years talaga at masasabi kong mas lalong gumaganda si Nikki. I think it's because of her husband and her daughter.
Pagkatapos namin magyakapan ay yumakap naman ako kay Jenny. Dito talaga ay niyakap ko siya ng mahigpit. Siya talaga ang namiss ko ng sobra dahil sa buong bakasyon ay naghoneymoon lang naman sila ng asawa niya na si Troy. Nabalitaan ko pa sa kaniya na halos inikot na nila ang buong bansa. Tsk. Tsk. Iba talaga si Troy. But I'm happy for them dahil nasaksihan ko rin kung paano nasaktan ng masyado si Jenny kay Troy nung college pa lang kami. Atleast ngayon ay nakikita ko naman na nagbabago na si Troy para sa kaniya.
Pagkayakap ko kay Jenny ay hinanap ko naman ng dalawang mata ko si Lucky. Nang mapansin nilang may hinahanap ako ay nagsalita na si Jenny.
"Wala pa si Lucky, baka mamaya dadating na iyon. OMG! Excited na ako sa love slash vacation story nilang dalawa ni Stephen." Nakakunot na tiningnan ko si Jenny dahil sa pinagsasabi niya.
"Hmmm...okay. May kukunin lang ako sa office ko. Wait lang." pagkasabi ko sa kanilang dalawa ay iniwan ko na sila. Dumiretso na muna ako sa office at pumasok. Hinanap ko ang folder at nang nakita ko na ay kinuha ko ito. Pagkalabas ko ay bigla akong nakarinig ng sigaw sa pwesto nina Jenny at Nikki.
"LUCKYYY!!!!" sigaw ni Jenny.
"BESTTTTT!!!!" sigaw naman ni Nikki.
Agad-agad naman inikot ng paningin ni Lucky ang buong paligid nila. Mahahalatang lahat ng tao ay nakatingin na sa kanila dahil sa ingay nilang dalawa ni Nikki at Jenny. Buti at sa pwesto ko ay hindi ako masyadong nakikita ni Lucky dahil na rin nasa tagong part ako. Sinenyasan ko ang empleyado ko dito na lumapit siya akin at sumunod naman ito.
"Ito Patrick, pakibigay kay Anne yung pastry chef natin na sundan lang niya yung instructions kung paano gumawa ng Oreo Cheesecake. Okay?" pagkautos ko sa kaniya ay tumango ito sa akin at pumunta na sa kitchen's area.
Lumabas na ako sa counter area at lumapit na ako sa table nila.
"Wag kang magsinungaling sa akin Lucky! Matagal na tayong magbestfriend. Impossible naman na nahulog ka sa hagdan dahil nagmamadali kang pumunta dito. Ano yun, excited kang pumunta dito? Maghihintay naman kamid ito kasi nagtext ka naman kay Jenny eh." Pinaupo ni Nikki si Lucky.
Pagkalapit ko sa kanila ay "Ano ba naman kayo! Pinayagan ko na nga kayo dito kumain sa café tapos mag-iingayan lang kayo?" masungit ko pagsasaway sa kanila. Napatingin agad sa akin si Lucky at agad-agad niya akong niyakap. Nakangiting ginantihan ko ng yakap si Lucky. Hmmm...namiss ko rin si Lucky dahil ngayon ko lang ulit siya nakita. Pagkatapos namin magyakapan ay umupo na kaming dalawa.
Pagkaupo namin ay tinanong niya ako kung bakit owner ako ng café. Akala niya daw ay bakery ang tinayo ko.
"Ah hindi, sino nagsabi sa iyo na bakery shop ang minamanage ko?" tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya kay Nikki.
"Sorry kung bakery shop yung nasabi ko sa iyo. Parehas lang naman yung bakery shop tsaka yung café diba?" tanong ni Nikki habang nakataas ang dalawang kamay niya.
YOU ARE READING
The Art of Painful Reality
RomanceEvery person has at least one secret that would BREAK your heart - Gaille Anne Mendoza Technically, I'm SINGLE. But my heart is taken from SOMEONE I can't have. -Nathan Hernandez I'm gonna smile like nothing's wrong, pretend like everything's all r...