ANDREI'S POV
It's been one week na nakakalipas pagkatapos ng pangyayari na kung saan eh kumain dito si Lucky sa unit ko. Hindi ko maatim sa sarili ko na hindi man lang ako umamin sa nararamdaman para kay Lucky but I know if aaminin ko sa kaniya na mahal ko siya ay baka mas lalo maguluhan ito. I know that in her situation right now ay naguguluhan siya kung makikipagbalikan pa ba siya sa asawa niya which is si Stephen.
I think I'll tell her my feelings at the right time. I think I'm not that confident enough para aminin ko sa kaniya itong nararamdaman ko. Alam kong napakaduwag ko bilang isang lalaki at daig ko pa ang isang babae pero iba-iba ang lalaki sa mundo.
Shinut down ko muna ang laptop para maipahinga ang mga mata ko. Narito ako sa kwarto ko at ang ginagawa ko lang kanina ay pag-eedit ng mga pictures sa mga nakuha kong photos na kinuhanan ko kahapon sa photoshoot namin. Right now, ay alam kong naghahanap pa rin si Lucky ng trabaho. Niyaya ko naman siya na doon na lang siya magtrabaho sa amin para hindi siya mahirapan maghanap ng trabaho at para na rin magkaroon kami ng maraming time sa isa't isa.
Yeah, I'm a bit sneaky guy. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at isa-isa ay tiningnan ko ang mga gamit ko para sa dadalhin ko mamaya sa out of town ko. Ngayon ay magoout of town ako for two weeks dahil na rin sa photoshoot na meron kami doon. Nang naayos ko na ang mga bagahe ko ay lumabas na ako sa unit ko.
Pagkalabas ko ay naabutan ko si Lucky na kakalabas lang rin sa unit niya. Halatang aalis ito dahil medyo formal ang pagkakasuot nito. Nakahanap na kaya siya ng trbaho?
"Nakahanap ka na?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Yup kaya pupunta ako sa mall para magpapicture." Sabi niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Hay...Dapat kasi doon na lang sa studio namin ka magtrabaho tsaka madali lang naman iyon Lucky." Sabi ko sa kaniya pero umiling lang ito sa akin.
"Ano ka ba Andrei, thank you nga sa offer mo pero hindi ko kasi passion maging writer ng isang article or editor ng isang magazine."
"Ano ka ba Lucky, hindi naman kita gagawin doon bilang isang writer ng isang article or editor eh. Gagawin kita doon model kasi you have the perfect body or you have the body of a model." Saad ko sa kaniya. I think namis-interpret niya na magiging writer or editor siya sa studio namin. Nakita ko naman na namula ito sa sinabi ko. Shit! Well played Andrei, ang ganda talaga ng pagkakasabi mo sa kaniya but hindi naman nude or swimsuits ang ipapagmodel sa kaniya. I can't allow myself or anybody na magmomodel siya na ang tanging suot eh swimsuit or kahit hubad. Never in my life.
"Ayoko rin naman ng ganun Andrei kasi baka makita pa ni Stephen yung magazine na iyon tapos ay puntahan ka sa studio niyo at baka mapatalsik pa kayo. Hindi mo pa naman alam si Stephen." sabi niya sa akin.
"Pero---"
"Andrei okay lang tsaka hindi ka ba magiging masaya nakahanap na ako ng trabaho at---"
"Tanggap ka na ba tsaka ano bang trabaho ang inapplyan mo?"
"Uhm...magtatrabaho kasi ako bilang secretary ng isang kompaniya."
"WHAT?!" bigla niyang tinakpan ang dalawang tenga niya dahil na rin sa outburst ko. Bigla ko hinawakan ang dalawang balikat niya. "Ano ba Lucky, hindi ka nag-iisip? Secretary ka ng boss mo isang kompaniya tsaka hindi mo pa naman alam kung yung boss mo ay lalaki o babae papaano na lang kung lalaki tapos matanda pa may asawa't anak tapos babastusin ka lang niya doon. Wag Lucky, hindi ako payag sa gusto mo." I can't allow her na maging secretary siya ng ganun baka ano pa ang gawin sa kaniya ng boss niya if ever na maging secretary siya nito.
YOU ARE READING
The Art of Painful Reality
RomanceEvery person has at least one secret that would BREAK your heart - Gaille Anne Mendoza Technically, I'm SINGLE. But my heart is taken from SOMEONE I can't have. -Nathan Hernandez I'm gonna smile like nothing's wrong, pretend like everything's all r...