three

886 25 0
                                    

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Pagkasarado palang ng pinto nagiisip na agad ako ng dahilan upang mahiwalay sa kanila ngunit sa isang banda ay naisip ko rin na hindi maganda para sa imahe at katungkulan ko ang gagawin ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ganito ang mga nararamdaman ko.
Kinakabahan ako ng sobra, parang may kung ano sa loob ng tiyan ko na nagdudulot ng kiliti sa pakiramdam ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ganito ng reaksyon ng sarili ko sa mga taong to, alam kong may mali.
Alam kong maling mali ang mga pangyayari ngunit paano ko ito pipigilan, itong mga nararamdaman ko? Itong bilis ng pagtibok ng puso ko? Parang mayroong parte ng pagkatao ko ang sumaya at nabuhay bigla.

"Binibini? May bumabagabag ba sayo? Tila hindi mo kami nappansin?"
Tanong ni Nate na pumukaw sa mga iniisip ko.

"ha? ah kasi--- teka pano ba? ahh
saan nyo ba gustong pumunta?"
Halos nabubulol kong tanong sa kanila, parang biglang huminto ang utak ko. Walang ibang laman ang isip kundi mga tanong,tanong na bumabagabag sa akin.

"Alpha, where do you think?"
tanong ni Stefan kay Wync.

Kanina ko pa napapansin ang mga kakaibang katatawagan nila sa isat-isa at ang mga kinikilos nila.
Medyo kakaiba lang kasi sa paningin ko.

Isang pares ng masiglang luntiang kulay ng mata ang sumalubong sa aking paningin.
Pares na halos higupin ang buon kong pagkatao sa pagtitig palang.
Parang may kung anong panghihikayat ang kanyang mga mata dahil kahit gaano pa katagal ayaw ko ng putulin pa ang pagtititigan namin.
Ngunit bigla kong naiisip na hindi normal sa bansa ko ang luntiang kulay ng mata na parang may ilaw dahil sa maliwanag ito kung titigan.
Nakaramdam ako ng pagka-hiya dahil nakatitig pala ako ng matagal sa kanya.

"Staring is rude, you know?"
Sambit nya sa akin at bahagyang ngumiti na mas lalong ikinahiya ko ngunit pilit kong itinatago.
Kailangan kong ipakita ang maawtoridad kong pagkatao.
Walang lugar ang hiya sa katulad ko.

"I know. and sabihin mo din yan sa sarili mo baka ikaw ang may hindi alam nyan!"
Pataray kong sagot sa kanya, akala nya masisindak nya ako.
huh! Hindi nya pa ako kilala.

"Fierce haha"  sabat ni Stefan kasabay ng tawang nakakaloko.
Na mukhang ikinairita ng itsura ni Wync.
Huh! Kala nya, masyado naman kasing feelingero eh ano naman kong tinititigan ko sya tss!
Imbes na humahanga na ako kanina sa kanya ay napalitan na ito ng pagka asar.

"Okey boys, should we start the tour? My time is precious"
pagbawi ko na sinabayan ko pa ng pag irap kay Wync at pag akbay kay Nate at Stefan.
Bahagya naman silang nagulat at medyo umilag ng konti sa ginawa ko. Pero hindi ko tinggal ang kamay kong nakaakbay sa kanila hanggang sa ----

"pwede wag mo silang hawakan?!"
Biglang sigaw ni Wync na mahahala ang galit at pag ka seryoso ng tinig nya na ikinatayo ng balahibo ko.
At dahil sadyang pasaway ako, ayokong magpaaepekto sa boses nya kahit pa alam kong dapat bitiwan ko na sila at dapat na akong makaramdam ng kahit na konting takot but no!, I wont give his satisfaction he wants.

"Oh! at bakit naman? Would you mind your own business and------"

"Ah eh, binibini sa tingin ko mas makabubuting bitawan mo nalang kami"
putol ni Nate sa sasabihin ko pa sana.

"y-yeah hehe, Ah sa tingin ko dapat mo na kaming bitiwan. Gusto ko pa mabuhay"
pagmamakaawani stefan
na mahahalataan na ng takot at pagka-kaba.
I dont see whay they saw on him para matakot ng ganun. Tao rin naman sya ah masyado lang duwag tong dalawang to kaya siguro ganito sila. Ayoko pa naman sa lahat eh duwag.

Humarap ako kay Wync at pinameywangan sya.

"Hoy! Ikaw! Pwede bang-----------"

Naputol bigla ang sasabihin ko, and the last thing I know nakasandal na ako sa wall at napapagitnaan ng dalawang matipunong bisig ni Wync.
Sa sobrang bigla at takot ko ay hindi ko na halos maigalaw pa ang katawan ko. Sobrang bilos ng pangyayari na halos hindi ko nakita kung paano.

Young Alpha's Mate(Tagalog V.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon