Chapter 11: What's his name?

299 6 0
                                    

GAILLE'S POV

Nagising ako dahil sa nararamdaman kong init mula sa sikat ng araw na tumatama sa aking dalawang mata. Dahan-dahan ko minulat ang mga ito pero mabilis na napa-upo ako sa malambot na kama na inuupuan ko ngayon. Agad ako napasapo sa noo at napapikit ng mariin dahil sa kirot na nararamdaman ko sa ulo ko ngayon. Argh Gaille! Maling-mali talaga ang ginawa mo kahapon but I deserve that right? I just made myself drunk to forget this shitty feeling that I have for him.

Oh come on Gaille, just fucking forget him. Nature na niya maging mabait sa mga kababaihan remember? Pero kahit ganun I know in my heart na minahal ko siya, sadyang tanga ka lang Gaille.

Napabalik lang ako sa huwisyo ng napansin kong iba ang kwarto na hinihigaan ko kanina. Inikot ko ang paningin ko at puro white and black ang bawat furniture na narito pati kahit wallpaper dito ay puti at ang sahig rin. Hmmm...nice choice of color but...

Agad ko inangat ang kumot at nakahinga naman ako ng maluwag dahil suot ko pa rin ang damit na sinuot ko kahapon. Woooo...Relax Gaille. Agad naman ako napatingin sa isang lalaking kakapasok lang dito sa kwarto. Tiningnan niya lang ako ng saglit at lumapit rin ito sa akin ng may hawak ng isang basong tubig.

Walang emosyon na binigay niya iyon sa akin. Tinanggap ko naman iyon sa kaniya at sumimsim. Tumalikod na ito sa akin ng bigla ko naman siya hinawakan sa braso.

"Uhmmm...sorry if dito ako natulog sa kwarto mo pero nasaan ako?" tanong ko sa kaniya. Iniwaksi niya ang hawak ko sa kaniya at naglakad ito patungo sa pintuan. Aba't! Walang modo.

"Pagkatapos mong ayusin ang kama na ginamit mo at ayusin ang sarili mo ay maari ka ng umalis." Pagkarinig ko iyon sa kaniya ay tuluyan na nga siyang lumabas. Aba't! May attitude. Umagang-umaga iniinis na niya ako. Akala mo eh may pinagdadaanan siya ngayon. Bumangon na nga ako sa kama niya at inayos ito. Hinanap ko naman ang dalawang mata ko ang pintuan ng CR niya dito. Nang nahanap ko na ay pumasok ako naghilamos.

Tiningnan ko ng huli ang sarili ko sa salamin at nang masigurado ko na okay na ako ay lumabas na ako sa CR niya. Dire-diretso naman ako lumabas ng kwarto niya. Nakita ko naman siya na nagluluto ito ng almusal niya. Nang maamoy ko ang niluluto niya ay hindi ko mapigilan na hindi maglaway dahil sa amoy pa lang ay mukhang masarap ang niluluto niya.

Aish! I quickly shook my head. This is not the time to be that hungry, Gaille. Nakakahiya naman sa kaniya tsaka isa pa sabi niya na umalis ka na daw diba?

"Uhmmm...aalis na ako. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa condo mo." Nang sabihin ko iyon sa kaniya ay akmang aalis na ako ng bigla siyang

"Wait! Umalis ka na lang mamaya. I know for sure that you're hungry right now." Kalmado nitong sabi. I looked at him pero umiwas lang ito ng tingin sa akin.

"O-okay." Pagkasagot ko ay lumapit na nga ako sa lamesa at umupo. Inilatag niya ang isang bowl ng may sabaw sa harap ko.

"Mabuti iyan para sa hangover mo." Tumango ako bilang sagot. Hindi naman pala siya ganun kasama na tao. May tinatago rin pala siyang care sa kaloob-looban niya.

Katulad ko ay umupo na rin siya sa harap ko. May bowl rin siya na may sabaw. Tiningnan ko siya at nakikita ko sa mga mata niya na wala na itong buhay. Hindi kaya, heartbroken siya?

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumingin sa akin. "What? Is there dirt on my face?" Nakakunot nitong tanong sa akin. Marahan na umiling lang ako sa kaniya at natatarantang tinikman ang sabaw niya. Pagkatikim ko ay hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa sobrang sarap ng sabaw.

Nakangiti na tiningnan ko siya. "Ang sarap ng sabaw mo." Pagkasabi ko iyon sa kaniya ay sarap na sarap ako naghihigop ng sabaw na niluto niya.

The Art of Painful RealityWhere stories live. Discover now