Hearts in Trouble 9

5 0 0
                                    

CHAPTER NINE

-Nelyn Lou's POV-

Dalawampung metro mula sa bahay na tinigilan ng kotseng sinusundan ay itinigil niya ang kotseng sinasakyan.

Pinatay niya ang headlight at ang makina ngunit hindi muna siya bumaba ng sasakyan.

Tiningnan niya ang kotseng sinusundan. Bumukas ang pinto nito sa driver's seat at bumaba mula roon ang isang babae.

Pumasok ito sa nakaawang na gate ng bahay na pakay nito.

Mabilis siyang bumaba sa sasakyan niya at patingkayad na lumapit sa bahay. Alas nuebe na noon ng gabi at bihira na lamang ang mga taong nasa labas ng kanilang mga bahay.

Malapit na siya sa gate ng bahay nang biglang may humagip sa kamay niya sabay hila sa kanya.

Ibubuka pa sana niya ang bibig upang sumigaw ngunit maagap ang kung sino mang pangahas na iyon na takpan ang bibig niya.

"Shhhhh!"

Tumahimik siya. Boses lalaki ang estrangherong ngayon ay may hawak sa kanya.

Itinikom niya ang bibig. Papaniwalain niya ito na hindi siya sisigaw. Hihintayin niyang alisin nito ang kamay na nakatakip sa bibig niya bago siya sisigaw at hihingi ng saklolo.

Ilang sandali pa ay lumuwag ang pagkakatakip ng kamay nito sa bibig niya.

"Wag ka maingay. Ako 'to si Ja-"

"Waaaaaaaw-" naputol ang sigaw ko nang muli niyang takpan ng kamay niya ang bibig ko.

Napatingin siya sa taong sinusundan niya. Nakalingon ito sa kanila habang nakataas ang kamay nito sa saradong pinto. Mukhang kakatok sana ito sa pinto ng bahay ngunit naudlot iyon dahil sa ingay nila.

Noon naman biglang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa ang isang magandang babae.

Buti na lang at medyo madilim sa kinaroroonan nila at natatakpan pa sila ng haligi ng pader.

Marahas niyang nilingon ang estrangherong lalaki. Nagulat pa siya nang makilala ito. "Jar-"

Naputol ang pagsambit niya sa pangalan ng lalaki dahil tinakpan ulit nito ang bibig niya.

"Sshhhh."

Muli ko namang itinikom ang bibig ko.

"Anong ginagawa mo dito?" paanas na tanong niya dito.

Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Magkasama ba sila ni Lorren? Oo. Si Lorren Lim ang taong sinusundan ko. At si Jarem ang lalaking humablot sakin mula sa dilim.

May usapan ba sila ni Lorren na magkita sa lugar na iyon?

Pero bakit tulad niya ay mukhang nagtatago din ito sa babae? Tulad ba niya ay lihim din itong nag-iimbestiga?

Lihim niyang sinundan ang babae mula sa bahay nito. Duda kasi siya dito. May kutob siyang hindi niya maipaliwanag kung ano.

"Sshhh." Muli ay saway nito sa kanya. "Ang ingay mo. Makinig ka na lang."

Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang pakay sa pagpunta sa lugar na iyon.

Sumilip akong muli sa bahay. Magkausap na ngayon si Lorren at ang magandang babaeng nagbukas ng pinto ng bahay.

"Bakit mo ba ginagawa sakin to Corrine?" umiiyak na tanong ni Lorren sa babaeng tinawag niyang Corrine.

"Alam mo kung bakit dear sister." nakakaloko ang ngiting gumuhit sa mga bibig ni Corrine.

Huh? Sister? Magkapatid sila?

"Galit ako sayo dahil mula pagkabata ay ikaw na ang paborito nila Mommy at Daddy. Ikaw na ang matalino. Ikaw na ang mabait para sa kanila. Ikaw ang laging kinakampihan kahit ikaw ang may kasalanan." sunud-sunod ang mga salitang binitawan ni Corrine sa kapatid.

Tumagilid si Lorren sa kapatid habang nakayuko at panay ang pahid ng panyo sa mga mata. "Hindi ko alam na all these years ay nariyan pa rin pala sa dibdib mo ang inggit sakin. Pero kapatid mo ako Corrine. Tigilan mo na ang mga ginagawa mo para saktan ako. Maawa ka nam-" naputol ang anumang sasabihin ni Lorren nang malingunang sarado na ang pinto ng bahay ng kapatid.

Ilang sandaling nakatingin lamang ito sa nakasaradong pinto bago ito nakayukong lumakad palabas ng gate.

Ewan kung namamalik-mata lamang siya. Ngunit parang nakita niyang ngumisi si Lorren. At parang sumulyap rin ito sa kinaroroonan nila?

Nakita ba sila nito? Parang imposible naman yun kasi madilim sa kinaroroonan nila at natatakpan pa sila ng pader.

Ngunit tama ba ang hinala niyang parang may kakaiba sa mga nangyayari? Yung parang may hindi tama?

Nasa malalim siyang pag-iisip nang bigla siyang akbayan ni Jarem. "Nakaalis na siya." bulong pa nito sa kanyang tenga.

Hindi niya alam kung dahil sa hanging dala ng bulong nito kaya biglang nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok.

At bakit parang may kiliting dulot ang ginawa pagbulong ng lalaking ito sa kanya?

"Ano ba! Isa pang tsansing mula sayo may kalalagyan ka na sakin." piksi niya sabay pukol ng matalim na sulyap dito.

"Ang brutal mo talaga Nelyn Lou. Ops, teka may dadaan." sambot nito habang nakatingin sa kaliwang dulo ng kalsada.

Napatingin din siya doon. Nakita niya ang pigura ng isang lalaki at isang babaeng naglalakad sa gitna ng daan. Mukhang mag-sweethearts pa yata ang mga ito. Panay ang tukaan eh.

"Baka mapagkamalan tayong magnanakaw." sabi ng unggoy sa tabi ko.

Paminsan-minsan nag-iisip din pala ang gunggong na to.

Mahirap na ngang mapagkamalan kaming magnanakaw ng dadaang mag-jowa. Baka sumigaw pa ang mga ito ng tulong mula sa mga tanod na malamang sa mga oras na ito ay nagroronda na.

Nagsisimula pa lang kami sa pag-iimbestiga kaya hindi kami pwedeng mabulilyaso nang ganito kaaga.

"Sakyan mo ang gagawin ko."

Parang tanga naman siyang tumango sa sinabi nito.

Napapitlag pa siya nang bigla siya nitong akbayan bago inakay sa gitna ng kalsada.

Sumunod naman siya dito nang magsimula itong maglakad pasalubong sa mag-jowa na parang may sariling mundo at tila walang pakialam sa paligid.

"Dadaan ang mag-syota." Nakangising pang-aasar nito sa kanya nang makalampas sa kanila ang mag-sweethearts.

Akmang hahampasin niya ito sa braso nang hilahin siya nito sa tabi ng kalsada.

Hindi naman pala sila nalalayo sa bahay na minanmanan nila.

Nasa kabilang dulo lang sila ng pader nito.

Hinawakan siya ni Jarem sa kamay at inakay palapit sa gate ng bahay. Nakabukas pa rin iyon at parang iniimbita silang pumasok.

Nagpalinga-linga ang lalaki bago siya hinila papasok sa bakuran ng bahay.

Magpo-protesta pa sana siya sa balak nitong gawin ngunit naroroon na sila sa loob.

"Wala ng atrasan to." piping bulong niya sa isip.

Patingkayad silang lumapit sa isa sa mga bintanang nakabukas.

Para silang mga magnanakaw sa ginagawa nila.

Dahan-dahan siyang sumilip sa nakabukas na bintana.

At bago pa man siya mapigilan ni Jarem ay napasinghap na siya sa nakita.

Mabilis naman nitong natakpan ang bibig niya bago pa man siya makagawa ng ingay.

Nabigla siya siya sa nakita nung sumilip siya sa bintana kaya di niya napigilang mapasinghap.

Buti na lang at naroon si Jarem.

Inakay siya nito palabas sa bakuran ng bahay.

Ni hindi na niya namalayan kung paano siya nito naalis sa lugar na iyon.

Hearts in Trouble (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon