Hearts in Trouble 1

22 0 0
                                    

Ang mga tauhan at mga pangyayari na nakasulat sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang mula sa mayamang imahinasyon ng may-akda at hindi hango sa tunay na pangyayari. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda.

Ang anumang bahagi ng kuwentong ito ay hindi maaaring kopyahin at gamitin sa anumang paraan ng walang pahintulot mula sa may-akda.

♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥ ♡ ♥

A/N: Sa mga mahihilig sa action/romance story sana po magustuhan niyo ang kuwentong ito. Huwag po kayong mahihiyang mag-iwan ng inyong mga komento, suhestyon at mga puna para sa ikagaganda ng kuwento. Salamat po.

Maligayang pagbabasa!

P.S.: Susubukan ko siyang i-update ng madalas. Hanggang 20-25 parts lang siguro ito. JAREM at NELYN LOU idini-didikit ko sa inyo ito ahaha! :-D

_____________♥♡♥♡♥♡♥______________

CHAPTER ONE

-Nelyn Lou's POV-

"You failed your mission."

Napasimangot si Nelyn Lou sa huling sinabi ng Uncle Jim niya bilang pagtatapos ng mahabang sermon nito sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina nito, nakaupo sa mahabang sofa habang parang batang pinapagalitan nito.

Ito ang may-ari Knights Detective Agency kung saan isa siya sa mga agents nito.

Hindi niya naman gustong ma-fail sa assignment na ibinigay sa kanya.

She was on a mission acting as a sales lady ng isang ukay-ukay queen. Nag-apply siyang sales lady sa main branch ng negosyo nito kung saan naroroon ang bodegang bagsakan ng saku-sakong ukay-ukay na itinitinda nito.

Pinaghihinalaang front lang ang negosyong iyon upang makapuslit ng droga.

It was an easy job. Sa pagpapangap niya ay marami siyang nakuhang impormasyon.

Nalaman niyang isang drug lord pala ang nasa likod ng kilalang ukay-ukay queen at ginagamit lamang ito para malayang makapuslit ng droga papasok at palabas sa lugar na iyon.

At hindi lang iyon. Natuklasan din niyang hindi lang droga ang idini-deal ng mga ito kundi pati smuggled gun.

Subalit isang araw ay nakilala niya ang totoong kulay ng ukay-ukay queen na madalas ay naroroon sa main branch nila.

Behind her beautiful face at katawang napaka-sexy ay pusong lalaki pala ito.

At isa siya sa mga naging sales lady doon na natipuhan nito.

Nakahalata na siya noon sa mga simpleng gesture nito sa kanya. May pahimas-himas ito sa kanyang balikat at braso.

Noong una ay hindi niya iyon pinansin alang-alang sa misyon niya.

Ngunit nang dibdib na niya ang hawakan nito ay hindi na niya napigil ang sarili. Sinampal niya ito, sinabunutan, tinadyakan at iningudngod sa sahig.

Bago pa man magsilapitan ang mga bodyguards nito ay nahila na siya ng kasama niyang agent na partner niya sa misyong iyon na nagpanggap namang bading na may-ari ng parlor sa tapat ng puwesto nila at itinakas sa lugar na iyon.

The woman ended up in the hospital.

At ang isa pang ikinagagalit ng Uncle Jim niya ay wala siyang nadalang kahit na anong ebidensya sa pagtakas niya.

Ang mga ebidensyang nakalap niya ay naiwan lahat sa kwarto nilang mga sales lady doon na nasa ikalawang palapag lamang ng tindahan nila.

Hindi niya naman akalain na ganun ang mangyayari.

She wasn't a very patient woman. At hindi niya kayang i-tolerate ang gawan siya ng ganoon.

And now her Uncle Jim was suspending her for one month.

"Halos basagin mo na ang mukha nung babae. At alam mong mahalaga ang papel niya sa Knights." patuloy pa rin ito sa panenermon sa kanya.

"I said I was sorry," nakasimangot na tugon niya.

Napabuntung-hininga na lamang ang kanyang uncle.

Mula ng maulila siya sa magulang ay ito na ang nag-aruga sa kanya.

Nakababatang kapatid ito ng kanyang ama. Dati itong pulis ngunit nagbitiw ito sa tungkulin nang mapatunayan nitong may ginagawang anomalya ang mga kasamahan at kasabwat pa hepe nito.

Highschool pa lamang siya nang itatag nito ang Knights Detective Agency. At dahil facinated siya sa mga ginagawa ng mga imbestigador ay nahimok siya ng tiyuhin na maging isa sa mga agents nito.

Architecture ang tinapos niya. She undergo training in Martial Arts ngunit hindi niya magamit-gamit sa actual na labanan ang mga natutunan niya doon.

Pinag-training din siya ng uncle niya sa paghawak at pagpapaputok ng baril ngunit sa kabila ng marami-rami na ring assignments na binigay sa kanya ay hindi pa niya naipuputok ang baril na pagmamay-ari niya sa mga panahong nasa misyon siya. Naipuputok lamang niya iyon kapag nasa shooting range siya at nagpapractice.

"My decision is final Nelyn Lou." pagtatapos ng uncle niya sa diskusyon nilang iyon.

Padabog siyang tumayo sa sofa habang ang nguso niya ay pwede ng sabitan ng kaldero sa haba.

Nakasimangot  na tinungo niya ang pinto at lumabas.

Naiwan naman ang uncle niya na napapailing na lamang sa pag-aasal bata niya.

Hearts in Trouble (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon